CHAPTER LXVII: HER WAY

11 1 0
                                    

BELLE'S POV

Nagulat kami sa ginawang sakripisyo ni James. Hindi rin namin alam kung buhay pa sila ni Princess.

"Nararamdaman mo pa ba sila, Belle? " tanong ni Aqua.

"Wala na akong nararamdaman" sagot ko naman.

Napaluhod sa sahig si Claire.

"So tapos na? Mark nanalo na tayo" naiiyak nitong sabi.

Lumapit si Tristan sa akin at niyakap ako.

"Umalis na tayo" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Tumango naman ako sa kanya lumapit kami kina Claire at umalis na kami. Balak namin pumunta sa iba pang teritoryo ng ibang Chess Piece para pakawalan ang mga nakakulong dun.

"Dito na muna tayo magpapalipas ng gabi" sabi ni Tristan.

Umupo kami sa may puno at sumandal. Pinapagaling ni Poeny ang mga sugat namin habang nagpapahinga kami.

"Hindi ako makapaniwala na tapos na " sabi ni Aqua.

"Kahit ako eh hindi rin ako makapaniwala" sagot ni Poeny.

Tumabi sa akin si Tristan. Hinawakan ang ulo ko at ipinatong sa balikat niya.

"Matulog ka na muna" bulong nito.

Pinikit ko naman ang mata ko gusto ko na rin kasi talaga magpahinga. Maya-maya pa'y may naramdaman akong kakaiba.

"May paparating" natataranta kong sabi.

"Huh? Anong may paparating?" tanong nila Aqua.

"May nararamdaman ako na paparating dito" sagot ko.

Tumayo na ako at hinanda ang sarili. Kahit naguguluhan ay tumayo na rin sila. May malaking bilog na itim ang pumunta sa diresyon namin.Naglabas naman ng mga ugat si Poeny at ginawang shield.Nasira ang mga ugat na kinontrol ni Poeny at nakita namin si Princess.

Nababalutan ito ng mga dugo at puno ng sugat.

"Tssk... Fuck that Knight he really betrayed me because of his love.Well, I dont really need anyone to kill all of you" naiinis nitong sabi.

May lumabas na isang malaking portal na kulay itim.

"Cerberus!" sigaw ni Princess.

May lumabas na kulay itim na aso na may tatlong ulo.

"What the buhay pa siya! Tssk" naiinis na sabi ni Tristan.

Sumugod sa amin ang Cerberus may mga ugat naman na umatake dito at tinali ito. May mga itim na espada ang sumugod at pinutol ang mga ugat na nakatali sa Cerberus. Sumugod na ulit ang Cerberus sa amin.

"Ako na ang bahala sa Cerberus talunin niyo na si Princess" sabi ni Poeny.

Dumiretso naman kami papunta kay Princess. Tinaas ulit ni Princess ang kamay niya at may lumabas nanaman na kulay itim na portal at may lumabas doon na isang ahas at may pakpak ng Dragon.

"Gorgon Snake" nakangiting sabi ni Princess.

"Shit, pano niya nagagawang mag-summon ng dalawang halimaw sa kalagayan niyang yan. Ako na muna bahala dito" sabi ni Aqua.

Naglabas ng mga thread si Claire at pinatama kay Princess pero naka-ilag naman ito.

"Hindi tayo mananalo laban sa kanya tayo ring tatlo ang lumaban sa kanya kanina" sabi ni Tristan.

Kinopya ko ang aura ni Poeny at pinagalaw ko rin ang nga ugat pero kagaya ng kay Claire madaling nakaka-ilag sa mga atake ko si Princess.

May narinig ako na malakas na tunog sa likuran pagtingin ko ay nakita ko si Poeny na tumalsik at wala nang malay samantalang pinapaliputan naman na ng Gorgon Snake si Aqua.

"Poeny! Aqua!" sigaw ko.

May mga ugat ako na inatake sa Cerberus at Gorgon Snake pero naka-ilag naman nila ito.

Lumapit si Claire kay Aqua at kinalaban ang Gorgon Snake samantalang si Tristan naman ang lumaban sa Gorgon Snake.

"Tanggapin niyo na. Wala kayong laban sa akin" natatawang sabi ni Princess.

Inatake ko to ng mga ugat pero nakaka-ilag lang ito. May namuo na mga itim na espada sa paligid ni Princess at umatake ito papunta sa akin nagpalabas naman ako ng mga ugat at ginawa kong shield pero sobrang lakas ng atake niya dahilan para masira ang shield ko at magka-sugat ako.

"Belle!" sigaw ni Tristan.

Lalapit palang siya pero inatake siya ng Cerberus. Kung magpapatuloy pa to ay alam kong mamatay kaming lahat. Kung may magagawa lang sana ako na paraan para matalo namin si Princess.

"Belle"

May narinig ako na tumawag sa akin.

Pamilyar yung boses tumawag sa akin. Naalala ko ang sarili ko na nasa State of Nothingness.

"May paraan para matalo niyo siya pero masyado yung delikado para sayo" dagdag nito.

"Kahit ano pa yan gagawin ko matapos lang to" sagot ko.

"Anong pinagsasabi mo diyan Belle?" sabi ni Princess.

Hindi ko naman ito pinansin at umilag lang ako sa atake niya.

"Sigurado ka na gusto mong malaman?" tanong nito.

"Oo" sagot ko naman.

"You just need to --------"

"Pero pano ko yun magagawa?" tanong ko.

Kailangan mo siyang malapitan ng maayos para magawa ito, pero alam kong hindi safe para sayo kung gagawin mo yun" paalala nito.

"I don't really care if it's only the way then I will do it" sagot ko.

May mga dahon at ugat ako na inatake kay Princess para hindi niya gaanong makita alam ko naman kasing makakailag siya dito.

Nagpalabas ako ng ugat sa kinakatayuan ko at pumunta ako kay Princess.

Nakita niya naman ako na papunta at may lumabas na espada sa kamay niya. Pumunta na ako sa kanya nagulat siya dahil nakayakap ako sa kanya ng sumugod ako sa kanya pero nakasaksak sa akin ang espada niya.

"Belle!" sigaw ni Tristan.

"Patay ka na rin" bulong ni Princess.

Ngumisi lang ako sa kanya. Inumpisahan ko na ang paghigop ng aura niya.

"What the heck" sabi nito. Pilit niya akong tinutulak para mapahiwalay sa kanya pero hinigpitan ko pa ang pagkakayakap at may nga ugat na pumalipot sa akin.

Unti-unti ring nawala ang mga sinummon ni Princess na halimaw. Samantalang kinulong ko naman ang sarili ko aa mga ugat kasama si Princess.

TRISTAN'S POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kinulong ni Belle ang sarili niya kasama si Princess. Hindi ko alam kung papakawalan ko ba siya o hindi. Pwede kasing may plano na naisip si Belle pero hindi ko rin kaya kung mapapahamak siya. Nawala na rin ang Cerberus at ang Gorgon Snake.

Lumipas ang ilang minuto at nagising na si Poeny at pinagaling niya kami. Maya-maya pa ay nasira ang ugat na nakapaligid kina Belle. Napatingin ako dito at agad akong pumunta. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"What the"

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon