TRISTAN'S POV
Nagising ako dahil sa sobrang lamig na ng hangin. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Belle na natutulog na rin at mukhang nilalamig. Nagulat ako dahil andito pa rin kami at kaming dalawa lang. Hinawakan ko ang mukha niya.
"Hay naku Belle kung may Chess na pumunta dito patay tayong dalawa" natatawa kong sabi kay Belle na mahimbing ang tulog.
Hinubad ko ang tshirt ko at pinatong sa katawan niya para kahit papano ay di siya malamigan. Binuhat ko na rin siya pabalik sa kuta namin.
Nang makabalik na ako ay nakita ko sila Rei, Mark, Claire at Aqua na gising pa at nag-uusap-usap. Nakita naman ako ni Rei na dumating."Bro bat ka naka-hubad?" tanong nito at napansin niya na buhat-buhat ko si Belle.
"Aww, bro success ba?" sabi nito habang nang-aasar ang mukha.
Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Joke lang eto di mabiro" bawi niya naman agad.
"Ala-una na ha bat gising pa kayo?" tanong ko.
"Inaantay kasi namin kayo baka kung ano na ginawa mo kay Belle"
"Hindi ka talaga titigil Rei?" seryosong tanong ko.
"Joke lang, eto na matutulog na ako" natatawang sagot nito.
"Matutulog na kami" paalam ko sa kanila at pumasok na ako sa tent.
Hindi ko matandaan saang banda natutulog si Belle kaya tinabi ko nalang siya sa higaan ko. Inalis ko na sa katawan niya ang damit ko at nilagyan siya ng kumot. Natulog na rin ako dahil pagod na rin ako.
BELLE'S POV
Nang magising ako ay nagulat ako dahil nakatingin sa akin sila Rei, Aqua at Poeny.
"Bakit?" tanong ko.
"Tingnan mo kaya saan ka natutulog?" sagot ni Aqua.
"Ha?" sagot ko. Napatingin tuloy ako at nakita ko na katabi ko si Tristan at wala pang damit si Tristan.
"Ahh!" tili ko.
Nagising naman si Tristan dahil sa tili ko. Bigla kong naalala na nakatulog ako sa taas ng bangin.
"Bakit ako nandito atsaka bat wala kang damit Tristan?" natataranta kong tanong.
Natawa naman sila Aqua sa reaksyon ko.
"Umaayos ka nga Belle binuhat lang kita pabalik atsaka may damit akong pangbaba" sagot ni Tristan.
"Yung totoo anong nangyare sa inyo kagabi?" tanong ni Poeny.
"Oo nga bat buhat-buhat ka ni Tristan pagbalik?" tanong ni Aqua.
"Pinagod ka ba ni Tristan, Belle?" asar na tanong ni Rei. "Hayaan na muna natin si Belle baka masakit likod niyan" dagdag pa nito.
"Tumigil nga kayo may pinakita lang ako na view kay Belle kagabi nagkataon lang na nakatulog kami parehas" sagot ni Tristan.
"Tulog lang ba talaga?" tanong ni Aqua.
"Oo nga" naiinis na sagot ni Tristan.
"Kawawa naman bestfriend ko sinuko na si Bataan" asar ni Aqua.
"Aqua!" sigaw ko.
"Joke lang" natatawang sagot nito.
"Mabuti pa tumayo ka na diyan at bumalik ka na sa higaan mo Belle para paggising ng iba wala nang magtanong sayo" suggest ni Poeny.
Tumayo na nga ako at lumipat sa higaan ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko kainis kasi sila Aqua. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog pa kaya lumabas nalang ako. Naghilamos na muna ako at tumulong kina Aqua sa pagluto.
"Wala talagang naganap kagabi?" mahinang tanong ni Poeny.
"Wala nga!" sagot ko naman.
"Yiiehh si Belle namumula" asar ni Aqua sabay tusok sa tagiliran ko.
"Tumigil nga kayo" awat ko sa kanila.
Lumabas na silang lahat maliban kay Tristan at hinanda na namin ang pagkain nila. Maya-maya pa ay lumabas na rin si Tristan.
"Uy Mrs. Silva paghandaan mo naman asawa mo" asar ni Poeny at inabot ang isang plato na may pagkain.
"No need" singit ni Tristan at tumabi sa tabi ko.
"Ayiiehh" nagsigawan silang lahat maliban kay Erra na halatang walang alam kung anong nangyayare.
Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Tristan. Napatingin ako sa kanya at seryoso lang siya sa pagkain. Feeling ko nanaman namumula mukha ko.
"Ayiiehh may pag-akbay si Mr. Silva" pang-aasar ni Poeny.
"Iba talaga to si Bro" singit ni Rei.
"Alam mo namang mas lalo tayo nilang pagtritripan sa ginagawa mo diba?" bulong ko sa kanya.
"So?" sagot nito sa akin.
Magsasalita palang sana ako ng biglang nagsalita si Rei.
"May binulong si Mrs. Silva oh" sigaw nito.
Nagtawanan lang sila. Biglang tumayo si Erra sa upuan.
"Excuse me" sabi nito at pumasok sa tent.
"Ohh patay" sigaw ni Rei.
Nagtawanan lang silang lahat.
Pagtapos namin kumain ay naglakad na kami makalipas ang tatlong oras narating na namin ang lugar na pinamamahalaan ng Queen. Buong lakad namin ay puro lang asaran ang naganap. Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar nila.
"Nasa lugar na tayo ng Queen ang bilis naman?" tanong ni Poeny.
Binababa na namin ang mga gamit namin at susugod na kami dun kinagabihan.
Kinagabihan ay sumugod kami pero mga sundalo lang na Pawn ang nakalaban namin kagaya sa lugar ng White Bishop wala dito ang Queen tanging mga Pawn na sundalo lang kaya pinakawalan nalang namin ang mga bilanggo.
Nilibot namin ang buong kastilyo nang maka-akyat kami sa third floor ay nakita namin ng kwarto ng Queen. Pagbukas namin dito ay nagulat kami sa nakita namin.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"James"
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasíaYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.