CHAPTER L: TRISTAN'S BIRTHDAY?

11 3 0
                                    

BELLE'S POV

"Okay lang kayo?" tanong ni Poeny.

"Okay lang ako magpapahinga lang ako may sugat si mukha si Belle" sagot ni Tristan.

Sabay inalis na ang braso niya at naglakad papunta sa tulugan nang paliko-liko sa paglalakad.

Natawa naman ako dahil mukha siyang lasing.

"Tulungan na kita" sabi ni Erra kay Tristan.

"It's fine" sagot ni Tristan at pumasok na nga sa loob.

"Anong nangyare Belle?" tanong ni Poeny habang pinapagaling ang sugat sa mukha ko.

"Sinugod ako ng Dark Knight" sagot ko naman.

"Ano!? Dark Knight!?" gulat na sabi ni Poeny.

"Yeah, buset nga yun eh bastos naliligo ako eh biglang sumugod".

"Ang bastos niya naman. Yan okay na sugat mo. Anyway share ko lang isa o dalawang beses ko palang nakita ang Dark Knight kaya di ko alam anong ability niya o gano siya kalakas"

"Di ko rin alam eh hindi ko macopy ang aura niya dahil hindi niya pinapakita ang ability niya. Halata rin na ang layo ng lakas niya sa mga Rook na nakalaban natin nung isang araw. Kahit di siya gumamit kanina ng ability ang layo ng galing naman sa paghawak ng sandata halatang sana'y siya buti nga dumating si Tristan eh kung di yun dumating baka ano na pa nagawa nung bastos na yun" naiinis kong sabi.

"Ano bang nangyare pagpunta ni Tristan?" tanong ni Poeny. 

"Wala naman naglalaban lang kami" hindi ko na sinabi yung hinalikan ako ng Dark Knight dahil baka ano pa isipin ni Poeny at baka ipagkalat pa yun kinabukasan. Alam ko naman kasing mapang-asar si Poeny.

Nakakainis talag sa lahat naman ng ng tao yung bastos ko pang kalaban ang makakakuha ng first kiss ko.

Iniba ko nalang ang topic dahil naiinis lang ako kapag naaalala ko yung nangyare kanina.

"Anyway nung nawala ako, anong nangyare?" tanong ko.

"Biglang sumugod dito ang White Bishop at may portal na nagbukas lumabas din dun ang mga Chess Piece simula Pawn hanggang sa White Knight. Pero unti lang ang Pawn na sumugod. Umalis si Tristan at sinabing hahanapin ka daw niya kaya kami nalang muna ang lumaban. Sa totoo lang natalo kami kanina. Pero nagulat kami ng umurong silang lahat at pumasok sa portal" kwento nito.

Naalala ko ang sabi kanina ng White Knight sa Dark Knight. Baka sumugod lang sila para makita gaano kami kalakas?

"Anyway, magpahinga na tayo" anyaya ni Poeny.

"Yeah, napagod na rin ako eh" sagot ko at tumayo na ako.

Pumasok na kami sa ginawang tent ni Erra at humiga.

Nasa iisang tent lang kaming lahat. Malaki naman ng tent eh may apoy lang sa gitna namin bilang liwanag. Ang unan namin ay ang bag namin at ang higaan namin ay ginawang higaan ni Claire gamit ang ability niya.

Kapag naman matutulog na kami sinasara na ni Erra ang tent namin at pinapatay ni Aqua ang apoy saka maglalagay ng yelo sa mga gilid para lumamig sa loob.
Hindi naman basta-basta natutunaw ang yelo ni Aqua kaya paggising namin buo pa rin ito.

Hindi na rin muna ako kumain dahil pagod na talaga ako sa paglalakad at sa laban kanina.

Kinabukasan paggising ko nasa labas na sila Aqua, Erra at Poeny at naghahanda ng pagkain.

Si Erra ang taga-ayos ng lupa nagtatanim ng buto naman si Poeny at pinapatubo ito agad. Si Aqua naman ang naghahalo sa loob ng lutuan.

Pagtingin ko sa gilid ay andoon ang mga lalaki sa grupo namin.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon