CHAPTER XXV: THE FESTIVAL

10 3 0
                                    

BELLE'S POV

Nagising ako ng maaga at naghanda na agad ako. Kailangan naming pumasok ng maaga dahil ngayon na ang Festival.

Alas-siyete palang ay umalis na ako sa Dorm kahit malapit lang dorm ko sa school. Dumiretso na ako papunta sa booth na tinayo namin. Andun na rin ang tatlong kasama ko.

"Good Morning Belle" bati nila James at Rei.

"Good Morning din" sagot ko naman

"Belle, bibilhin mo ko sa Wednesday ha" bilin ni James.

"Ewan ko sayo kaaga-aga yan tinatanong mo" patawa kong sagot.

Natatawa talaga ako kapag naalala ko na bibilhin silang tatlo sa Wednesday. Gusto ko rin malaman magkano ang aabutin na presyo nila.

Tinulungan ko si Tristan na isalansan ang mga gamit namin. Samantala yung dalawa naman ay inaayos ang karatula namin.

"Good Morning" bati ni Tristan.

Nagulat ako dahil ngayon lang naman ako binati ni Tristan. "Good Morning din" sagot ko nalang.

Naayos na namin ang lahat ng gamit. Alas-nwebe pa ang umpisa ng pagbubukas ng mga Booth pero alas-otso palang ng umaga ay natapos na kaming mag-ayos.

Napagdesisyunan namin na puntahan si Clark at Poeny at tingnan kung ano ang hinanda nila. Nag-paiwan si Tristan para bantayan ang Booth namin.

Nakita namin na nag-aayos si Clark kasama ang mga kaklase niya.

"Yo!" sigaw ni Rei.

"Narinig naman ito ni Clark at nginitian kami. Sorry pero mamaya pa po magbubukas ang Booth namin" natatawang sabi ni Clark.

"Di bagay sayo gumalang" pang-aasar ni Rei.

"Anong sinabi mo ha!" nanghahamon pero patawang sinabi ni Clark.

"Wala" natatawang sabi ni Rei.

"Anong booth ang itatayo niyo? " tanong ko.

"Magtitinda kami ng mga street foods at sa wednesday ako naman ang ititinda" pagbibiro ni Clark.

"Mandiri ka nga" natatawang sabi ni James.

Nagtawanan lang kami nang sinabi yun ni James.

"Sige na mauuna na kami pupuntahan pa namin si Poeny" paalam ko.

"Gusto ko sanang sumama kaso di pa kami tapos eh. Sige, bye" bati ni Clark.

Pumunta na kami sa booth ni Poeny. Hindi namin mahanap saan nila tinayo ang booth nila.

"Di kaya malapit sa Garden ang booth nila Poeny? " suggest ni Rei.

"Oo nga no" sagot ko naman.

Pumunta kami sa Garden at may nakita kami dun na booth. Kainan ang booth nila Poeny at ang tataas pa ng mga puno. Makikita mo sa labasan na nakalagay na bawal gumamit ng mga gadgets sa loob.

Pumasok na kaming tatlo ang presko ng hangin dito at nasa may chasier si Poeny.

"Poeny" bati ko.

Napatingin siya at kinawayan ako. Lumapit kami sa kanya.

"Ang ganda naman dito" namamangha kong sabi.

"Maliit na bagay" sagot niya habang nagpapaganda.

"Yung Booth niyo kasi ang maganda hindi ikaw" panirang sabi ni Rei.

Tinarayan lang siya ni Poeny at tumawa kami.

"Anyway, anong booth niyo pala? " tanong ni Poeny

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon