CHAPTER V: THE BEGINNING OF ALL THE TROUBLES

24 5 0
                                    

TRISTAN'S POV

Ang aga ko pumasok ngayon, 7:30 palang andito na ako sa room. Naantok ako dahil 7 ako nagising. Mabuti nalang malapit lang ang dorm ko sa school nato.

Ang tagal naman ni Clark sabi niya 7:30 magkita kami sa room namin pero alas-otso na wala pa rin siya. Nakakatamad mag-antay kay Clark. Bumukas ang pinto namin sa harap at pumasok yung kaibigan na lalaki ni Belle. Mukha siyang nagulat na may tao na dito base sa ekspresyon ng mukha niya. Dumiretso na ito at umupo sa harap ng upuan ko.

"Anong kailangan niyo kay Belle? " tanong niya na ikinagulat ko.

Wala akong balak sagutin ang tanong niya wala rin naman akong pake sa kaniya.

"Hmm so di ka sasagot? Alam kong may plano kayo ng kaibigan mo kay Belle" dagdag niya pa.

Pano niya nalaman? Hindi kaya may ability rin siya kagaya ng ability ni Clark? Pero hindi pwede kada tao at may kanya-kanyang ability. Sa pagkakatanda ko may nararamdaman rin nga palang kakaiba sa kanya si Belle. Hindi kaya may ability rin siya?  Pero ano?

"Di ka talaga sasagot sa akin? Gusto mo ng gulo?"  humarap na siya sa akin.

"Anong pinagsasabi mo? " sagot ko nalang habang naka-blangko ang mukha ko.

"Talagang magmamatigas ka" susuntukin niya na sana ako pagkatapos niyang sabihin iyon ng biglang pumasok na ang adviser namin.

"Anong meron dito" tanong ng adviser namin.

"Wala po sir" sagot niya "Nag-uunat lang po ako" dagdag niya pa habang hinahawkaan ang balikat niya at kunwaring nag-uunat.

Dumiretso na ang adviser namin sa mesa niya. Humarap na rin ito sa harapan. Maya-maya lang ay nakita ko si Clark at Belle na magkasabay na pumasok.

Pumasok na si Belle at dumiretso sa upuan niya tinawag naman ako ni Clark sa labas. Nag-usap na kami ni Clark.

"Sigurado na ako na may ability nga si Belle pero hindi ko pa sigurado kung Detecting ang ability niya oh sakop lang to sa ability niya. Anyway,  hindi siya naniniwala sa mga abilities base sa sinabi niya kanina habang naglalakad kami kaya mukhang mahihirapan tayo na kumbinsihin siya" sabi ni Clark.

"Sa tingin ko hindi lang si Belle ang may ability sa room namin" sabi ko.

"What?" sagot ni Clark.

"Nag-usap kami kanina ng kaibigan ni Belle na lalaki tinanong niya kung ano ang plano natin kay Belle" kwento ko.

"Hindi ko alam kung pano niya nalaman na may kailangan tayo kay Belle" dagdag ko pa.

"Kung ganun may ability nga yung lalaking yun" sagot ni Clark. "Hindi ba dapat tayo matuwa? " dagdag ni nito. "Kung titingnan nating maigi mas mabuti na dalawa sila dahil maari tayong madagdagan atsaka kailangan natin silang malayo sa kahit na sinong Chess. Alam mo ba kung anong ability niya?" tanong ni Clark.

"Hindi, bago pa kami mag-laban ay pumasok na ang adviser namin" sagot ko.

"What the, muntik kayong mag-laban? Pano natin sila masasali sa atin kung muntik na kayong maglaban?" sabi ni Clark.

"Mag-uumpisa na ang klase bumalik na muna tayo mamaya nalang ulit" sabi ko.

"Sige, mamayang lunch ha" sabi ni Clark.

Bumalik na ako sa room. Nakita ko si Belle na nagbabasa at yung lalaki namang yun ay nasa upuan ko at mukhang tinuturuan si Belle.

"Excuse me" napatingin sila Belle pati yung kaibigan niya nung sinabi ko yun. Tumayo na ang kaibigan ni Belle at pumunta sa upuan niya. Samantalang nagpatuloy pa rin sa pagbabasa si Belle at nag-simula na nga ang klase.

ONE OF THE KNIGHTS POV

"Kung ganun sinasabi mong may dalawang estudyante sa academy na yun na may ability?"

"Yes my Queen" sagot ko.

Tumawa ang Queen.

"Let's see hanggang saan ang kaya nila"

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon