TRISTAN'S POV
"Ahh ang sakit ng ulo ko" mahina kong sabi.
Napatingin ako sa kamay ko.
"Shit, bat nakagapos ako" mahina kong sabi.
Nakita ko ang Queen na nasa gitna. Andoon din ang mga babae at sa gitna nila ang kabaong.
Ginala ko ang paningin ko, nakita ko sa gilid sila Rei. Pero wala dito si Harold. Nagulat ako nang sinugatan ng Queen ang palad ni Aqua.
"Ahhh!" sigaw ni Aqua.
Nagising ang iba naming kasama dahil sa sigaw ni Aqua.
Tumulo ang dugo niya sa kabaong pero walang nangyare. Lumapit siya sa lugar ni Poeny.
"Fuck pakawalan mo niyo dito" sigaw ni Rei.
"Mark, kaya mo ba magteleport? " sigaw ko.
"Hindi ko kaya nakatali ako" umiiyak na sabi ni Mark.
Sinugatan niya na ang palad ni Poeny. Napasigaw din ito sa sakit pero wala pa ring nangyayare.
Pano ako makakatakas dito kung papatigilin ko ang oras mapapatigil ko sila pero hindi pa rin ako makakawala kaya wala ring kwenta at-
Nag-iisip palang ng plano ng biglang tumili si Claire.
"Ate!" sigaw ni Mark habang tumutulo ang luha.
Sunod niya nang pinuntahan si Princess.
Sinugatan niya na ito at nagdugo ang palad nito. Biglang naging itim ang kapaligiran.
Huh? Anong nangyare? Tumigil ang oras? Pero hindi ko naman pinatigil ang oras, so anong nangyayare. Naguguluhan kong tanong sa sarili ko.
Naguguluhan na ako ng biglang nakita kong gumalaw si Belle.
"Belle!" sigaw ko.
Pano siya nakakagalaw? Ako lang naman ang may ability na kontrolin ang oras dito at kung ako nga dahilan ng pagpapatigil ng oras dapat ako lang ang makakagalaw. Hindi kaya si Belle ang nagpagalaw ng oras? Pero ang alam ko may ibat-ibang ability at hindi yun pwede maulit.
Biglang may mga ugat na naglabasan sa lupa at sinira ang kadena niya.
Biglang naging lima si Belle at pinakawalan kaming lahat. Nakita ko ang mukha niya. Lumiliwanag ang mata niya. Biglang umandar na ulit ang oras at biglang nagbukas ang kabaong at may itim na kapangyarihan ang nakalabas.
"Humanda kayo guys!" sigaw ko.
Bigla may mga ugat na humawak sa akin at nagteleport kami pabalik sa apartment ko.
"Wag na kayong bumalik dun masyado ng delikado" sabi ni Belle.
"Belle, time controller ka rin?" naguguluhan kong tanong.
Napatingin si Belle sa akin at siya'y nahimatay. Biglang may malakas na kidlat kami na narinig.
Napalabas ako at pagtingin ko sa langit. Napakadilim na nang kalangitan.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.