BELLE'S POV
Nagpatuloy na kami sa paglalakbay papunta na kami sa teritoryo ni Princess. Katabi ko ngayon si James at buhat-buhat niya rin ang bag ko kinukuha ko yun sa kanya pero ayaw niyang ibigay gusto niya daw kasi bumawi sa mga araw na di niya ako kasama.
"Sure kang okay lang sayo?"
"Okay lang Belle, gusto ko lang talaga bumawi sayo" nakangiting sagot nito.
"Magpahinga na muna tayo dito" sabi ni Tristan.
Kay tumigil na muna kami sa paglalakad. Kumain na rin kami dito.
"Tristan, pwede samahan mo muna ako may pupuntahan lang ako" yaya ni Erra kay Tristan.
Tumayo naman si Tristan at sinamahan si Erra.
"Aww patay ka Belle inaagawan ka na" pang-aasar ni Poeny.
"Inaagawan?" tanong ni James.
"Alam mo ba Harold nung birthday ni Tristan umalis sila Belle at Tristan pagbalik nila tulog na si Belle at buhat-buhat siya ni Tristan" kwento ni Poeny.
"Okay lang yan wala namang pake si Belle, diba Belle?" tanong ni James.
"Yeah" sagot ko nalang.
"See? Atsaka andito naman na ako" dagdag pa ni James.
"Yiiehh" asar ni Claire.
Makalipas ang kalahating oras ay bumalik na sila Tristan at Erra. Namumula ang mata ni Erra.
"Tara na guys" tawag sa amin ni Tristan.
Tumayo naman kami at naglakad na ulit. Tahimik lang sa dulo si Erra. Tinatanong siya nila Aqua, Claire at Poeny anong nangyare para wala itong sinasabi.
"Sa tingin mo anong nangyare bat ganun kilos ni Erra?" bulong ko kay James.
"Di ko rin alam eh" sagot niya sa akin.
Buong hapon ay naglakad lang kami tumigil na muna kami dahil madilim na ang paligid.
"Uy Claire, Poeny, Erra, Belle ligo tayo nay nakita ako na talon sa daan" excited na sabi ni Aqua.
"Talaga? Tara" sagot naman ni Poeny.
"Kayo nalang ayokong sumama" malungkot na sabi ni Erra.
"Ano ba sumama ka na" pilit nila Claire.
Hinila nila si Erra para makasama.
Naligo na kami sa talon.
"Ano bang nangyare sa inyo, kanina?" tanong ni Aqua.
"Talagang sinama niyo ko para diyan diba?" natatawang sabi ni Erra.
"Yup, gusto ko kasi magkaroon tayo ng Girls Talk lalo na't malapit na natin kalabanin ang King. Malay mo bago natin matalo ang mga Chess patay na ang iba sa atin kaya gusto ko kahit papano nagkaroon tayo ng memories na tayo lang at walang boys" seryosong sabi ni Aqua.
"Sana naman wala nang mamatay sa atin" singit ni Claire.
"Sana nga, pero hindi natin alam anong mangyayare sa future natin" katwiran naman ni Aqua.
"Pero balik tayo sa tanong, anong nangyare kanina nung niyaya mo si Tristan?" tanong ni Poeny kay Erra.
"Nag-confess ako kay Tristan" mahinang sagot ni Erra.
"Ano!?" gulat naming tanong kay Erra.
"Nag-confess ako kanina kay Tristan na may gusto ako sa kanya"
"Kailan pa?" tanong ni Claire.
"Well nung nakakulong ako si Tristan ang dumating nun at nagligtas sa akin kaya feeling ko simula dun"
"Tinanggihan ka naman ni Tristan?" singit ni Aqua.
Tumango lang si Erra.
"Sabi niya may iba siyang nagugustuhan" malungkot na sabi ni Erra.
"Ehem mukhang alam ko na sinong gusto ni Tristan" sabi ni Claire at tumingin sa akin. Napatingin rin sila Aqua, Poeny at Erra sa akin.
"Bat kayo naka-tingin sa akin?" natataranta kong tanong.
"Belle? Umamin ka nga kayo na ba ni Tristan?" seryosong tanong ni Aqua.
"Huh? Walang kami no" sagot ko naman kaagad.
"Hindi pa nagcoconfess si Tristan sayo?" tanong ni Poeny.
"Hindi no atsaka wala naman siyang aaminin".
"Belle kung ikaw rin naman okay lang sa akin kung maging kayo kaya no need to hide the truth" singit ni Erra.
"Wala akong tinatago no atsaka hindi kami" tanggi ko naman.
"Sabi mo eh" sagot ni Aqua.
"Belle, sino mas gusto mo James o Tristan?" biglang tanong ni Claire.
"Bat naman nadamay si James dito?" tanong ko.
"Well alam naman natin na may gusto sayo si James last 2 years pa at hanggang ngayon ata" panggagatong ni Poeny.
"Belle? Sino mas gusto mo sa kanilang dalawa?" seryosong tanong ni Claire.
"Uhhhmm wala eh" sagot ko habang nakamot ng ulo.
"Tsk. Pakipot pa oh, eto nalang kapag sabihin na boyfriend sinong unang pumapasok sa utak mo?" tanong ni Aqua.
"Ahhh, wala talaga eh" natatawa kong sagot.
"Bilis na, kunwari pa to!" sigaw ni Poeny
"Si Tristan? ata o si James?" natatawa kong sagot.
"Ewan uy" inis na sabi ni Aqua.
Nagkwentuhan kami ng dati naming mga buhay pagkatapos rin naming maligo ay bumalik na kami. Sila Rei at James ang nagluluto ng pagkain.
"Belle" bati ni Tristan.
Nginitian ko naman si Tristan. Makalipas ang ilang oras ay kumain na kami at isa-isa nang natulog.
"Belle di ka pa matutulog?" tanong ni James.
"Hindi pa James pero matutulog na ako maya-maya" sagot ko.
"Mauuna na ako sa pagtulog ha" paalam ni James at pumasok na siya sa tent.
Nang tumayo ako napansin ko na may tao sa puno.
"Si Tristan ba yun?" tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.