CHAPTER LI: MY FIRST DATE I GUESS?

13 3 0
                                    

BELLE'S POV

Naglalakad na kami sa bayan at inoobserbahan ang bawat lugar. Bat kasi ako ang sinama niya gusto ko magpahina sa tent eh.

"Bilisan mo naman sa paglalakad naghahabol tayo ng oras" paalala ni Tristan.

"Opo" sagot ko nalang at lumapit sa kanya.

"Delikado nga pala na maglakad tayo sa gantong lugar lalo na't alam ng Chess ano ang itsura natin" sabi ni Tristan.

"Oo nga no"

Lumiko sa paglalakad si Tristan at pumasok sa isang pamilihan.

"Bat andito tayo?" tanong ko.

"Bibili tayo ng pwede nating isuot para di nila agad tayo makilala" sagot nito.

Sinundan ko lang siya sa paglalakad. May kinuha siya at sinuot sa akin.

Sinuotan niya ako ng Rabbit Ear Hat.

"Really? Eto na yun?" tanong ko.

"Di pa ako tapos bumili pero bagay naman ha" seryosong sagot niya.

Namimili lang siya ng pwede naming isuot.

"Eto" sabi nito.

Inabot niya sa akin ang isang fask mask.

"Di ka naman mahilig sa rabbit no?" sarcastic kong tanong.

"Hindi naman pero as long as ikaw nagsuot magugustuhan ko. Anyway bagay naman sayo yung pinapasuot ko ha" sagot naman nito.

"Ewan uy" tumingin nalang ako sa paligid at nakita yung part na puro sunglass.

Hinila ko siya papunta doon at namili ng sunglass.

"Eto oh maganda" abot ko sa kanya.

"Ang panget kaya nito mas maganda to" sagot niya.

"Mas gusto ko to" pilit ko sa kanya.

"Mas maganda nga to" inis niyang sagot.

"Bahal ka tara na magbayad na tayo atsaka ayoko nung mask magsasalamin nalang ako" sabi ko at dumiretso na nga para magbayad.

Nagbayad na kami at lumabas na. Kumpara sa naunang bayan mas madaming pamilihan dito at mas maayos.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ni Tristan.

Nagugutom na ako pero pagbalik nalang namin kina Poeny di naman ata kami dito magtatagal atsaka panigurado naman nagluto sila at sayang yung pera na ipapangbayad namin kung gastos kami ng gastos dito.

"Hindi pa" sagot ko nalang.

"Samahan mo ko nagugutom ako" sabi nito.

"Kala ko lilibutin natin to?" tanong ko.

"Hindi tayo makakafocus kung gutom tayo" seryoso niyang sagot.

Sabagay tama nanaman siya. Hinila niya ako papasok sa isang kainan.

"Ayoko gumastos" bulong ko sa kanya.

Natawa naman ito at nagsabing siya na daw magbabayad.

Umupo na nga kami sa upuan.

"Ano kakainin mo?" tanong nito.

"Pass di ako gutom" sabi ko.

Naging seryoso bigla ang mukha niya.

"Ayokong kumain ng kasama ko na hindi kumakain" seryosong sabi niya.

"Edi kung ano nalang kainin mo yun na lang din kakainin ko"   sagot ko.

"Okay, antayin mo ko wag ka diyang umalis" nakangiti nitong sabi.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at naglakad-lakad para imbestigahan ang lugar.

"Mukha kamo tayong tanga" natatawang sabi ko.

"Bakit naman?" tanong nito.

"Tingnan mo naman kasi may sunglass tayo tapos alas-dos na pero may ano pa ako sa ulo" sagot ko.

"Cute naman ha mukha kang bata" sagot niya.

"Mas bata naman kasi talaga ako sayo gurang ka na eh" sagot ko.

"Wow one year lang naman pagitan natin" natatawa niyang sagot.

"Kahit na mukha ka pa ring matanda at ako may baby face" pagmamalaki ko.

"Di mukha mo yung baby face yung height mo"

"Ang sama ha"

Naalala ko bigla yung tanong ni Erra kanina.

"Tristan, kailan pala birthday mo?"

"Bakit reregaluhan mo ko?" tanong niya.

"Ang kapal ha syempre hindi noh napa-isip lang ako kasi di mo pa nasasabi birthday mo" sagot ko.

"December 24, kahit wag ka nang mag-abala sa birthday ko kahit simpleng sulat lang" sagot niya.

"Kapal hindi talaga ako mag-aabala uy"

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Bumalik na tayo sa kanila" yaya nito.

"Okay" sumunod naman ako sa kanya pabalik.

Nakabalik na kami sa mga kagrupo namin.

Lumapit sa akin si Aqua.

"Ang cute naman ng hat mo Belle talagang bumili ka pa niyan ha" bulong ni Aqua.

"Jusme di naman ako may gusto na bilhin to" sagot ko nalang.

Hindi naman siya nagsalita dahil nagsalita si Tristan.

"Papasok tayo sa likod ng palasyo may mga halaman dun na pwede nating pagtaguan para hindi nila tayo agad mahuli.  Tatalunin muna natin ang White Bishop bago pakawalan natin ang mga nakakulong doon sa ngayon magpahinga lang muna kayo" sabi nito.

Hindi ko matandaan na lumapit kami sa palasyo dahil lagi kaming nasa pamilihan at mukha lang kaming nagdadate ni Tristan, pano kaya nalaman ni Tristan yung nasa likod?

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon