TRISTAN'S POV
"Belle!"
Nawala ang pana na tumama kay Belle pero nawalan siya ng malay.
"Wag kang mag-alala hindi pa siya patay pinapakita ko lang ang nakaraan namin" sabi ni Harold.
"Tssk. Papatayin ko kayo ngayon" galit kong sabi.
Pinatigil ko ang oras. Ito na ang pangalawang beses na ginawa ko to kaya medyo nanghihina na rin ako.
Hindi naman na nakakagalaw si Harold. Nilabas ko ang espada ko at inatake siya pero biglang humarang si Princess at may nabuo na itim na shield.
"Pa- Paaano ka nakakagalaw?" naguguluhan kong tanong.
Wala pa akong nakita na nakakagalaw kapag ginagamit ko to maliban kay Belle pero kailangan ay gayahin niya muna ang Aura ko para makagalaw siya, kaya pano nakakagalaw si Princess?
"Simple lang dahil masyadong malayo ang lakas natin sa isat-isa kaya kayang-kaya kong gumalaw" sagot nito.
May lumabas na mga espada na kulay itim at umatake sa akin. Sa pagkagulat ko ay natamaan ako ng isang espada sa tagiliran ko.
"Ahh!" napahawak ako sa parte na nasaksak ako. Gumalaw na ulit ang oras.
Pano kami mananalo sa kanila kung nakakagalaw pa rin si Princess kapag pinapa-tigil ko ang oras?
"Tristan, si Belle!" sigaw ni Poeny.
Napatingin ako kay Belle at nakita ko na lumulutang ang katawan niya at pumunta papunta kay Harold.
"Shit, ibalik mo si Belle!"
Nagsipagtaas ang mga bato at umatake sa amin. May mga ugat naman na humarang dito.
"Kailangan nating mabawi si Belle!" sigaw ni Claire.
"Poeny, pagalingin mo na si Mark pagmakuha ko na si Belle ay tatakas na tayo dito" bilin ko.
Tumango naman si Poeny at pumunta kina Mark. Bago pa ito makalapit kay Mark ay biglang may tumusok sa kanya na yelo sa tiyan niya. Natumba naman si Poeny dahil sa natamo niyang sugat.
"Aqua!" sigaw ni Claire.
"Hindi ko sinasadya Poeny hindi ko makontrol ang katawan ko" naiiyak na sabi ni Aqua.
Patuloy lang sa pag-atake sa amin si Aqua ng mga Ice Spikes niya.
"Guys, patayin niyo nalang ako!" sigaw nito habang umiiyak.
Pinapagaling pa ni Poeny ang sarili niya. Biglang may mga thread at ugat na umatake sa direksyon ko.
"Pre, kinokontrol sila ng Queen" sabi ni Mark.
Alam ko naman na kinokontrol sila ng Queen pero hindi ko alam pano sila papakawalan sa pagkakakontrol.
"Bro, ikaw na bahala sa mga Chess ako na kina ate" bulong ni Mark.
"Huh!? Baliw ka ba hindi mo sila kayang tatlo lalo na ngayon na malapit ka nang maubusan ng dugo"
"Wala na tayong oras bro, kung parehas tayo na lalaban sa kanila parehas lang tayong mamatay sa dulo kaya ako muna bahala sa kanila talunin mo muna ang Queen, wag kang mag-alala kaya kong patagalin ang laban namin" nakangiti nitong sabi.
"Tsskk"
Wala na akong nagawa sa ngayon kailangan ko munang patayin ang Queen. Pero pano kasama niya sina Princess at Harold. Kung papatigilin ko ang oras makakagalaw pa rin si Princess kaya wala ring kwenta. Tskk bahala na.
Biglang kumawala sa pagkakayakap si Belle kay James.
"Belle!" sigaw ko.
BELLE'S POV
Kumawala ako sa pagkakayakap ni James kaya nahulog ako pero hindi naman ako nasaktan sa pagkakabagsak ko dahil kinopya ko na ang ability ni James.
Nakita ko na sugatan na masyado si Mark at kinakalaban siya nila Aqua, Poeny at Claire. Lumapit si Tristan sa akin.
"Anong nangyare?" tanong nito.
"Nakita ko ang nakaraan ni James" sagot ko.
Kinopy ko na rin ang ability ng Queen. Kaya napigilan ko ang pagkokontrol niya kina Aqua.
"James, hindi gusto makita ni Amanda ang giangawa mo ngayon!" sigaw ko.
"Shut-up Belle! I thought if you see my past maiintindihan mo bakit ako naging ganto gusto ko lang naman na magsama na tayo ha. Ano bang problema dun? Handa akong iwan ang Chess para sayo pero bakit ayaw mo pa rin sa akin" unti-unti na ngang tumulo ang luha ni James.
"James gusto rin kita pero bilang kaibigan lang. Kaya bilang kaibigan gusto ko na tama ang ginagawa mo kaya pumanig ka na sa amin James" sagot ko.
"Fuck that friendship! I'd never think of you as my friend. If I can't have you no one can have you. I don't care how many years I need to wait for you but I never let anyone bother us" sagot nito.
"James hindi gusto ni Amanda ang ginagawa mo hinding ganyang James ang nagustuhan niy-"
"Shut up, naboboringan na ako sa inyo tapusin na natin tong laban nato siaiguraduhin kong papatayin namin kayo one by one" singit ni Princess.
May malaking itim na bilog ang namuo sa paahan namin. Lumipad ako at pinalipad ko rin sila Tristan. May mga itim na matataas na spikes na nagsipaglabas sa itim na bilog.
Naka-ilag naman kami dito. Pero nag-aagaw buhay na si Mark dahil sa sobrang daming dugo na nawala.
"Tssk. Kayo na bahala kay Ate ha"
Napatingin kami dahil sa sinabi ni Mark.
"Mark itigil mo yan hindi mo pa ako iiwan diba? Ikaw nalang natitira kong pamilya" naiiyak na sabi ni Claire.
"Poeny pagalingin mo si Mark" utos ni Tristan.
"No dont malapit na rin si Poeny sa limit niya at kahit mapagaling niya ako wala na ring mangyayare dahil masyado nang madami ang nawalang dugo sa akin. Pero hindi ako papayag na mamatay ako na walang natutulong" sabi nito nilabas niya ang kutsilyo niya.
"Goodluck Guys I really enjoy my life" sabi ni Mark.
Lalapit palang sana si Claire sa kapatid niya ng bigla itong nagteleport.
"Ahh!" sigaw ng Queen.
Pagtingin namin ay nakasaksak na ang kutsilyo niya sa dibdib ng Queen.
Biglang sumugod si Princess sa kanya at pinutol ang kamay niya sinunod na rin nito ang paa ni Mark at pinugutan ito ng ulo.
"Mark!!" sigaw ni Claire.
Napaluhod ang Queen dahil sa natamk niyang saksak. Lumapit si Princess sa kanya at mukhang papagalingin ang Queen.
May mga kadena na umatake kay Princess nakita niya naman ito at naka-ilag siya kaya ang Queen ang natamaan. Tumagos ang kadena sa katawan ng Queen.
Nagpaikot-ikot ang kadena sa buong katawan ng Queen at may lumabas na maraming ugat at sinaksak ang Queen.
Patuloy lang ang paglabas ng dugo sa mga sugat at bibig ng Queen. May mga ice spikes rin na tumama sa kanya. Tuluyan na ngang natumba ang Queen at nagiging abo.
Walang reaksyon ang makikita sa mukha nila James at ni Princess.
"Such a useless piece" sabi ni Princess.
"Pano mo nasasabi yan sa mga kasamahan mo!?" inis na sabi ni Poeny.
May mga kadena na sumugod papunta kay Princess pero may lumabas na itim na Dragon at sinira lang ito.
Biglang nag-iba ang kulay ng buwan naging kulay pula ito. "Tapusin na natin to" sabi ni Princess.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasíaYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.