BELLE'S POV
Lumipas na ng dalawang linggo simula nang mamatay si Clark. Wala namang nagpakita na Chess kaya tahimik ang burol at ang libing ni Clark.
Di ko lam kung sino sa mga Chess ang pumatay kay Clark it's either Dark Bishop o Dark Knight lang may gawa nun dahil yun lang naman ang di pa ko pa alam ang ability. Naka-usap din namin si Claire sinabi niya na ang ability ng White Bishop ay Portal.
Napagkasunduan namin na hangga't maari ay dapat magkakasama kami o kaya may magkasama sa amin para maiwasan ang nangyare kay Clark.
Si Tristan ang pumalit kay Clark bilang leader. Si James ay kadalasang wala sa amin. Pinagsasabihan siya ni Tristan pero sinasabi nito na kaya niya sarili niya.
Matagal din na di nagparamdam ang Chess kaya puro lang kami training.
Nagpahinga muna kami sa sala dahil pagod na kami sa practice. Wala ngayon si Rei at sa susunod pa dahil may emergency daw na nangyare sa pamilya niya.
"Walang lumalabas na Chess at di pa rin natin alam sino ang Chosen One".
Napatingin kami kay Aqua nang sabihin niya iyon.
"Yeah at kung pagpapatuloy natin tong ginagawa natin walang mangyayare sa atin at pwede tayong maunahan ng Chess sa paghahanap sa Chosen One" seryosong sabi ni Claire.
"Come to think of it, pano nila mahahanap ang Chosen One ng wala silang basehan? " seryosong sabi ni James. "Hindi kaya meron silang ginagamit na basehan para malaman nila sino ang hinahanap nila?" dagdag pa nito.
"Pero kung meron man sila pano tayo makakapunta sa kuta nila? Hindi ko naman kaya na pumunta dun dahil di ko alam anong itsura ng kuta nila" sabi ni Mark.
"What if manghuli tayo ng isang Chess Piece, pero kung manghuhuli tayo sa kanila mas maganda ang White Bishop lalo na't Portal ang ability niya" suggest ko sa kanila.
"Masyadong delikado at mahirap ang nasa isip mo Belle" singit ni Tristan.
"Pero yun lang ang pwedeng paraan" singit ni James.
"Naririnig niyo ba ang sarili niyo? Gusto niyong ikulong ang isa sa mga Chess masaklap pa White Bishop pa. Alam niyo naman ano ability nun diba? Pano kung mahuli natin yun at gumawa siya Portal para pasugudin ang iba pang Chess Piece at sa tingin niyo ba papayag siya na maka-punta tayo sa kuta nila? " saway ni Tristan.
"Pero-" magsasalita palang ako nang bigla akong pinigilan ni Tristan.
"Tama na, baka may maisip pa tayo na paraan hanggat maari ayoko sumugal ng buhay niyo" sabi ni Tristan.
Natahimik nalang kaming lahat. Lumipas ang ilang oras at wala pa ring nakaka-isip ng plano kaya napagdesisyunan namin na ituloy nalang ang training.
Natapos na ang training namin at nagpahinga na kami.
Napagdesisyunan kong lumabas na muna dahil gusto kong mapag-isa. Habang naglalakad ako may naririnig akong umiiyak sa likod ng isang puno. Nilapitan ko ito at nakita ko dun si Tristan.
Lumapit ako upang yakapin siya.
"Anong problema Tristan? " nag-aalala kong tanong.
Napatigil siya sa pag-iyak at pinunasan ang mukha niya.
"Wala naalala ko lang si Clark" malungkot na sabi nito.
Natahimik nalang kami parehas at tumabi ako sa kanya.
"Alam mo kung siguro andito si Clark alam niya kung anong gagawin natin" sabi niya.
"Yeah" sagot ko.
"About pala sa plano kanina sa tingin ko yun na ang pinaka-magagawa natin, oo delikado ang plano na yun pero wala tayong magagawa kaysa naman wala tayong magawa dito at mahanap nila ang Chosen One. Grupo tayo hindi pwedeng si Clark o ikaw lang ang mahirapan dito. Alam ko namang iniisip mo lang ang kaligtasan naming lahat pero kasamahan niyo rin kami at kailangan mo ring maniwala sa amin wag mong sarilihin ang problema. It is better if you share it to us because we are one" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa langit.
Tumahimik kami parehas ng ilang minuto.
"Fine, payag na ako sa plano niyo pero siguraduhin niyong walang mangyayare sa inyo na masama ha" sagot ni Tristan.
Ngumiti ako at humarap sa kanya.
Doon ko lang narealize na nakatingin pala siya sa akin. Napatingin nalang ulit ako sa langit dahil sa gulat."May naisip na ako pano huhulihin ang White Bishop pero di ko alam kung gagana" sabi ni Tristan.
"Okay lang yan itry na rin natin" sagot ko.
"Bumalik na tayo sa loob sasabihin pa natin ang plano bukas ng maaga" sabi ni Tristan.
"Sige" sagot ko nalang.
Tumayo na siya at sumunod na din ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chess Piece
Status: White Bishop
Ability: Portal
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.