CHAPTER XXIV: SCHOOL FESTIVAL

10 3 0
                                    

BELLE'S POV

Lunes na ulit at nasa school nanaman ako. Last weekend umuwi ako sa bahay namin. Buong weekend kasama ko sila Mama at Princess mabuti naman at walang Chess na sumugod.

"Good Morning Class"

"Good Morning Sir Nick" bati naman namin.

"Magkaka-roon tayo ng Festival sa darating na Linggo. Tatlong araw ang Festival na yun kada Grade Level ay may ibat-ibang dapat na gawin ayon sa meeting namin. Napagmeetingan din namin na mga teacher niyo na ang gagawin ng mga Grade Eleven students ay Auction Slave"

Pagkasabing-pagkasabi palang ni Sir ng Auction Slave ay nagtilian na ang mga babae sa room.

"Tahimik...Mamimili ang ako ng nga estudyanteng lalaki dito para sa program na yun. Alam niyo naman kung ano ang Auction Slave diba?" tanong ni Sir.

"Opo" sigaw naman ng mga kaklase kong babae na halatang tuwang-tuwa.

"Mabuti kung ganun. Pipili ako ng representative ng section natin. Ang mananalo sa inyo ay sasamahan niyo sa huling araw ng Festival. Kalahati ng presyong ibibigay sa inyo at ang kalahati naman ay sa seksyon niyo, sa madaling salita the more na mas mataas ang bili sa inyo the more na mas maganda." sabi ni Sir.

"Barrera, Silva, Fernandez, Montes at Baje. Kayong lima ang magrerepresent ng section natin. " turo ni Sir sa kanila.

Mas lalong nagtilian ang mga babae sa room dahil sa mga pinili ni Sir.

Humarap sa akin si James.

"Belle, bibilhin mo naman ako diba?"

Natawa lang ako dahil sa itsura niya na nagpapa-awa.

"Sir, pwede po bang hindi sumali?" seryosong tanong ni Tristan.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Tristan halata sa mukha ng mga babae sa amin ang pagka-disappoint.

"Okay lang yan bro ano ba" natatawang sabi ni Rei.

"Nope, bawal na kayong umayaw pwede niyo namang bayaran ang sarili niyo pero kailangan niyo ng babae na bibili sa inyo" sabi ni Sir.

"Mag-iipon na ako para next week" sabi ng isa kong kaklase na babae.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na nga ang klase at wala namang nangyari na kakaiba, walang Chess na sumugod. 

Nag-recess na at nagkita-kita kami nila Clark at Poeny. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa Auction Slave.
Sinabi rin ni Clark na sinali din daw siya ng teacher niya dun.

Natawa nalang kami ni Poeny. Inaasar ni Poeny ang mga lalaki dahil doon.

"Wala naman akong pake alam kong bibilhin ako ni Belle, diba Belle? " pagmamalaki ni James.

"Hindi ako gagastos para sa inyo" natatawang ganti ko.

"Aww para ka na ring ni-reject ni Belle" pang-aasar ni Poeny

"Shut-up" seryosong sabi ni James kay Poeny.

Natawa lang kami ni Poeny dahil kay James.

Buong linggo kaming naghanda para sa Festival na gaganapin next week. Bukod sa Auction Slave na gagawin ng buong Grade 11. Kailangan din namin na magbenta para sa dalawang araw ng festival dahil sa last day pa gaganapin ang Auction Slave pinagrupo kami sa apat na tao.

Syempre kasama ko sina Rei, James at Tristan. Sinamantala ko naman ang kagwapuhan ng tatlo at ang ginawa namin ay Photo booth.

Alam ko naman kasing madaming babae ang magpapicture sa tatlo dahil nga gwapo yung tatlong lalaking yun. Hindi naman umangal si Rei sa plano ko, si James naman sabi susundin niya daw kung ano gusto ko samantalang wala namang sagot si Tristan nung tinanong ko kung okay lang ang ideya ko at dahil nga dun inaayos na namin ang mga gagamitin sa photo booth may mga binili kami na wig, hat, sunglasses at karton na gagawin naming border.

Totally silang tatlo ang pinaka-gumawa lalo na si James naawa tuloy ako dahil ako ang pinaka walang nagawa tapos sila pa ang ibebenta ko next week.

Friday na at naayos na namin ang pwesto namin. Gamit namin ang Polariod ni Rei. One-hundred pesos kada dalawang pic ng kahit na sino sa kanila. Kung gusto nila na nasa iisang pic sila kasama yung tatlong yun ay two-hundred ang bayad. Kada dagdag ng tao sa kanilang tatlo ay magdadagdag din ng singkwenta.

Pinatawag lahat ng ABM 1 ni Sir Nick.

"Pwede kayong magdala ng kaibigan niyo dito sa  Festival pero kailangan nilang magbayad ng 100 pesos para sa entrance para markahan sila" paalala niya sa amin.

Umuwi naman na kaming apat. Mukhang mapapagod kami ngayong Festival. Sana naman ay wala kaming makaharap na Chess Member sa Festival.

Nakarating na ako ng Dorm inimbitahan ko na rin si Aqua at sinabing pwede siyang pumunta sa Festival.

Natuwa naman siya sa sinabi ko at nagsabing susubukan niyang pumunta lalo na't natatawa daw siya na isipin na nasa Auction Slave ang apat na yun at dahil gusto niya rin malaman magkano ang presyo na aabutin ng apat na yun lalo na't pwedeng pumasok sa school namin ang taga-ibang school sa araw ng Auction Slave.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon