CHAPTER LXIII: BEHIND THE MASK

7 1 0
                                    

BELLE'S POV

Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin ang tatlong natitirang Chess Piece. Pero nagulat kami nang makita namin na lumulutang si Rei na duguan ang katawan.

"Rei!" sigaw ni Poeny.

Biglang nahulog sa pagkakalutang si Rei pero nasalo naman dahon na pinagalaw ni Poeny. Tumakbo si Poeny papunta kay Rei at ginigising ito.

"Rei! Rei! Gumising ka akala ko pa papasurvive ka pa. Liligawan mo pa ako diba? Rei!" naiiyak niyang sabi.

Tinanggal ng Dark Knight anf maskara niya.

"Belle, please be with me I can't afford to lose you again" seryosong sabi ng Dark Knight habang inabot ang kamay.

Halata sa mukha nila ang pagkagulat ng makita nila ang mukha ng Dark Knight.

"Hinding-hindi ako sasama sayo James" sagot ko dito.

"Why? I love you. I've waited for more than 100 years just to see you again"

"Hinding-hindi ako magkakagusto sa taong gumagawa ng masama"

"Fine. If I can't have you, no one can have you" seryoso nitong sagot.

"Harold pano mo to nagawa sa amin?" tanong ni Tristan.

"Come on, right from the start I tell you that I only cooperate at the group to ensure that Belle is safe" seryosong sagot nito.

"Kaya pala kapag lumalaban kami hindi ka namin nakakasama, kaya pala alam mo saan nakatago ang libro, kaya pala ang lakas mo at kaya pala alam mo saan ang lumang simbahan" naguguluhang sabi ni Mark.

"James ikaw ang pumatay sa magulang ko? Bakit di mo nalang rin ako pinatay dati? Bakit James?" naiiyak na sabi ni Aqua.

"Naawa lang ako sayo nun dahil naalala ko ang itsura ng kapatid ko nung pinaghiwalay kami" sagot nito.

Biglang may mga ugat na umatake kay James pero agad naman itong naka-ilag. Gagalaw palang sana si Poeny nang bigla siyang napatigil.

Hindi na rin namin mapagalaw ang katawan namin. Bumaba na si Rei at nilabas ang espada niya at umatake na ito.

"Poeny!" sigaw ko.

Nagulat kami sa nakita namin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng makita ko na humarang si Rei sa pagkakasaksak ni James kay Poeny.

"You're still alive ha" nakangising sabi ni James.

Lumingon si Rei para makaharap si Poeny.

"Poeny, Im sorry if I can make my promise to you" naiiyak nitong sabi.

"R-R-Rei" naiiyak na sabi ni Poeny.

Hinila ni James ang espada niya at nagsuka ng dugo si Rei. Sinaksak niya ulit si Rei pero hindi pa rin ito umalis sa pagkakaharang.

"Stop it James!" sigaw ko.

"In my next life let's meet again Poeny. In there I will properly tell you what you really meant for m-" biglang pinugutan ni James si Rei sa harapan ni Poeny at sumirit ang dugo sa leeg nito.

Natanggal na ang pagkakakontrol sa katawan namin. Niyakap ako bigla ni Tristan para hindi ko makita ang pugot na ulo ni Rei kitang-kita ko ang pagtulo ng luha ni Tristan dahil sa pagkamatay ni Rei.

Napaluhod nalang at natulala si Poeny dahil sa nakita. Nababalutan na si Poeny ng dugo ni Rei.

May mga malalaking bato ang nagsipagliparan papunta kay James pero bago pa ito makapunta ay isa-isa itong bumabagsak sa lupa. May mga ice spikes rin na umatake pero kagaya ng sa mga bato isa-isa rin itong bumagsak. Umatake si Claire ng napakadaming sinulid pero lumipad si James para maka-ilag.

Umatake naman si James at tangkang papatayin si Poeny. Nagtelport si Mark papunta kay Poeny at itinakas siya doon.

"Bat mo ginawa kay Rei yun!?" galit na sabi ni Erra.

"Why? You also killed my younger brother so why I need to be pity to all of you?" seryosong sagot ni James.

Pinabagal ni Tristan ang oras at sumugod kay James. Nang malapit na ito kay James ay bigla itong napahiga sa sahig.

Umayos na ulit ang takbo ng oras pero nasa sahig pa rin si Tristan.

"You can't beat me with those ability because my ability is much more powerful than yours" nilabas ni James ang espada niya at tangkang saksaksakin na si Tristan ng nagpalabas ako ng Fire Phoenix at umatake ito papunta kay James. Pero may malaking itim na shield ang nabuo at hinugop ang Fire Phoenix ko.

"Akala mo ba maatake mo agad ang Dark Knight ko ate?" nakangiting sabi ni Princess.

Biglang may lumabas na kulay itim na Fire Phoenix at umatake sa amin.
May lumabas naman na Water Dragon at Lumaban dito. Lumabas na din ang Snake Magma ni Erra at lumaban sa Fire Phoenix.

Sasaksakin na sana ni James si Tristan  ng biglang may mga ugat na umatake agad namang naka-ilag si James at lumipad.

"Ako mismo ang papatay sayo Harold" seryosong banta ni Poeny.

Ngumisi lang si James kay Poeny.

Naramdaman ko na ulit na ang aura ng nasa paligid ko mukhang tapos na ang 30 min. Umatake na rin sila Claire pero bigla kaming napatigil.

Para mapigilan ko ang pagpapatigil ng Queen sa amin ay ang Aura ng Queen ang ginaya ko. Nagulat naman ito dahil nakakagalaw na kami ng ayos.

Biglang napatumba kaming lahat sa sahig.

"Shit, eto nanaman" sabi ni Mark.

"I will kill you one by one" sabi ni James.

May mga ugat na nagsipag-labas kaya nawala sa concentrate si James at nakagalaw na kami ng ayos.

"Go!" sigaw ni Erra.

"Erra!" sigaw ko.

"Mark magteleport na kayo pasabi nalang kay lola mahal na mahal ko na siya at mahal ko rin kayo, guys. Belle wag mong kalimutan ang laban natin sa next life ko ha" nakangiting sabi ni Erra.

Hinawakan na ako ni Mark at nagteleport na kami. Pagkita ko ay nasa labas kami ng kastilyo ng King.

Nakulong ang kastilyo sa lupa maya-maya pa'y may lumabas dito na mga lava.

"Erra!"

Napaluhod nalang ako dahil sa nakita ko.

"Kailangan na natin umalis" sabi ni Tristan.

"Mark, tara na" sabi ni Aqua.

"Hindi ko na kaya pang magteleport  ng malayuan Aqua masyado nang marami ang nawala sa dugo ko" nanghihina na sabi ni Mark habang hawak-hawak siya ni Claire.

"Umalis na tayo habang wala pa sila" sabi ni Tristan.

Tumayo naman kami at tumalikod pagkalingon namin ay nakita namin ang mga Chess Piece.

"Dito na kayo mamatay" sabi ng Queen.

Bigla may lumabas na pana at napana ako ng Queen.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon