CHAPTER XV: THE WHITE ROOK

13 4 0
                                    

Hi Guys!!

I hope you enjoy reading this story.

May part na makikita kayo na naka-bold. For example,

"Belle? Naririnig mo ba ako? Ako to si Clark. Sumagot ka sa utak. "

Kapag makita niyo yan ibigsabihin ay nag-uusap sila gamit ang Telepathy ni Clark.

Enjoy😁

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CLARK'S POV

Ang dami na nilang humahabol sa amin ni Tristan, hindi pa rin namin nahahanap ang labasan dito. Hindi rin naman namin alam saan ang dulo nito. Kung andito lang sana kahit ni isa sa kina James, Belle at Poeny panigurado mahahanap namin labasan eh. Gusto ko nang magpahinga pero kapag tumigil kami sa pagtakbo maabutan na kami nung mga sumusunod sa amin na Pawn.

Mukhang kailangan ko na gumamit ng telepathy. "Tristan, makinig ka gagamitin ko na ang telepathy ko pero magtatagal lang yun ng limang minuto pagkatapos nun ay manghihina ako at mawawalan ng malay. Ipangako mo na hindi mo ko hahayaang mahuli ng mga pawn" sabi ko kay Tristan.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko pero sumagot naman ito agad.

"Oo ako bahala sayo" sagot niya.

Ginamit ko na nga ang telepathy ko.

"Belle? Naririnig mo ba ako? Ako to si Clark. Sumagot ka sa utak. "

"Clark? Bakit kita naririnig? Anong nangyayare?" sagot ni Belle.

"Wala akong gaanong oras para magpaliwanag. Makinig kang mabuti nasa isa kaming labyrinth ni Tristan maraming Pawn ang sumusugod sa amin. Pumunta kayo dito nila James at Poeny. Kailangan namin ang tulong niyo" sagot ko.

"Nasa labyrinth kayo ni Tristan!?" takang tanong ni Belle

"Oo kaya bilisan niyo bilang lang ang oras ko para makapag-usap sayo at mamaya mawawalan ako ng malay si Tristan nalang ang gising" sagot ko sa kanya

"Kung andiyan kayo? Sino ang kasama namin kanina nung Recess at sino tong katabi ko ngayon? " nagtatakang tanong niya.

"Ano!? ". Nagulat ako sa sinabi ni Belle
"Sh*t mukhang kakagawan to ng isang official sa Chess bilisan niyo at pumunta kayo dito at wag kayong magpahalata sa mga impostor diyan." dagdag ko.

"San namin kayo mahahanap? " tanong ni Belle

"Papunta na kaming school nun galing kami sa dorm ko baka kapag pumunta kayo sa dorm ko makita niyo ko" sagot ko sa kanya.

"Sige, pupunta na kami diyan" sagot naman ni Belle

"Bilisan niyo bago lumabas may mangyari na di magand-"

"Shit tapos na yun? " sabi ko sa sarili ko.

"Anong nangyare Clark, anong ginawa mo? " tanong ni Tristan sa akin.

"Kinausap ko si Belle gamit ang Telepathy" sagot ko naman.

Nahihilo na ako di ko na alam ang  nangyayere bigla nalang akong natumba at nakatulog.

BELLE'S POV

Nawala bigla si Clark. Tinatary ko siyang kausapin ulit gamit ang utak pero di ko na magawa. Wala nang sumasagot sa akin.

Sinabihan ko si James na kailangan naming pumunta sa room ni Poeny. Nagpa-excuse kami para makalabas dali-dali kaming pumunta sa room ni Poeny sa First Floor. Pina-excuse na rin namin si Poeny.

Kwinento ko sa kanila ang mga sinabi ni Clark at kailangan na namin na puntahan sila Clark.

"Magpapa-iwan ako" sabi ni James.

Nagulat kami ni Poeny sa sinabi ni James.

"Papa-iwan ka? Pano kung may makalaban kami na Official ng Chess? Kailangan ka namin dun kaya sumama ka" pagpupumilit ni Poeny.

"Hindi tayo pwede pumunta lahat dun" kontra ni James. "Lalo na't may dalawa dito na nagpapanggap na Tristan at Clark, pano kung may mangyari na masama sa mga tao dito? " dagdag ni James.

May point si James, okay lang sana na sumugod kaming lahat kung walang mga impostor dito pero kaya ba ni James ang dalawang yun?. Tumingin sa akin si James.

"Alam kong kaya niyo yan Belle tulungan niyo sila, walang mangyayaring masama sa akin dito at pupunta rin ako sa inyo. Kailangan lang talaga may magbantay kina Tristan at Clark na andito sa school. Promise me na iingatan mo sarili mo dun. " sabi ni James.

"Yeah, I will" sagot ko.

Naghiwalay na kami, bumalik si James sa room at kami naman ni Poeny ay palabas ng school.

Napahinto kami sa tapat ng guard house. Pano kami makaka-daan sa guard house ng hindi nahuhuli ng CCTV o ng guard.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Ako na bahala dito" sagot naman ni Poeny. Biglang nagliparan ang mga dahon.

Hindi malakas ang hangin tanging madami lang ang dahon na lumilipad. Ang ibang dahon ay tinakpan ang mga CCTV ang iba naman ay pumunta sa mukha ng guard. Tumakbo na kami ni Poeny habang nasa mukha ng guard ang mga dahon. Binilisan namin ang takbo at papunta sa dorm ni Clark.

Nakita namin sa daan si Tristan at Clark na nakahiga at sa unahan nila ang isang babae na may kwintas at sa kwintas na yun nakasabit ang puting Chess Piece na Rook. Nakangiti ito sa amin ni Poeny.

"Hello" bati nito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chess Piece Rank

Pawn
White Rook
Dark Rook
White Bishop
Dark Bishop
White Knight
Dark Knight
Queen
King

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon