BELLE'S POV
Anong nangyare? Bat tulog sila Tristan at Clark? Akala ko ba gising si Tristan sabi ni Clark di kaya inatake sila ng Rook?
"Belle, gisingin mo sila Clark at Tristan ako na muna ang bahala dito" sabi ni Poeny pero halatang kinakabahan siya lalo na't isang Chess Piece Official ang kalaban niya.
"Sige" sagot ko nalang wala rin naman akong magagawa eh di ako malakas wala akong armas at walang kwenta ang ability ko sa mga ganto kaya kailangan kong gisingin sina Tristan at Clark para may tumulong kay Poeny.
Nagpa-ulan ng madaming dahon na matutulis si Poeny sa Rook.
Tumalon lang ito paiitas para umilag.
"Not bad" sabi ng Rook.
Nasa taas siya ng isang building. Hindi kami pwede mahuli ng mga tao kaya hindi ko alam ano ang gagawin ko.
"Poeny hindi pwede na malaman ng mga tao na may ability tayo" sigaw ko sa kanya.
Napatingin siya at nginitian niya ako. May mga bumalot na dahon sa may mata niya at nagmukhang maskara at nag-iba rin ang damit niya binalutan ito ng maninipis na ugat at mga dahon.
Kinuha ko na sila Clark at Tristan. Ginigising ko sila pero di sila magising.
"Clark! Tristan! gumising kayo kailangan kayo ni Poeny!" sigaw ko habang ginigising sila.Hindi niya kaya mag-isa ang kalaban. Nakita ko ang isang gripo at binuksan ko iyon kumuha ako ng tubig at ginising yung dalawa pero wala pa ring nangyayare.
"Walang kayong magagawa para magising sila" natatawang sabi ng White Rook.
Umaatake lang si Poeny sa kanya.
Madaming ugat ang nakapalibot sa Rook natamaan ito ngunit ngumiti lang at bigla itong naglaho bigla nalang tumalsik palayo si Poeny. Sinipa siya ng White Rook pero pano yun nagawa? Nagteleport siya? Pero bat wala na siyang sugat? Sa pagkaka-alala ko iisa lang ang ability kada isang tao hindi naman magka-connect ang Teleportation at Healing so anong nangyare.
Natigilan ako sa pag-iisip ng magsalita ang Rook
"Ikaw naman" sabi niya.
Di ko alam ang gagawin ko kinakabahan ako.
Pero bago pa man niya ako masugod ay may lumipad na mga dahon papunta sa kanya naka-ilag siya pero tinamaan ang kanyang pisngi, braso at hita. "Shit masakit ha!" sigaw nito kay Poeny.
POENY'S POV
Alam kong di ko kaya manalo sa isang Rook lalo na't di naman ako ganun pa kalakas. Kahit pa nga pagsamahin namin ang lakas namin ni Belle wala rin kaming magagawa.
Kailangan munang magising nila Clark at Tristan para magkaroon kami ng mas malaking chance para matalo ang Rook.
Kailangan kong patagalin ang laban at kailangan magising na agad yung dalawa para matulungan na kami ni Belle.
Sinabihan ako ni Belle na bawal makita ng mga tao na may ability kami pero pano ako lalaban kung di ilalabas ang ability ko kaya naisip ko na magmaskara at mag-iba ng suot para di nila ako makilala.
Mabilis kumilos ang Rook na to pero naka-isip ako ng paraan pinalibutan ko siya ng ugat na may mga tinik, tinamaan ito at nasugatan pero nagulat ako nang biglang naglaho siya at biglang naramdaman ko na may aatake sa likod ko.
Di pa ako nakakaharap at nasipa niya ako tumalsik ako at tumama sa isang building ang sakit niya sa katawan.
Nagulat ako dahil wala na ang sugat niya eh malalim yun sa pagkaka-tanda ko. Aatakihin niya si Belle kaya pinatamaan ko siya ng matutulis na dahon. Natamaan siya at nagtamo siya ng madaming dalos dahilan kaya nagalit ito.
Bago pa ako umatake ay biglang nag-iba ang lugar ko. Nakita ko si Mama at Papa.
"Ma?, Pa? " naiiyak kong sabi.
Humarap sila sa akin.
"Poeny, anak ko" sabi ng mama ko.
Yayakapin ko na sila ng biglang may dumaan sa akin bata. Binuhat siya ni Mama at tinawag niyang Poeny. Nagulat ako hindi ako gaanong nagulat dahil may binuhat siyang bata ang kinagulat ko ng makita ko ang sarili ko na bata at buhat-buhat ng mama ko.
"Anong nangyayare? Ma! Pa! " sigaw kong sabi pero di nila ako pinapansin. Nagbago bigla nanaman ang lugar.
Nasa loob na kami ng bahay at kumakain sila mama at papa kasama ang batang ako. Pinatulog na ni mama ang batang ako.
"He's coming" sabi ni Papa
"Kailangan nating protektahan si Poeny" sabi ni mama.Pinuntahan nila mama at papa ang batang ako sa kwarto.
"Anak, gising anak" sabi ni mama.
"Ma? Bakit po?" tanong ng batang ako.
"Lalaro tayo tagu-taguan ha kami ni papa ang taya, magtatago ka babalik ka dito kapag sumikat na ang araw, maliwanag ba? " sabi ni mama sa batang ako.
"Opo, mama" sabi ng batang ako at na halatang naantok.
Hinatid ni Mama ang batang ako hanggang labasan at pinalabas ako kahit na gabi na. Naiiyak ako dahil naalala ko nanaman siya.
Umiiyak na rin si Mama. Si Papa naman ay naglabas ng espada. Biglang may kumatok sa pinto.
"Andito na siya" sabi ni papa.
Hinanda na ni papa ang espada at si Mama naman ay nagkulay asul ang mata. Hindi ko alam na may ability pala si Mama.
"Sisirain niya ang pinto gamit ang espada niya at susugod siya.
Lumalakas ang katok at maya-maya pa'y nahati ang pintuan at nasusunog ang ibang parte ng pintuan.
Nakita ko dun na nakatayo ang isang lalaki at dumila eto nakita dun ang chess piece niya "White Knight! " gulat kong nasabi.
"Good Evening" nakangiti niyang sabi.
Nagulat ako ng bigla niyang inatake si papa. Naharangan siya ni papa pero hinawakan niya si papa at nasunog ang damit ni papa. Sunod niyang inatake si mama pero nakaka-ilag si mama feeling ko makakita sa future ang ability ni mama.
Pero ang bilis kumilos ng White Knight at nahawakan ang pisngi ni mama dahilan para masunog ang mukha niya.
Nagalit si papa pero bago pa siya makalapit ng tuluyan ay nasaksak na siya ng Knight.
Umiyak naman si mama at lumapit kay papa at sinaksak na rin siya ng Knight patalikod. Namatay silang parehas at sinunog sila ng Knight at ang buong bahay namin. Ngayon ko lang nalaman ang mga nangyare dati.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Poeny's Mother Ability is to see what is going to happened after 3 seconds.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.