CHAPTER XLVIII: ERRA

11 3 0
                                    

BELLE'S POV

Nagulat ako sa narinig ko sa sinabi ng apo matanda.

"Alam mo namang delikado ang ginagawa namin, diba?" sabi ko.

"Yup, pero gaya niyo may ability rin ako at ayokong masayang lang yun" sagot nito.

"Talaga!?" gulat kong tanong.

Isang beses lang ako nakakagaya ng ability pero nagtatagal yun ng 30 minutes kahit ayoko na sa ability na yun hindi ko kaya yung alisin kaya inaantay ko nalang na mawala. Sa oras na may ginagaya ako wala na akong nadedetect na aura sa iba kaya hindi ko alam kung may ability ba ang mga nasa paligid ko.

"May ability is to manipulate Earth nalaman ko lang na may ability ako nung nakulong ako. Dapat ay tatakas na ako sa susunod na lumabas yung dalawang yun. Pero nagulat ako ng pumunta kayo sa kulungan at pinalaya niyo kami".

"Iiwanan mo si Lola?" nag-aalala kong tanong.

"Nasabihan ko na si Lola at pumayag siya dito atsaka hindi naman siya nag-iisa sa bayan nato" sagot nito.

"Well kung gusto mong sumama sa amin si Tristan ang sabihan mo" sabay turo kay Tristan.

"Salamat" ngumiti na ito at pumunta kay Tristan.

Mukhang madadagdagan ulit kami at may bago nanaman kaming kaibigan. Naaalala ko tuloy sina Clark at James sana wag na ulit mangyare ang mangyare dati.

Bumalik na kami sa loob ng bahay ni lola.

"Guys, siya nga pala si Erra apo siya ni Lola, kagaya natin may ability rin siya at gusto niyang sumama sa atin" sabi ni Tristan.

Nawala na ang pakpak ko kaya't nararandaman ko na ang aura niya.

"Ako nga pala si Erra my ability is to manipulate Earth" nakangiti niyang pagpapakilala.

Kwinento na ni Tristan ang tungkol sa Chess at ano ang mga ranking nila. Hindi niya binanggit sa kwento sila James at Clark pero may sinabi niya na nawalan na kami ng miyembro sa grupo. Nang matapos na ang lahat nagpahinga na kami at aalis na kami bukas ng umaga para maglakbay.

Kina-umagahan ay naghanda na sa pag-alis. Nagpaalam at nagpasalamat na kami sa Lola ni Erra nagpaalam na din si Erra dito. Binigyan nila kami ng pagkain na tatagal ng tatlong araw.

KING'S POV

"So buhay pa pala sila, after two years magpapakita na ulit sila ha" natatawa kong sabi sa inulat ng mga Rook.

Tumayo ako at umalis, nagtungo ako sa isang kwarto.

"I think your friends are coming to rescue you, harold" nakangiti kong sabi.

"Don't you ever think that you can lay your finger on Belle" seryosong sagot nito.

"Dont worry, I'll definitely welcome them here and let them see you" sarcastic kong sagot.

BELLE'S POV

Dalawang araw na kami naglalakad kapag napapagod kami ay nagpapahinga kami sa isang tabi pagkatapos ng ilang oras bumabalik na kami sa paglalakad. Kapag matutulog na kami gumagawa ng tent si Erra na gawa sa lupa.

"Napapapagod na ako magpahinga na muna tayo" hingal na sabi ni Claire.

Umupo muna kami sa lupa. Binuksan ko ang phone ko para makita ang picture nung mapa. Pinicturan ko kasi yung mapa para di na mahirapan si Rei na magtransform pa.

"Malayo-layo pa tayo sa pinakadulo" paalala ko sa kanila.

"Sabi ng kapitan namin ang susunod na mapupuntahan natin ay yung lugar ng White Bishop kaya kailangan nating mag-ingat" sabi ni Erra.

"Kaya mag-ingat kayo lalo na't papalapit tayo ng papalapit sa lugar nun" singit ni Tristan.

Tumango naman kaning lahat sa sinabi niya.

"Dito na rin tayo magpapalipas ng gabi" dagdag pa nito.

"Magluluto na muna kami ni Aqua ng pagkain" sabi ni Poeny sabay hila kay Aqua.

"Aayusin naman namin ni Claire ang tutulugan natin" singit naman ni Erra.

Naalala ko na habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming isang batis sa di kalayuan.

"Maliligo na muna ako, Guys" sabi ko sa kanila habang kinukuha ang bag ko.

"Saan ka maliligo?" tanong ni Tristan.

"Diyan lang ako di naman ako papakalayo" sagot ko.

"Gusto mo ng kasama?"

"Hindi okay lang may ginagawa na silang lahat eh" sagot ko nalang.

"Sabi mo eh basta kapag may nangyare na masama bumalik ka na agad dito ha" seryosong sabi nito.

"Oo"

Naglakad na ako papunta sa may batis para maligo.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon