BELLE'S POV
Nilibot namin ang buong kastilyo nang maka-akyat kami sa third floor ay nakita namin ng kwarto ng Queen. Pagbukas namin dito ay nagulat kami sa nakita namin.
"James" mahina kong sabi.
Nakatali ang kamay at paa niya. Walang damit ito pangtaas at nababalutan ng dugo.
Agad naming tinanggal ang nga nakatali sa kanya. Wala siyang malay nang makuha namin siya. Nagteleport na kami pabalik sa bago naming kuta.
Pagdating namin ay agad na ginamot ni Poeny ang mga sugat nito. Hindi kami makapaniwala sa nakita namin dahil ang alam namin ay patay na si James dahil sa nakita namin na isang bangkay sa lugar ng White Bishop.
Iniwan na muna namin sa loob ng tent si James habang natutulog.
"Siya pala yung James" sabi ni Erra.
"Yup, pero wag mo siyang tawaging James ayaw niyang tinatawag siyang James si Belle lang ang nakakatawag sa kanya ng ganun" sagot ni Poeny.
"Bakit?" naguguluhan na tanong ni Erra.
"Di ko rin alam eh" sagot ni Poeny.
Naghanda naman kami ni Aqua ng makakain. Pagkatapos namin magluto ay kumain na muna kami.
"Ahh!" nagulat kami sa narinig namin napabalik kami sa loob ng tent.
Pagpasok ko ay nakita ko si James na naka-upo na sa higaan. Napansin niya kami at napatingin siya sa amin.
"Belle" ngiti niyang sabi.
"Harold, bro" sabi ni Rei.
Nagtakbuhan sila papunta kay James. Naiwan ako na nakatayo at naluluha dahil buhay pa ang kaibigan ko. Tinapik ni Tristan ang balikat ko at lumapit na kami kay James. Niyakap ako ni James ng makalapit na ako sa kanya.
"Belle namiss kita" naiiyak niyang sabi.
Ginantihan ko rin siya ng yakap.
"Uy nagseselos si Mr. Silva" singit ni Rei.
"Tumigil muna kayo" awat ni Tristan kay Rei.
Natahimik nalang si Rei sa isang tabi.
"Ilang taon rin ang nakalipas nagkita na ulit tayo" naiiyak na sabi ni James.
"Anong nangyare sayo James?" tanong ko dito.
"Last two years nang mapahiwalay ako sa inyo sa church ay dinala ang Chess sa isang lugar. Paggising ko kasama na nila ang kapatid mo sinubukan kong tawagin ang kapatid mo pero wala lang tong pake. Pinahirapan nila ako dun. Tapos bawat Chess Piece ay gumawa ng kanya-kanyang teritoryo at kinulong ako sa lugar ng Queen sinubukan kong tumakas sa kanila lalo na nung nalaman ko na buhay pa kayo pero hindi ako nagtagumpay" kwento nito.
"Mabuti nalang at naabutan ka pa naming buhay" sagot ko.
Tumayo ako at kinuha ang relo niya sa bag ko.
"Sayo to diba?"
"Oo, saan mo nakuha to?"
"Nakuha ko yan sa isang bangkay sa lugar ng White Bishop kaya akala namin patay ka na" sagot ko.
Napatingin siya kay Erra.
"Sino pala siya?" tanong nito.
"Ahh siya si Erra bagong member, earth ang ability niya" sagot ko.
Nginitian niya si Erra.
Inabot ko na sa kanya ang relo niya at kanya niya na itong sinuot. Pinahiram na muna siya ni Mark ng damit na susuotin. Pinakain na rin sila makalipas ang ilang oras. Samantalang lumabas naman ako at nagpahangin.
"Buti nalang buhay pa si Harold no?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Tristan.
"Yeah, buti nalang talaga at hindi pa patay ang isa sa mga kaibigan natin" sagot ko.
"Belle wala ka bang napansin na kakaiba kay Harold?"
"Huh? Panong kakaiba?" naguguluhan kong sagot.
"I mean hindi ba nagbago ang aura niya?"
"Hindi naman, bakit mo naman nasabi Tristan?"
"Hindi naman sa pang-aano pero, do you think it's too easy?"
"What do you mean?"
"I mean alam natin na last two years si Harold ang pinakamalakas sa atin pero ang dali nating nakuha pabalik si Harold imposibleng hindi nila alam na malakas si Harold pero ang bilis naman nila tong pakawalan" paliwanag nito.
"Sabagay may point ka pero wala naman akong napansin na kakaiba" sagot ko.
"Pwedeng hindi si Harold ang kasama natin pero pwede rin na nagkataon na nakuha natin siya pabalik"
"Bukas natin aalamin yun Tristan"
"Yeah, tara na magpahinga na tayo"
Sumunod nalang ako sa kanya sa loob.
Kinabukasan paggising ko nagulat ako dahil napakadami ng pagkain na nakahain.
"Good Morning Belle" bati ni James.
"Ikaw nagluto nitong lahat?" gulat kong tanong.
"Yup, gusto ko sana i-celebrate ang Christmas kahit 26 na at gusto ko rin bumawi sayo na wala ako sa tabi mo last 2 years"
"Wala yun, ano ka ba masaya na ako makita kang buhay" sagot ko.
"Kumain ka na muna" yaya nito sa akin.
Sabay na kami kumain ni James. Nasa harapan ko kumakain su James. Inaabutan niya rin ako ng madaming pagkain.
Maya-maya pa'y isa-isa na silang lumabas sa tent.
"Wow, ikaw naghanda nito Bro?" namamanghang sabi ni Rei.
Dali-dali silang umupo at kumain.
"Good Morning" bati ko kay Tristan.
Nginitian niya lang ako at umupo siya sa tabi ko.
"Good Morning" bulong nito.
"Kamusta na pala kayo, guys?" tanong ni James.
"Okay lang naman kami lumakas na rin kaming lahat atsaka Bro alam mo ba nakaharap na namin lahat ng Chess" sagot ni Rei.
"Totally nakita ko na rin silang lahat ng nakakulong ako" sagot naman ni Rei.
"Magkaano-ano pala kayo ni Belle?" tanong ni Erra.
"Ni Belle? Kaklase ko si Belle" sagot naman nito.
"Kaklase lang?" naniniguradong tanong ni Erra.
"Well kaklase palang sa ngayon at kung papayagan ako ni Belle payag ako na mas lumalim pa ang relasyon namin" nakangiting sagot ni James.
"Kumain na nga muna tayo mamaya na tayo magtanungan" singit ni Aqua.
Natapos na kaming kumain at nag-usap-usap na kami kung anong sunod na gagawin.
"Pagkatapos ng teritoryo ng Queen nasa lugar na tayo nang King" paalala ni James.
"Ano!?" gulat na tanong ni Poeny.
"Pero bat ang bilis?" tanong pa nito.
"Hindi niyo ba alam?" tanong ni James.
"Ang?" tanong ko.
"Pa-V ang mapa dahil sa pinakadulo ng dalawang direksyon ay ang lugar ng King. Nasa isang side ang lugar ng Rook, White Bishop at Queen samantala sa kabila naman ang teritoryo ng Dark Bihsop, White Knight at Dark Knight" paliwanag ni James.
"Anong gagawin natin pupuntahan pa ba muna natin yung tatlong lugar ng Chess Piece o diretsyo na tayo sa lugar ng King?" tanong ni Mark.
"Didiretso tayo sa lugar ng King" sagot ni Tristan.
"Kung didiretso tayo dun aabutan tayo ng tatlong araw sa paglalakad bago makarating" singit ni James.
"Maghanda na kayo at mamaya ay aalis na tayo" bilin ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.