CHAPTER IV: HIS THEORY

27 5 0
                                    

TRISTAN'S POV

Nakita ko si Clark na nasa harap ng pintuan namin. Kausap niya si Belle at yung lalaki na kasama lagi ni Belle.

"Andito ako Clark" sabi ko sa kanya.

Alam ko namang ako pinunta niya dahil ako lang kilala niya. HUMSS student si Clark. Matagal na rin kaming magka-ibigan niyaya ko siya na parehas kunin naming strand kaso sabi niya mas bagay ang ability niya sa Strand niya at sa balak niyang trabaho. Balak kasi niyang maging isang Judge o kaya Lawyer dahil malaki daw ang matutulong ng ability niya dito.

Naglalakad na kami ni Clark papuntang canteen ng bigla siyang magsalita.

"May kung anong meron sa babaeng yun, Tristan" sabi ni Tristan.

Nagulat ako sa sinabi niya dahil di ko inaasahan na magsasalita siya ng ganun.

"What do you mean? " sagot ko naman.

"Di ko naman sinasadya pero nang makita ko siya bigla kong nabasa sa isip niya na parang may mali at may nararamdaman siyang kakaiba sa akin pati sayo at sa kaibigan na lagi niyang kasama" nagtataka niyang sagot.

Napa-isip ako sa sinabi niya.

"Alam mo namang hindi natin pwedeng hayaan na malaman ng Chess na may estudyante na may kapangyarihan dito" dagdag pa niya.

"Pero di rin naman natin pwede sabihin sa kanya ang tungkol sa atin" sagot ko.

"Yeah tama ka kaya imbestigahan mo yung kaklase mong yun kung meron ba talaga siya o wala susubukan kong pumunta sa room niyo at imbestigahan siya" sabi ni Clark.

"Sige, I will do my best para malaman natin kung may ability siya o wala" sagot ko nalang.

Nakarating na kami sa canteen at nakita ko sila Belle at yung lalaki na kasama niya.

"I will use my ability para mabasa kung ano iniisip niya" sabi ni Clark hinayaan ko nalang siya dahil gusto ko na rin kumain.

Umupo na kami malapit sa upuan nila.

"Alam mo mukha kang tanga tingnan, Clark" sabi ko.

Tumingin lang ito at ngumiti ng mukhang naaasar tinuloy niya lang ang ginagawa niya. Natapos na sila Belle kumain at umalis na sila. Di pa ginagalaw ni Clark ang kanyang pagkain at tapos na rin ako kumain.

"Bro, may sasabihin ako. Kanina habang andito sila iniisip ng babaeng yun kung bakit nakakaramdam siya ng kung ano sa atin" sabi ni Clark habang nakain.

Kung ganun baka nga may ability rin siya pero ano kaya yun? Tanong ko sa isip ko.

"Yeah, di ko rin nabasa sa utak niya na minention niya na may ability siya kaya di ko alam anong ability niya kaya mukhang di niya alam na may ability siya" sabi ni Clark habang sinusubo yung manok na binili niya.

Nagulat ako kay Clark nang sinabi niya yun.

"What the heck Clark binasa mo iniisip ko" gulat na sabi ko.

"Bat ano masama kung babasahin ko kilalang-kilala naman na kita" sagot niya naman.

"Wala kumain ka nalang diyan" naiinis kong sabi sa kanya.

Lagi niya nalang binabasa iniisip ko nakakainis.

"Alam mo namang nababasa ko nasa isip mo diba, pre?" sabi ni Clark.

"Oo na buset uy" sagot ko nalang natawa nalang siya sa sinabi ko.

Bumalik na kami ni Clark sa building namin sinamahan niya ako sa room para bantayan si Belle dito na daw muna siya habang wala pang klase. Katabi ko sa upuan si Belle. Alam ko namang mababasa niya yun kaya inisip ko nalang yun kaysa sabihin pa.

Nakipag-kaibigan si Clark kay Belle at halatang di komportable si Belle. Kahit sino naman ata kung may makikipag-kaibigan sa iyo ng biglaan.

"Ala-una na di ka pa ba babalik sa room mo?" tanong ni Belle kay Clark.

"Oo nga no Hahahah sorry masyado ata ako nakipag-kwentuhan sa iyo hahahha. Sige na uuna na muna ako Bye Belle,  bye bro".

"Sige" sagot ko sa kanya. 

"Bye" sagot ni Belle at kumaway pa ito.

JAMES POV

What the fuck! Sino tong lalaki na to?  Bat andito to at nakikipag-kaibigan kay Belle.

"Huh" nagulat kong nasabi nang tumingin ito ng masama sa akin.

Anong problema niya bat siya tumingin sa akin. Naguguluhan ako sa mga nangyayare.

"Ala-una na di ka pa ba babalik sa room mo? " tanong ni Belle.

"Oo nga no Hahahah sorry masyado ata ako nakipag-kwentuhan sa iyo hahahha. Sige na uuna na muna ako Bye Belle,  bye bro"

Umalis na rin yung lalaki na yun.

"Belle?" tawag ko sa kanya.

"Ano yun" sagot niya naman.

"Kilala mo ba kung sino yun? "

"Hindi eh ngayon ko nga lang siya nakilala eh" naguguluhan niyang sabi.

Magtatanong pa sana ako ng biglang pumasok na teacher namin sa Business Math.

TRISTAN'S POV

Uwian na at lumabas na ako nasa labas na si Clark at nag-aantay sa akin.  Pauwi na kami at biglang nagsalita si Clark

"Kanina nung naka-usap ko si Belle kay nararamdaman siyang kung ano. Hindi kaya ang ability niya ay parang detecting?" sabi nito.

"Pano mo naman nasabi" tanong ko.

"Well may kung ano siyang nararamdaman kapag nakapaligid siya sa atin kung sakaling parang Detecting ang ability niya kung ganun man malaki ang matutulong niya para mahanap ang iba pang tao na may ability"

"So, anong gusto mong gawin ko?" tanong ko.

"Simple lang kaibiganin mo siya at kailangan maopen siya sa magic para mas matrigger ang ability niya" sagot ni Clark.

"Easy to say" sagot ko nalang.

"Kaya mo yan tiwala lang" natatawang sagot ni Clark.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Name: Clark Torres
Age: 17
Abilities: Mind Reading
Trumpcard: Telepathy

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon