CHAPTER VI: THE FIRST WEEKEND

19 4 0
                                    

BELLE'S POV

Ilang araw na ang nakalipas, natapos na rin ang unang linggo ko sa Academy. May tatlo na akong kaibigan sina James, Tristan at Clark. Although hindi gaanong kasundo ni James yung dalawa pero mukha namang magiging close sila.

Kailangan ko na magpahinga dahil bukas rin ay pupunta na ako sa aking dorm. Malapit lang ang dorm ko sa apartment na tinitirhan ni Tristan at sa dorm ni Clark. Come to think of it, di ko pa napuntahan ang dorm na tinitirhan ni James pero okay lang wala naman akong pake. Magpapahinga na ako at magiging busy pa ako bukas.

"Knock, knock?" "Ate,  gising na may bisita ka".

"Maya-maya, naantok pa ako sabihin mo kay mama maya-maya".

"May nag-aantay na bisita sa baba ate".

Ayoko na suko na ako babangon na ako mukhang di ako titigilan ni Princess.

"Oo na babangon na ako, mag-aayos lang ako bumaba ka na at sabihing pababa na ako".

"Sige ate" sagot nito.

Sino naman kaya yung bisita na sinasabi niya? Naantok pa ako eh. Nagpalit lang ako damit, naghilamos at nagtali ng buhok.

Pagbaba ko sa hagdan nakita ko sila James, Tristan at Clark, si James ay kinakausap si Mama si Clark naman ay nakikipaglaro kay Princess at si Tristan ay naka-upo lang.

"Pano niyo nalaman na taga-dito ako?" tanong ko sa kanila kaya napatingin silang lahat sa akin.

"May nakalagay na address sa listahan ng mga estudyante sa room natin" sagot naman ni James.

"Wow,  nakakatakot kayo ha" pabiro kong sagot.

Natawa lang si James.

"Maraming salamat sa pagpunta niyo ha at sa pag-volunteer na tumulong sa paglipat ng anak ko" sabi ni mama.

"Walang anuman po para po sa kaibigan namin" sagot naman ni Clark.

Nag-arkila si mama ng sasakyan para sa pag-lipat ko. Kanya-kanyang karton ang buhat nila.

"Ako na magbubuhat niyan" sabi ni James.

"Hindi, kaya ko na to" sagot ko naman.

Nagulat kaming dalawa ni James ng biglang kinuha ni Tristan ang buhat-buhat ko at pinasok sa sasakyan.

Nang malagay na namin ang mga gamit na dadalhin ko sa dorm ay sumakay na rin kami para dumiretso na. Iniwan namin na naka-lock ang bahay.

Makalipas ang dalawang oras na biyahe nakarating na rin kami sa dorm ko.

Inayos ko na ang gamit ko pagpasok ko sa mismong kwarto ng dorm ko ay may naramdaman nanaman ako na kakaiba di ko alam kung dahil ba nagsama-sama yung tatlong lalaking yun o iba pa. Naguguluhan ako parang bago nanaman tong nararamdaman ko.

Nakita ko sa kabila ang isang babae na nagsusulat lang hinayaan na namin siya at inayos ang nga gamit ko.

"Ang cute mo naman dito Belle" sabi ni James.

Napatingin kaming lahat at nakita ko ang litrato na hawak-hawak niya. Kinuha ko ito pero tinaas niya lang at di ko to maabot. Maabot ko na sana to ng biglang dinukot to ni Clark at pinakita kay Tristan. Natawa lang silang tatlo.

Kaagad ko na itong kinuha at tinago.

"Mga buset uy" sabi ko nalang at mas lalo lamang silang natawa.

Ngumiti nalang ako ng palihim dahil natutuwa ako na nagsasayahan sila.

Tanghali na kaya kumain na kami. Kumain kami sa Jollibee libre ni Mama dahil natutuwa daw siya sa tatlong mokong na yun. Agad na natapos sila Clark at Tristan sa pagkain.

Habang kumakain kami ay biglang lumabas sina Tristan at Clark. May kukunin lang daw sila sa mga lugar nila since malapit lang sila babalik nalang daw ulit sila.  Naiwan kami dito nila Tristan,  Princess at mama.

TRISTAN'S POV

Hindi ko alam bat ako sinama bigla ni Clark palabas. Nagpaalam din kami sa magulang ni Belle na babalik nalang kami.

"Anong meron Clark?" tanong ko.

"May naramdaman nanamang kakaiba si Belle sa dorm niya" sagot ni Clark.

"Ano? " gulat kong sagot.

"Easy bro, di natin alam kung kakampi yung dorm-mate niya niya o hindi, sinabi ko lang to para alam mo rin".

"So dalawa na ang babantayan natin maliban kay Belle" sabi ko.

"Yeah" tipid na sagot ni Clark.

JAMES POV

Ano kaya meron sa dalawang yun?

Gusto kong sumama at alamin pero ayoko rin iwanan si Belle pati si Tita.

"Balik na tayo sa dorm" yaya ni Belle.

"Sige" sagot ko.

"Wait lang mga bata" sabi ni tita.

"Eto oh para sa snacks niyo good for 6 persons yan. May aasikasuhin lang ako kaya na muna bahala sa paglalagay ng mga gamit" sabi nito at inabot sa amin ni Belle ang pagkain

"Okay po ma" sagot ni Belle.

"Salamat po Tita at ingat rin po" sagot ko naman.

Bumalik na kami sa dorm at nakita namin sila Tristan at Clark na nasa labasan ng dorm.

"Bumalik na rin kayo" sabi ni Clark.
"Asan pala si tita?" tanong niya pa.

"May aasikasuhin lang daw si mama" sagot naman ni Belle.

Umakyat na kami at pumasok sa dorm ni Belle.

Nagulat kami nang makita na nakasalansan ng ayos ang mga box na wala ng laman at bagong walis na rin ang kwarto. Nakita namin na kumakain rin ang ka-dorm ni Belle.

"Salamat" sabi ni Belle dito.

Pinagpatuloy na namin ang pag-aayos.

Natapos kami saktong alas-tres na ng hapon. Binuksan na namin ang snacks na binigay ni Tita. Pizza, french fries at dalawang 1.5 na cokeang laman nito.

Niyaya ni Belle ang ka-dorm niya na kumain tutal tumulong din naman ito sa pag-aayos nung wala kami.

Halatang mahiyain siya dahil tinanggihan niya pa ang alok ni Belle pero pinilit rin naman siya nito kaya kumain rin siya.

Hanggang balikat ang kanyang buhok maputi rin siya kagabi ni Belle. Natapos na kami sa pagkain at nagkwentuhan nalang kami ng mag-aala-syete na ay umuwi na rin kami.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon