CHAPTER LXVI: HIS EVERLASTING LOVE

9 1 0
                                    

BELLE'S POV

May lumabas na kulay itim na pakpak sa likod ni Princess at may espada rin na lumabas. Biglang sumugod sila ni James sa amin.

"Kami na nila Tristan at Belle ang bahala sa King" sabi ni Claire.

May mga kadena na sumugod papunta kay Princess pero naiilagan niya naman ito. Pinatindi ko ang Gravity para mahila pababa si Princess. Pagkatapos nun at pinalakas ko ang Gravity ko sa kanan para tumalsik dun si Princess pero hindi siya ganung kadali para mahila.

Pinabagal naman ni Tristan ang oras at sumugod kay Princess pero wala pa ring nagbago sa bilis ni Princess. Naglaban sila gamit ang espada mananalo na sana si Tristan ng biglang may lumabas na bilog na itim sa kamay ni Princess binago ko ang Gravity para makalutang si Tristan at maka-ilag ito sa atake.

"Mukhang kayong natira ang mga pinakamalakas yung lalaki kanina kaagad lang napatay ni James. Ang isa naman sa inyo ay nagsakripisyo ng buhay pero walang nangyare buti nalang at may napala kayo sa huling namatay" nang-aasar na sabi ni Princess.

Patuloy lang kami sa paglaban kay Princess pero napakalakas niya kaya natatalo kami. Marami na kaming natamo na sugat nila Claire at Tristan.

Hindi na makatayo ng ayos si Claire dahil sa mga sugat at sa sobrang tagal na ng paggamit ng ability niya bumalik na rin sa pagiging sinulid ang mga atake niya.

Hinihingal na rin kami ni Tristan sa paglaban may limang minuto nalang ako at mawawala na ang pagkakakopya ko ng ability kay James.

Sumugod naman si Tristan kay Princess pero natatalo lang ito. Inaatake rin ni Claire si Princess ng mga sinulid pero may biglang lumabas na itim na bilog at binalik ang atake ni Claire kaya siya ang nahiwa sa mga sinulid niya.

Sumugod na rin ako Princess at binago ko ang gravity ng bawat hamaps ng espada ko para mas lumakas ang pwersa kapag pinapatamaan ko si Princess.

"Tssk. Talagang okay lang sayo patayin ang kapatid mo ha" sabi ni Princess.

Hindi na ako sumagot dito at patuloy lang sa pag-atake huli ko nang napansin na may bumuong bilog na itim sa kamay niya at tumama ito sa akin. Napatalsik naman ako sa sobrang lakas ng atake niya. Tumama ako sa madaming mga puno.

Hindi ko napansin na sinundan ni Princess ang pagkatalsik ko.

"Check" sabi bi Princess.

"Belle!" sigaw ni Poeny.

May lumabas na itim na espada sa kamay ni Princess at akmang sasaksakin ako. Natapos na rin anf limang minuto ko.

Mukhang mamatay na ako dito sabi ko sa isip ko pinikit ko nalang ang mata ko. Makalipas ang ilang segundo imbis na maramdam ko ang espada niya ay may tumulong dugo sa mukha ko at may narinig ako.

"Belle"

POENY'S POV

Kami ni Aqua ang lumaban kay James. Hindi namin matamaan ng ayos si James dahil bigla itong tumataas, bumababa o kaya napupunta sa gilid.

Nahihila rin kami nito pababa buti nalang ay kahit naka-higa ay kaya kong pagalawina ng mga ugat kaya nakakalaban pa rin kami.

Umatake si James papunta sa akin at nilabas ang espada humarang naman si Aqua at naglabas ng ice sword at sinalo ang espada ni James.

Pinalipad ko naman ang mga dahon na nakapaligid sa amin. Tumalon paatras si James para ilagan ang mga dahon pero nadaplisan naman ito.

Nagpa-ulan ng nga Ice Spikes si Aqua kay James pero lumipad si James kaya naka-ilag ito. Pinalipad niya ang mga malalaking bato sa paligid at inatake sa amin.

May mga ugat naman na humawak sa amin ni Aqua kaya naka-ilag kami pero hindi namin napansin na sumugod din si James dahil natakpan siya ng mga bato.

Pinutol niya ang ugat na humila kay Aqua at kinuha ito. May narinig ako na malakas na tunog at napalingon ako. Nakita ko dun na tumalsik si Belle sa mga puno at nakahiga na ito sa lupa.

"Belle!" sigaw ko.

Sasaksakin na ni Princess si Belle. Biglang may narinig ako na tumalsik pagtingin ko ay hinagis ni James si Aqua at umalis ito.

Lumapit ako kay Aqua para tulungan ito pagtingin namin kay Belle ay nakita namin na nakaharap si James kay Belle at nakabaon sa likod niya ang espada ni Princess.

BELLE'S POV

"Belle"

Pagtingin ko ay nakita ko si James na nakangiti ay nay dugo na lumalabas sa tiyan at bibig niya.

"Belle run, run, run and run until you can hide yourself from her theres no way you can beat her" nakangiting sabi nito.

"Im sorry if I can't stay at your side any longer. Please run I will buy you some time so just please stay away from her" naiiyak niyang sabi.

May malakas na gravity na humila kay Princess papunta sa kabilang direksyon. Napaluhod naman si James ng matanggal na ang espada. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Please go run for your life" ngiti nito.

Tumayo na ito at humarap kay Princess. Nilabas niya ang espada niya at tinutok sa direksyon ni Princess.

"Tskk... Isa ka ring walang kwentang Piece" naiinis na sabi ni Princess.

Sumugod si James kay Princess at naglaban sila.

Lumapit sa akin sila Poeny, Claire, Aqua at Tristan. Agad naman akong niyakap ni Tristan.

"Im sorry kung muntik ka nang mamatay, Belle" sabi nito.

"Ok lang ako Tristan" sagot ko.

"Tumakas na tayo" sabi ni Aqua.

"Pero pano si James?" tanong ko.

"Hindi na makakaligtas si James at wag natin hayaan na mawala ang opportunity na binigay niya" sagot ni Aqua.

"Pero-" magsasalita palang sana ako nang nagsalita na si Princess.

"Tsk. Hindi kayo makakatakas sa akin. I never expect that my loyal Dark Knight betray me just for a mere girl" sabi nito.

Nakita namin si James na duguan na at madaming saksak pati ang isa sa mga mata niya ay may hiwa na.

Humarap ito sa akin at nagsalita.

"I will always love you till death Amanda" nakangiting sabi nito habang may tumutulo na luha.

Umilaw ang mata niya at biglang lumindol ng malakas may mga lumipad din na malalaking mga bato sa langit.

"Anong nangyayare!?" sigaw ni Poeny

"Shit!" sabi ni Princess.

Sumugod siya kay Tristan at sinaksak pa ito ng ilang beses. May lumabas naman na dugo sa bibig ni James pero nakaharap pa rin siya sa akin.

"R-run, I wi-will b-buy yo-you s-some t-time. S-save yo-yourself I pro-mise tha-that I wi-will pro-protect you ag-again no matt-ter wh-what"sabi nito habang patuloy lang na lumalabas ang dugo sa bibig niya.

Humarap ito kay Princess at hinawakan niya ang dalawang paa nito.

"Checkmate!" sigaw nito.

Biglang may nabuo na malalim na sink hole at nahulog sila dito. Pagkahulog nila ay may mga bumagsak na mga malalaking bato sa loob ng sink hole at natabuan ito.

"James!" sigaw ko.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon