BELLE'S POV
Lumipas ang dalawang buwan at wala pa ring Chess na nagpakita. Gabi-gabi na rin kaming nagprapractice since nagteteleport nalang kami. Minsan lang namin makasama si James dahil marami daw problema sa pamilya niya.
Sa dalawang buwan na yun ay nasubukan na naming maglaban-laban pero ni isang beses ay di pa nakasali si James sa mga laban namin sa isa't-isa. Si Tristan ang laging nananalo sa aming lahat. Minsan naman ay nag-uusap-usap kami tungkol sa mga Chess na nakita na namin at tungkol sa buhay namin.
Tatlo palang ang nakita naming Chess Piece na mga natitirang buhay: The White Bishop na mukhang may ability na Portal, ang White Knight na may ability na Fire at ang Queen na may ability na hindi namin gaanong sure pero feeling namin ay ability na magkontrol sa tao.
Ibigsabihin may tatlo pa kaming hindi nakikita na Chess Piece. Ang Dark Bishop, Dark Knight at ang King. Pero sabi naman nila Claire nakakulong ang King kaya hindi namin gaano itong iniisip.
Hinahanap rin namin ang sinasabi nilang Chosen One pero hindi pa namin ito nakikita since wala rin naman kaming alam tungkol sa Chosen One. Kailangan namin maunahan ang Chess na mahanap ang sinasabing Chosen One.
"Hays nakakabagot walang Chess Piece na sumusugod at hindi rin natin mahanap yung Chosen One na yun" sabi ni Clark habang naka-sandal ang ulo niya sa mesa.
Nasa canteen kami ngayon dahil lunch break namin.
"Sinabi mo pa" dagdag ni Poeny.
"Okay lang yan atleast walang nangyayare sayo" nakangiting sabi ni Rei kay Poeny.
Napansin ko lang after namin natalo ang Dark Rook ay naging sweet na si Rei kay Poeny sa di namin malaman na dahilan pati na rin sila Clark at Aqua.
Magkakatabi sina Rei, Poeny at Clark sa upuan kaming tatlo naman ni Tristan at James ang magkakatabi.
"Hays, di ko man lang nakita pano niyo kinalaban ang Dark Rook" nanghihinayang na sabi ni James.
"Nag-mall ka kasi" seryosong sabi ni Tristan.
"Para namang kasalanan ko eh kailangan ko naman talagang sumunod sa bumili sa akin sa araw na yun. Hindi niyo alam gaano ako nag-alala para kay Belle ng mabalitaan ko na may mga insekto na sumugod sa academy".
Wala naman talaga siyang kasalanan kung bakit di siya nakasama sa laban dahil kailangan niya sundin yung babae na nakabili sa kanya.
"Guys alam niyo mas maganda kung oorder na tayo" sabi ni Rei.
Tumayo na kami at kumain.
Dumaan pa ang isang Linggo ng wala pang Chess na nagpaparamdam. Sabado na ngayon at umuwi na kami sa kanya-kanya naming pamilya.
CLARK'S POV
Nasa mall ako ngayon dahil may bibilhin ako na gamit pang-dorm at school supplies.
Lahat sa grupo namin ay umuwi sa kanya-kanyang pamilya ayaw naman ni Tristan na sumama sa akin dahil may ginagawa daw siya kaya ako nalang mag-isa. Okay lang rin naman since matatapos na rin ako sa pagbili.
Naglalakad ako ng biglang may nakita akong babae na parang pamilyar sa akin pero di ko matandaan saan ko siya nakita at nabasa ko bigla na balak niyang patayin ang mga tao sa mall.
Maya-maya pa ay nakita kong nababalutan na siya ng mga kemikal. Nagulat ang mga tao at nagtakbuhan sa nakita biglang may mga ahas na kemikal ang lumabas sa likod ng babae at inatake ang mga tao. May mga tinamaan at sumisigaw dahil sa sakit. Kitang-kita rin na natutunaw ang kanilang damit dahil sa kemikal. Nagkatitigan kami ng babae at nginitian niya ako.
"Shit, poison" mahina kong sabi"
Tumakbo ako palayo sa babae pero hinabol niya ako. Umatake bigla ang kemikal na ahas na nasa likod niya pero nakapagtago naman ako sa bato kaya hindi ako natamaan.
"Shit kailangan ko silang matawagan" mahinang sabi ko sa sarili ko.
Nilabas ko ang cellphone ko pero nagulat ako ng biglang may nagbukas na portal at nasa kabila ng portal ang Dark Bishop.
"Fuck, so andito ang dalawang Bishop" mahinang sabi ko sa sarili ko.
Biglang umatake ang ahas na nasa likod ng Dark Bishop. Hinarang ko ang dala kong paper bag pero agad din nitong natunaw kaya natamaan ako sa kamay ko at nabitawan ang phone ko.
"Fuck!" sigaw ko.
Tumakbo nalang ulit ako no choice ako kundi gumamit ng Telepathy nakokontrol ko naman siya kahit papano kaya kapag gumamit ako nun ay mawawalan ako ng malay pero aabutin muna ng isang oras bago yun mangyare. Feeling ko naman ay makakapunta na sila dito bago mag-isang oras. Hinahabol pa rin ako ng Dark Bishop.
"Guys, ako to si Clark may dalawang Chess Piece dito sa mall. Kailangan ko ng tulong niyo" sabi ko.
"Pupunta na ako diyan" sabi ni Tristan. "Mark, puntahan mo ko dito sa apartment ko kami muna ni Claire ang tutulong kay Clark. Pagtakapos mo kaming isama sa mall ay puntahan mo na ang ibang member at sumunod na kayong agad" dagdag pa nito.
"Okay" sagot ni Mark.
Naputol na ang usapan namin nagulat ako ng biglang may portal na lumabas at nasa harap ko nanaman ang Dark Bishop umatake eto pero nagawa ko namang maka-liko buti nalang ay nababasa ko ano ang iniisip niya kaya nakaka-ilag ako kahit papano.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ang hapdi na rin ng mga kamay ko. Hinahabol pa rin ako ng Dark Bishop. Biglang nagbuga ng kemikal ang ahas ng Dark Bishop. Natamaan ang likod ko ng kemikal. Hinubad ko ang damit ko para hindi ako matamaan ng lason.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ng biglang may portal na bumukas at nasa kabilang dulo nun ang Dark Bishop na nakangiti. Hinarangan niya ang daanan ko ng lason.
"Fuck".
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chess Piece
Rank: Dark Bishop
Ability: PoisonRank: White Bishop
Ability: Portal
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasíaYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.