CHAPTER LXIV: HIS PAST

9 1 0
                                    

Hi Guys!

Yung part na naka-bold meaning nun yun yung sinasabi ng isang Belle.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BELLE'S POV

Pagmulat ng mata ko ay nasa isa akong lugar na hindi ako pamilyar. Luma na ang bahay at may mga bata na gumagamit ng mga Arnis habang tinuturuan ng isang matanda.

May nakita ako na bata na nasa gilid at may hawak-hawak ito na walis kitang-kita sa mga mata niya ang pagkalungkot.

Natapos na ang training at patuloy pa rin siya sa paglilinis may isang batang babae ang lumapit sa kanya.

"Kamusta ako nga pala si Amanda, anong pangalan mo?" tanong nito sa bata.

"Amanda?" bulong ko sa sarili.

Mukha namang hindi nila ako nakikita at naririnig dahil wala pang nakakapansin sa akin.

Nakatango lang ang batang lalaki.

"Hindi ka nakapag-sasalita?" tanong ng babae.

Umiling naman ang lalaki sa tanong ng babae.

"Mabuti naman kung ganun, ano bang pangalan mo?" nakangiting tanong nito.

Hindi pa rin nagsalita ang batang lalaki.

"Hays, bat ba ayaw mo ako sagutin?" tanong ng babae.

"James! Samahan mo ko at aalis tayo" sigaw ng matanda na nagtratrain sa mga bata.

Agad namang sumunod yung batang lalaki at pumunta sa matanda.

"Bukas nalang, James" kaway ng babae.

"So yung batang lalaki na yun ay ang batang James at ang Amanda na yun ang sinabi dati ni James na pangalan" sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan ay ganun ulit ang nangyare nilalapitan siya nung Amanda pero di nagsasalita si James.

Habang nagtratrain sila Amanda ay nanonood si James kasama si Amanda sa mga mahihinang estudyante pero kapag wala silang ginagawa imbis na mag-train mag-isa si Amanda ay mas pinipili niya na lumapit kay James kinakausap niya ito at niyayaya niya na sabayan siya sa pagkain pero hindi siya pinapansin ni James at tinatanggihan ang alok niya pero kahit ganun patuloy pa rin siya sa paglapit kay James.

Biglang nagbago ang panahon, sa oras na ito ay binata na si James at dalaga na si Amanda. Doon ko lang napansin na malaki pala ang resemblance ng mukha namin ni Amanda.

Nasa iisang puno sila James at Amanda at magkahawak-kamay habang tinitingnan ang buwan.

"Salamat Amanda at hindu ka tumigil sa pangungulit mo sa akin dati kung hindi mo yun ginawa panigurado mag-isa ako ngayon. Ano ba nakita mo sa akin at kinulit mo ko ng ganun dati? " tanong ni James.

"Masyado ka kasing nag-iisa at napaka-misteryoso mo nun kaya naisipan ko na samahan kita at kilalanin" natatawa na sagot ni Amanda.

"Kung hindi kita nakilala mag-isa na talaga ako ngayon. Iniwan na ako ng nanay ko kasama ng bunso kong kapatid tapos binenta naman ako ng tatay ko lahat sila na importante sa akin ay iniwan na ako" naiiyak na sabi ni James.

"Wag kang mag-alala hinding-hindi kita iiwan James" sabi naman ni Amanda.

"Pero pano na ang mga magulang mo alam kong hindi sila boto sa akin? Naiinitindihan ko naman bakit ayaw nila sa akin pinalaki ka nila sa marangyang buhay na hinding-hindi ko kayang ibigay sayo" nakatungong sabi ni James.

Pinisil ni Amanda ang mukha ni James.

"Ahh!"

"Ano ba James wala akong pake kahit anong meron ka kung hindi sila pumayag sa atin edi tumakas tayo" sagot ni Amanda.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon