BELLE'S POV
Hindi ko alam saang portal ba ako napasok. Naglalakad lang ako at hinahanap ang labasan ng biglang may naramdaman ako na aura sa di kalayuan.
Napatakbo ako para tingnan kanino nanggagaling ang aura na nararamdaman ko ng bigla kong nakita si Erra at andun rin ang White Knight.
"Erra!" sigaw ko dito.
Napatingin naman si Erra at ang White Knight sa akin.
"Tsk, Belle, the only girl that my older brother give a damn after a century" naiinis na sabi ng White Knight.
"Brother? Do you mean James?" sagot ko naman dito.
"Yeah, my one and only brother. It's such a privilege that you will die in my own hands" nakangising sabi ko.
Biglang may mga malalaking bato na lumipad papunta sa direksyon ng White Knight. Naka-ilag naman ito ng mabilisan.
"Yow, Im still talking" sigaw nito kay Erra.
"Oh please, shut-up" sagot naman ni Erra.
Sinuntok ni Erra ang lupa at biglang may lumabas na magtataasan na lupa. Nakalipad naman ang White Knight kaya natakasan niya iyun.
Nilabas na ng White Knight ang espada niya at sumugod papalapit sa amin. Habang papapalapit siya sa amin ay inatake niya kami ng mga fire balls. Pinataas ni Erra ang lupa at naging shield namin iyun.
"Do you have a plan? " tanong ko dito.
"Yeah, to survive no matter what" sagot nito.
Natawa lang ako sa sinabi niya.
Unti-unti nang bumibigay ang lupa dahil sa sobrang lakas nga ng apoy. Nasira na ang shield kasabay ng pagkasira nito ay ang pag-atake ng White Knight sa amin gamit ang espada niya.
Mabuti nalang ay nasangga ko ang atake niya gamit ang espada ko. Pinataas ni Erra ang lupa para tamaan ang White Knight napatalsik naman ito palayo.
Bumangon ang White Knight at natawa.
"I didn't see that coming. It looks like I will have some fun tonight" natatawa niyang sigaw.
Inatake ko siya ng mga fire balls. Naka-ilag naman ito kaagad.
"I see your ability is to manipulate Aura, right?" seryoso niyang sabi.
"Let's see kung gano kalakas ang ability mo".Biglang nabalot siya sa apoy at may lumabas na dragon na apoy na may pitong ulo.
"Shit" bulong ni Erra pero sapat na para marinig ko.
Sa tingin ko naman kaya ko rin gawin yun pero alam kong manghihina ako masayado kapag gawin ko yun at di ko pa sure kung kanino ang mas malakas sa kanya ba o sa akin.
Nagbuga na ng apoy ang mga dragon. Binuhat ko naman si Erra at lumipad kami. Habang lumilipad kami pinapagalaw niya naman ang lupa at inaatake sa White Knight pero di naman natatamaan ang White Knight dahil prinoprotektahan to ng Dragon.
"Belle, anong gagawin natin?" tanong ni Erra.
"Hindi ko rin alam"
Mukhang wala na akong ibang choice. Bumaba na kami ni Erra.
Sinubukan kong gawin ang ginawa ng White Knight pero imbis na Dragon ang lumabas sa akin biglang ibon ang lumabas sa akin.
"Phoenix!" namamanghang sabi ni Erra.
Sumugod ang Phoenix ko sa Dragon, silang dalawa ang naglaban habang kinalakalaban namin ang White Knight. Alam ko namang matatalo ang Phoenix ko dahil mas sanay na sa ganto ang White Knight pero kailangan namin bumili ng oras.
Pagkarap ko kay Erra ay nakita ko ang malaking Lion na lupa.
"Bakit anong akala niyo kayo lang may kaya" nagmamalaking sabi nito.
Ginantihan ko lang siya ng ngiti. Ang Phoenix at Lion ang lumaban sa Seven-Headed Dragon.
Biglang umatake sa amin ang White Knight nadedepensahan naman namin ni Erra ang mga atake nito.
Nasipa ng White Knight si Erra kaya napatalsik ito sa gilid.
"Erra!" sigaw ko.
Bigla naman akong inatake ng White Knight. Magaling rin itong humawak ng espada pero hindi na ako nagtataka kung bakit lalo na't ngayon ay nalaman ko nang kapatid siya ni James.
"Mukha ka atang nablablangko Belle" asar nito.
Bigla niya akong sinipa sa bandang kaliwa. Nakita ko naman iyon pero huli na para ilagan ko pa kaya dinepensa ko ang kamay ko sa sipa niya. Sa sobrang lakas ng sipa niya ay napatalsik ako.
"Ahh ang sakit" mahina kong sabi habang hinahawakan ang kaliwa kong kamay.
Natalo ng Seven-Headed Dragon ang Phoenix at ang Lion namin pero madami ng kalmot at kagat ang Seven-headed Dragon niya kaya inalis na niya ito.
Lumapit sa akin ang White Knight.
"Dito ka na mamatay Belle" sabi nito at itinaas na niya ang espada niya.
Nagulat siya ng biglang may spikes na lupa ang lumabas. Natamaan nito ang kanang hita niya at tagiliran niya.
"Fuck!" sigaw nito at biglang napahawak sa tagiliran niya at hita. Napaluhod siya sa sobrang lala ng sugat niya sa hita.
"Bat ba lagi niyong nakakalimutan na andito ako!" sigaw ni Erra habang nakahawak sa lupa.
"Fuck off! Now that you really did it! I will make sure that you will regret this!" sigaw ng White Knight.
Lumipad papunta kay Erra ang White Knight. May mga lumalabas na spikes habang papunta ang White Knight kay Erra pero naiilagan naman ito ng White Knight.
Nang makalapit na nga ang White Knight kay Erra inilabas niya na ang espada niya ng biglang may mga lava na lumabas.
Napa-urong ito ng may lumabas na mga lava. Biglang nasira ang lupa sa likuran niya at may lumabas na ahas na lupa na nababalutan ng lava at kinain ang Dark Knight.
"Bye" nakangiting sabi ni Erra.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chess Piece
Rank: White Knight
Ability: Fire
Trumpcard: Lightning
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.