CHAPTER XIV: CLARK AND TRISTAN

13 4 0
                                    

CLARK'S POV

Naglalakad na kaming lima para pumasok sa school. Kasama ko si Tristan samantalang magkakasama naman yung tatlo sa likod.

"Tristan" mahina kong sabi.

"Bakit?" sagot niya.

"May sasabihin ako sayo" mahina kong sabi.

Kumunot lang ang nuo ni Tristan.

"Guys, may naiwan akong gamit sa dorm ko mauna na muna kayo susunod nalang kami ni Tristan, James ikaw na bahala muna sa kanila ha" bilin ko.

"Sige" sagot ni James.

Halatang nagtataka ang mukha nila sa mga sinabi ko pero di na nila kami pinigilan. Umalis na kaming dalawa ni Tristan.

"Anong problema? " tanong ni Tristan. 

"Pre, hindi ko mabasa ang iniisip ni James hindi naman sa ano pero nakakpanibago simula nung lumaban tayo sa Queen hindi ko na mabasa ang mga iniisip niya" sabi ko. "Hindi natin alam ano ang ability ni James at siya na mismo nagsabi na di niya rin alam ano ang ability niya. Pero dalawa palang sila ng Queen na di ko mabasa ang nasa isip. Mas malakas ka sa akin alam ko yun pre pero kaya kong basahin ang iniisip mo at di mo kayang harangan ang pagbabasa ko ng isip sayo pero kaya ni James. Sa tingin ko ay malakas talaga si James at may tinatago siya sa atin . Hindi lang yun sa tingin ko rin ay nasa ibang league ang lakas niya kumpara sa ating apat nila Poeny at Belle. Hindi ko sure kung malakas ba talaga siya o parte yun ng ability niya na nagigising na" pagpapaliwanag ko kay Tristan.

"Alam mo Clark wag mo ng gaanong isipin yun baka naman parte lang yun ng ability niya atsaka andiyan naman si Belle halata namang kakaiba ang kilos ni James kapag andiyan si Belle at kaya ni Belle na patigilin yun kaya wag ka ng gaanong mag-isip. Kung malakas man talaga si James edi mas maganda dahil kasama natin siya." sagot naman ni Tristan.

"Sabagay, tama ka pero mag-ingat pa rin tayo lalo na't di ko mabasa ano ang iniisip nung lalaking yun" pagpapa-alala ko.

"Oo" tipid na sagot ni Tristan.

Naglalakad kami ng biglang may nag-iba ang lugar.

"What the, anong nangyare" tanong ko.

Walang sinagot si Tristan pero seryoso ang mukha niya. Di ko alam ang mangyare at para bang nakakulong kami naglaka-lakad kami pero parang paikot-ikot kami.

"Pakiramdam ko nasa labyrinth tayo" biglang sabi ni Tristan.

"Labyrinth? Kung ganun nasa maze tayo so kailangan nating mahanap ang dulo" sabi ko.

Naglalakad kami ni Tristan ng biglang may mga lalaking na may hawak ng mga ibat-ibang armas ang sumugod sa amin at meron silang Pawn piece.

"Shit chess piece" sabi ni Tristan.

Nilabanan namin sila bago pa man ako makalaban bigla nanamang bumagal ang oras at ang bilis ni Tristan na matalo lahat ng Pawn.

Bumalik na ulit sa dati ang oras. Kumuha ako ng sandata kinuha ko ang pana at espada samantalang kumuha si Tristan ng espada. May narinig kami na ingay na papunta sa amin.

"Tara na" sabi ko.

Tumakbo kami ni Tristan kailangan namin hanapin ang labasan at masabihan sila Belle na may Chess Piece. Sinubukan kong tumawag pero walang cignal dito. Kaya kailangan talaga namin na makabalik na.

BELLE'S POV

Nakapasok na kami sa school pero wala pa rin sila Clark at Tristan. Maya-maya pa'y pumasok na si Tristan hindi niya kasama si Clark pero baka pumasok na yun sa room niya.

"Tristan" sabi ko hindi niya naman ako pinansin at umupo siya sa upuan niya.

Wala akong maramdaman ng tumabi siya. Naguguluhan ako bat ganun. Di kaya nasanay na ako sa kanya kaya ganun?

Recess na pero di pa rin nagpapakita si Clark.

"Asan si Clark? " tanong ko. 

"Di daw muna siya pupunta dito ngayon dahil may inaasikaso siya" sagot naman ni Tristan.

"Ahh okay" sagot ko nalang.

Pumunta si Poeny sa room namin.

"So, ano na plano guys? " tanong nito.

Biglang sumagot si James habang nakatingin kay Tristan "Mamaya na natin pag-usapan yan kapag andito na si Clark".

Nagulat ako sa sinabi ni James. Di kaya may naramdaman din si James? Pero hindi naman kami parehas ng ability.

"Kumain na muna tayo" dagdag pa ni James.

Lahat kami ay pumunta nang canteen. Naglalakad na kami ng biglang umakbay sa akin si Clark.

"Hey! " sabi niya.

"Hey" sagot ko nalang.

Bat ganun? Wala akong maramdaman kina Tristan at Clark. Sa tingin ko may mali dito.

Nararamdaman ko pa rin ang nararamdaman ko dati kay James kaya bakit di ko maramdaman tong dalawang to.

Pakiramdam ko may mali talaga. Sinabihan ko sila Poeny at James na may kakaiba. Nagulat si Poeny dahil wala naman daw siyang maramdaman na kakaiba. Hindi naman sumagot si James pero seryoso ang mukha. Napagdesisyunan naming tatlo na mag-ingat at bantayan sila Clark at Tristan kung may kakaiba nga ba o wala.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon