BELLE'S POV
Nasa dorm namin ni Aqua sina James, Claire, at Poeny. Napagkasunduan kasi namin na sila Tristan, Clark, Rei at Mark na mauna papunta sa bahay ni Tristan. Para makita ni Mark ang lugar at magteleport nalang kaming mga natira para mas mabilis.
Kasama na namin si James ngayon. Nabalitaan niya ang nangyare kaya napasugod siya kagabi sa dorm namin ni Aqua at kinamusta kami, kwinento ko na rin sa kanya ang mga nangyare at ang tungkol sa pagkadagdag ng iba pang miyembro.
Nag-kwekwentuhan kaming lima dito sa dorm ng biglang nagpakita si Mark humawak na kami sa kanya at nagteleport na kami papunta sa bahay nila Tristan.
"Ayusin niyo na ang gamit niyo at magtratraining na tayo" bilin ni Clark.
Nag-ayos na kami ng gamit at makalipas ang ilang oras ay pumunta na kami sa Basement. Andoon na ang lahat ng lalaki.
Si Tristan at Rei ay naglalaban, si Clark ay nag-memeditate samantalang naka-upo lang si James.
Napalingon sa direksyon nang pumasok na kami. Tumayo na ito at sinalubong kami.
"Tara na Belle, itraitrain na kita" nakangiti niyang sabi.
"Ahh okay" ganti ko nalang.
Hinila ako ni James palabas ng Basement at dinala niya ako sa Hardin.
"Bat andito tayo?" tanong ko.
"Hindi ka makakapag-concentrate kung maririnig mo ang ingay na ginagawa nila dun lalo na't kailangan ng matinding concentration para pigilan ang ability ni Clark" seryoso niyang sagot.
Ngayon ko lang naalala ang sinabi dati ni James na tutulungan niya ako pero akala ko nakalimutan niya na yun.
"Pumikit ka na Belle alalahanin mo ang pinaka-masayang nangyari sa buhay mo" sabi ni James.
Pumikit naman ako at sinunod ang sinabi niya.
"Ngayon naman ay alalahanin mo ang pinaka-nakakalungkot na nangyari sa buong buhay mo" narinig kong bulong ni James.
Kaya napa-isip ako ng pinaka-malungkot.
"Ngayon naman isipin mo ang pinaka-nakakatakot na nangyari sa buhay mo" bulong ni James.
Maya-maya pa ay narinig ko nanaman siyang bumulong.
"Ngayon gusto kong kalimutan mo lahat nang sinabi ko sayo na alalahanin mo at iblangko ang isip mo makikita mo dun ang sarili mo" mahinang bulong ni James.
Ano? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni James.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na naririnig na nagsasalita si James. Hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko.
"Totally di ko alam kung effective ba ang ginagawa ko o tama ba ang ginagawa mo dahil wala akong ability ng gaya ni Clark" narinig kong sabi ni James.
"Ano!?" gulat kong tanong.
Natawa ito pagkagulat ko.
"Sabi ko na nga ba ay di mo ko naiintindihan" natatawang sabi ni James. "Kung nasunod mo ko hindi mo ko dapat maririnig dahil nasa loob mo na ang isip mo" dagdag pa nito.
"Anong ginawa kong mali? " tanong ko.
"Hindi ko rin alam maaring gustong-gusto mong marinig ang boses ko kaya hindi mo nagawa" pang-aasar ni James.
Tinarayan ko nalang siya.
"Joke lang naman" natatawa niyang sabi. "May sasabihin ako, kung gusto mong makontra ang ability ni Clark dapat ay makapunta ka sa state of nothingness. Kapag makapunta ka dun ay wala ka nang iniisip pero bago ka makapunta ka dun kailangan na kalimutan mo ang lahat mayroon pang isang way para makapunta dun kaso kung nasa matindi kang kapahamakan nga lang pero hindi yun nangyayare sa iba kaya mas maganda kung magconcentrate ka nalang. Makikita mo State of Nothingness ang sarili mo at ano ang ability mo at sure na lalakas ka after mo dun" paliwanag ni James.
"Pero sa totoo lang ay ayokong ituro sa iyo yun dahil may chance na hindi ka na makabalik at matrap sa sarili mo" nag-aalalang sabi niya. "Pero alam ko namang malakas ka kaya alam kong malalampasan mo iyon" nakangiti niyang sabi.
"Wait? So hindi na nababasa ni Clark ang iniisip mo at nakapunta ka na sa State chuchu at alam mo na kung anong ability mo, tama ba? " tanong ko.
"Yup, matagal ko nang nagawa yun pero hindi ko alam na may ability si Clark na ganun nung una kaya hindi ko hinaharangan ang ability niya kaya nung nalaman ko na ano ang kaya niyang gawin hinarangan ko na ang ability niya" nakangiting sagot ni James.
"Bat ayaw mong malaman ni Clark ang iniisip mo? " tanong ko.
"You know halata naman na hindi kayang kontrolin gaano ni Clark ang ability niya lahat ng makikita niya ay diretsa niyang nababasa ang iniisip nito at para sa akin privacy is a must"
Sabagay may point siya na importante din ang privacy.
"Tatanungin ulit kita Belle, gusto mo bang maka-abot sa State of Nothingness kahit may chance na hindi ka na makabalik? " seryosong tanong ni James.
"Hindi na" sabi ko.
Halatang nagulat si James sa sinagot ko.
"Oo, malaking matutulong nun dahil malalaman ko ang ability ko ng maayos at maproprotektahan ko ang privacy ko pero pano kung may sumugod ulit na kalaban pano gagana sa akin ang Telepathy na ability rin ni Clark kung mahaharangan ko to at di pa sure kung makakabalik ako" paliwanag ko.
Ngumiti lang si James sa sinagot ko.
"Okay lang naman desisyon mo naman yan eh".
Tumayo na ito at nilahad ang kamay niya.
"Tara na sa loob?"
"Yeah" sagot ko at tumayo na rin ako.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasiaYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.