BELLE'S POV
Napagdesisyunan namin na hayaan nalang na matulog ang mga tao sa paaralan dahil di rin naman namin alam saan namin sila ilalagay atsaka masakit na ang katawan naming lahat.
Dumiretso kami sa apartment ni Tristan para dun mag-usap-usap since siya lang naman sa amin ang di nakatira sa Dorm. Kasama rin namin si Poeny.
Nalaman ko lang naman ang ability ko dahil narinig ko kanina kina Tristan at Clark.
Tumayo sa harapan si Clark.
"Magpakilala na tayo ng ayos sa isar-isa ngayon. Everyone hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam niyo na may ability tayong mga andito. My name is Clark Torres my ability is Mind Reading. I can read all of your thoughts. Tanging ang Queen palang ang nakita ko na di ko kayang basahin ang nasa utak. He's Tristan Silva his ability is Time." turo niya kay Tristan. "He can slow the time at his own will. He can also stop the time but it requires a lot of his stamina and power." pagpapaliwanag ni Clark.
"My name is Poeny Perez my ability is to manipulate plants." sabi nito.
"My name is James Harold Barrera just call me Harold I really dont know what is my ability. But I think it's a strong one" sabi ni James.
Nakita kong kumunot ang nuo ni Clark pero hindi ko naman alam ano ang dahilan.
"My name is Bella Esperanza Rivera just call me Belle I really don't know what is my ability just like James. But maybe just like what Clark said earlier to me my ability is to Detect someone if they have an ability or not. "
"So nakaharap natin kanina ang Queen ng mga Chess" sabi ni Clark.
Nagtaas ako ng kamay nagulat sila pero pinagsalita ako ni Clark.
"Actually bago kayo dumating may nakalaban kami ni James na lalaki na may suot na hikaw na Pawn. His ability is Invisibility maswerte kami ni James na natalo namin yun" kwento ko.
"Base sa sinabi ni Belle dalawa sila ni James ang kinailangan para lang makatalo sa isang pawn. Masasabi natin na kahit mababa ang rango ng Chess Piece hindi natin dapat sila minamaliit." paalala ni Clark.
"Sa Chess ay merong 8 pinakamalakas na pwesto kagaya ng laruang chess. Dalawang Rook, Dalawang Bishop, Dalawang Knight or Horse, Queen at King. Sa eight na officials isa palang ang naka-harap natin at kitang-kita na one-sided ang laban na naganap kanina. Kailangan natin na magpalakas para sa susunod na laban. At kailangan natin maghanap pa ng ibang member para sumali sa laban." pagpapaliwanag ni Clark.
"Alam kong delikado ang gagawin natin pero kung di tayo lalaban dadami ang maapi at mangungulila at magkakagulo ang mundo. Handa ba kayong sumali laban sa Chess?" tanong ni Clark.
"Sasali ako" mahinahon na sabi ni Tristan.
"Ako rin" matapang kong sagot.
"Kung sasama si Belle sasama din ako hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya na masama." sagot ni James.
"Sasama ako feeling ko naman ay magkakaroon ako ng kwenta sa laban na to" sagot ni Poeny.
"Mabuti kung ganun" sagot ni Clark.
May naaalala ako bigla. Base sa sinabi ni Clark na pwedeng Detecting ang ability ko. Lahat sila dito ay may naramdaman akong kakaiba nang makita ko sila. At lahat ng naramdaman ko ng kakaiba ay nandito maliban sa isa.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.