BELLE'S POV
Pumunta na kami sa meeting place namin.
"Asan tayong bahay? " tanong ni Rei.
"Nasa apartment tayo ni Tristan" sagot ko.
halata sa expression niya ang pagkalito.
"Hindi naman tayo mag-istay dito may mga inaantay lang tayo" sabi ko.
"Hey" sigaw ni Clark.
"Andito na sila" sabi ko.
Mukhang nagkita sila ni Aqua sa daan dahil kasabay nila ito.
"Hello, Im Poeny, he is Clark and she is Aqua"
"Hello, I'm Rei" nakangiting sagot naman ni Rei.
"Tara na guys?" sabi ni Clark.
Umalis na kaming pito, at sumakay sa kotse ni Tristan.
Totally di ko rin alam saan kami pupunta ang alam ko lang ang bahay ni Tristan ang kitaan.
"Hindi ko alam na marunong pala magdrive si Tristan" natatawa kong sabi.
"Ano bang alam mo?" seryosong sabi ni Tristan.
Ano ba kinagagalit niya, kanina di niya ako pinapansin tapos ngayon sasabihan niya ako ng ganun nagsabi lang naman ako ng totoo eh.
Si Tristan ang nagdradrive, nasa harap sina Clark at James. Kaming apat naman ay nasa likod. Kalahating oras na kaming nagbibiyahe. Tumigil kami sa isang malaking bahay.
"Anong gagawin natin dito? " tanong ni Rei.
"May kukunin lang kami sa bahay na to" sabi ko.
Hindi ko alam kung maniniwala ba siya o hindi bahala na di ko na alam anong kasinungalingan ang sasabihin ko.
Binulungan ko si Clark "Kaninong bahay to? " tanong ko.
"Bahay to ni Tristan" sagot ni Clark.
"Wow ang laki naman wait kung nasa bahay tayo ni Tristan edi andito mga magulang niya?" tanong ko.
"Nope, matagal nang patay ang magulang ni Tristan namatay sa isang aksidente wala ni isa sa magulang ni Tristan ang may ability kaya nakakagulat na nagkaroon siya" kwento ni Clark.
Naalala ko tuloy na walang ability sila mama at princess at ako lang ang may ability sa amin.
Pumasok na kami sa bahay.
"Dito tayo papalipas ng holidays. Tatlong araw kaming walang pasok dahil may meeting ang lahat ng teacher namin. Si Aqua lang ang may pasok sa atin. Ihahatid ka araw-araw ni Tristan papunta at pabalik kaya wag kang mag-alala" sabi ni Clark kay Aqua.
"Anong meron dito? Diba dapat wala ako dito?" sabi ni Rei.
Napatingin kaming lahat kay Rei. Alam ko namang naguguluhan siya sa mga pangyayare kahit sino naman maguguluhan.
"Sabihin na natin ang totoo" sabi ni Poeny.
"Anong totoo!? " naguguluhang sigaw ni Rei.
"Alam naming may ability ka kagaya namin" prangkang sabi ni Clark.
"May kapangyarihan din kayo? " gulat na tanong ni Rei.
"Yup" sagot ni Poeny.
"Pero pano niyo nalaman na may ability ako hindi ko naman yun ginamit ngayong araw? " tanong ni Rei.
"Kaya kong maramdaman kung may ability ang isang tao" sagot ko naman.
Napatingin naman siya sa akin.
"Rei, alam naming may ability ka, sana tulungan mo kami na talunin ang Chess" sabi ni Clark.
"Chess?"
"Sila ay masasamang grupo ng tao na may mga ability rin" sagot ni Clark. "Kung di natin sila mapipigilan pwedeng magkagulo" dugtong niya pa.
"Teka, ano naman ang kinalaman ko dun bukod sa may ability rin ako? " tanong ni Rei.
"Kapag malaman ng Chess na may ability ka, malaki ang chance na sumugod sila sayo at madamay ang pamilya mo wala kang laban sa kanila dahil malalakas sila kaya mas pabor sayo kung may kasama ka sa paglaban sa kanila para walang mamatay sa pamilya mo".
Hindi na nagsalita si Rei pero di rin siya umalis.
"Lima ang kwarto sa bahay nato pero sa tingin ko okay na ang tatlong kwarto sa atin" seryosong sabi ni Tristan.
"Magsosolo ako ng kwarto, magsama-sama ang mga babae sa isang kwarto at sa kabila naman ang mga lalaki sa kabilang kwarto. Walang gaanong pagkain dito sapat lang ang nasa ref para ngayong gabi sa atin. Wala rin akong kasambahay. Bukas ay babalik kayong lahat papunta sa kanya-kanyang dorm at kukuha ng mga damit niyo" dagdag pa niya.
Nilibot namin ang loob ng bahay at dumiretso sa basement para magtraining. Ang laki ng bahay halatang mayaman ang pamilya niya.
"Andito na tayo" sabi ni Tristan.
Napatingin ako sa namangha dahil malaking basement.
"Ngayon magtratrain na tayo para lumakas" sabi ni Clark.
"Payag na ako" sabi ni Rei.
Napatingin kami sa kanya.
"Talaga?" tanong ko.
"Oo, payag na ako sumama sa grupo para protektahan ang pamilya ko " sagot nito. N
atuwa kami sa desisyon ni Rei dahil nadagdagan kami ng isa pang member.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.