CHAPTER XXXVII: BOOK OF DARKNESS

12 3 0
                                    

BELLE'S POV

Nasa sala lang kami nagpapahinga at inaantay na gumising si James.
Maya-maya pa'y nagising na rin si James. Napag-desisyunan na namin na bukas na pumunta sa hide-out ng Chess para makapag-pahinga kami at makapag-handa kami. Hinanda ko na ang espada ko. Naghanda na rin sila ng mga dadalhin nila. May mga buto na dala si Poeny at mga tubigan naman si Aqua.

Kinabukasan ng umaga kumain na muna kami. Habang kumakain kami ay biglang may kumatok sa apartment ni Tristan. Binuksan ko ang pinto at pagbukas ko nakita ko si Rei.

"Rei" natutuwa kong sigaw.

"Wassup" nakangiti niyang sagot.

Pinaliwanag na namin ang nangyare kay Rei at ano ang gagawin namin mamaya.

"Kalahati lang sa atin ang pupunta sa hideout" sabi ni Tristan.

"Ano!?" gulat naming tanong.

"Napag-isipan ko na to kagabi pero pano kung may sumugod dito na Chess Piece?" tanong ni Tristan.

"Sabagay kung lahat tayo susugod dun walang magliligtas sa mga tao dito" sabi ko.

"Walo tayo sa grupo, apat ang pupunta doon at ang natitirang apat ay andito" sabi ni Tristan.

"Sasama ako sa hideout nila malaki ang matutulong ko dahil kaya ko madetect kung may paparating" pagpriprisenta ko.

"Sasama ako sa kanila kung andun si Belle kailangan ko siyang ingatan" sabi ni James.

"Sasama ako sa kanila kung maghahanap kami di hamak na mas maganda kung madami kami at confident ako na malaki matutulong ng ability ko" sabi ni Rei.

"Mag-iingat ka dun" bilin ni Poeny.

"Totoo ba to? You're worried for me?" asar ni Rei.

"Edi pakamatay ka dun" naiinis na sabi ni Poeny.

Tumawa lang si Rei sa sinabi ni Poeny.

"Then it settled kayong apat ang pupunta dun" sabi ni Tristan.

"Sasama ako sa kanila!" sigaw ni Aqua. "Igaganti ko si Clark sa Dark Bishop na yun"

"Hindi tayo pwedeng lumaban sa mga Chess Piece doon dahil unti lang andoon. Si Rei nga lang kulang natin talo tayo diba? So pano pa kung unti lang sila doon. Di sila pupunta dun para makipag-laban. Mark kung may mangyare na di maganda tumakas na agad kayo. Saka nalang ulit kayo bumalik doon" bilin ni Tristan.

"Kaming bahala" sabi ni Mark.

"Mag-iingat kayo dun"

"Yup, kayo na muna bahala dito" sabi ko.

Humawak na kaming tatlo kay Mark at nagteleport na kami.

Bigla kaming napunta sa labas ng isang malaking bahay.

"Anong nangyare bat wala tayo sa loob?" tanong ni James.

"May kapangyarihan na humarang sa kapangyarihan ko na makapasok tayo sa loob kaya ata nasa labas tayo" sabi ni Mark.

"Anyway sa tingin niyo saan nila itatago ang hinahanap natin?" tanong ko.

"Kung maghahanap tayo ng clue about sa Chosen One diba dapat sa library?" sabi ni James.

"Library?" nagtatakang tanong ni Rei.

"Syempre malaki ang chance na nakasulat sa kung ano ang clue natin" sagot ni James.

"Oo nga no" sagot ko naman.

"Rei kaya mo ba maging binoculars?" sabi ni Mark.

May lumabas na isang clone si Rei at naging binoculars. Ginamit naman ito ni Mark.

"May dalawang guard sa labas na nagbabantay" sabi nito.

"May plano ako" sabi ni Rei at nakinig na nga kami.

Nagteleport sina James, Mark at Rei sa mga likod ng mga guard at agad nilang pinatay ito. May lumabas na dalawang clone si Rei at naging kamukha ng guard. May pinatay pa kaming dalawa na tauhan at kinuha namin ng kanilang damit.

Habang hinahanap namin ang library ay nakasalubong namin ang Dark Bishop. Nagulat kami sa kanya at di namin alam ang gagawin. Bigla namang yumuko si James kaya napagaya nalang kami. Nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.

"Sundan natin siya" sabi ni James.

"Bakit?" bulong ni Rei.

"Baka pumunta siya sa Library" seryosong sagot ni James.

Sumunod kami sa Dark Bishop. Pumasok ito sa malaking kwarto.

"Pano tayo papasok dun? " tanong ni Mark.

"Akong bahala" sabi ni Rei. May lumabas na isang clone niya at naging langgam.

Makalipas ang ilang oras lumabas na ang mga Chess Officials.

"Nasa loob ang hinahanap natin na libro. Hindi nila kayang basahin ang naka-sulat dun kaya may chance na di rin natin yun mabasa" sabi ni Rei.

"Ang mahalaga makuha natin ang libro" sabi ni James.

Nag-antay kami na gumabi bago namin kunin ang libro.
Nang gumabi na pumasok kami sa library. Halatang-halata naman ang libro na hinahanp namin dahil nasa gitna ito.

Binuksan namin ng libro.

"Pamilyar sa akin ang naka-sulat dito" sabi ni Mark.

"Talaga!?" gulat na tanong ni James.

"Yup, pero mas may alam si ate kaysa sa akin sa gantong sulat" sagot ni Mark.

"Tara na bumalik na tayo" sabi ko.

"Teka" sabi ni James. "Kung tatakas tayo na dala yan hahanapin tayo ng Chess" dagdag nito.

"So anong gagawin natin?" tanong ko.

"Rei kaya mo namang magpanggap kapag makita mo na diba?" tanong ni James.

"Oo, bakit? " sagot ni Rei.

"Sa tingin mo kaya mong gayahin tong libro na to? " tanong ni James.

"Oo naman pre" sabi ni Rei.

"Nice, tingnan mo na" sabi ni James.

Lumipas ang ilang minuto.

"Okay na" sabi ni Rei.

"Bumalik na tayo" sabi ni James.

Humawak na kami kay Mark at nagteleport pabalik.

Nakabalik na kami sa apartment ni Tristan.

"Salamat naman at nakabalik kayo ng ayos" nag-aalalang sabi ni Claire.

"Nakuha niyo ba?" tanong ni Tristan.

"Hindi eh" sabi ni James. "Nahuli kami ng Queen" dagdag pa nito habang nakayuko.

"Okay lang yun atleast nakabalik kayo babalik nalang tayo dun" sabi ni Tristan.

"Joke lang bro" sabi ni James.

Natawa naman kami dahil ang daling naloko ni Tristan.

"Di namin siya dinala dahil kapag dalhin namin yun makakahalata ang Chess at pwedeng sugudin tayo." sabi ni James.

"Rei!" sigaw nito.

"Aye aye captain" sagot ni Rei at biglang may lumabas na isang clone at nagtransform kagaya ng libro.

Nanlaki ang mata ni Tristan sa gulat.

"Nice one bro" ngiti niyang sabi.

Binuklat na namin ang libro. Hindi namin maintindihan ang nakasulat.

"Di ko maintindihan" sabi ko.

"Kaya kong magbasa ng ganyan pero hindi lahat" sabi ni Claire.

Napatingin naman kami kay Claire.

"Kaya gusto ng Chess na tumulong ang mga magulang namin sa kanila ay para mabasa ang nakasulat diyan. Tinuruan ako ni mama pano magbasa ng ganyan nung bata pa ako pero di ko na rin gaanong tanda dahil sa tagal ko nang ngayon lang ulit magbabasa ng ganyan" dagdag pa nito at binasa niya na nga ang naka-sulat rito.





Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon