TRISTAN'S POV
Andito na kami sa mall nila Mark at Claire umalis na rin si Mark para sunduin ang iba.
"Hanapin na natin si Clark" sabi ko kay Claire.
Tatakbo na sana kami ng biglang may portal na lumabas at lumabas din sa portal ang isang babae.
Seryoso ang mukha niya at sa hita may ribbon at nakalagay dun ang Chess Piece niya.
"Shit, White Bishop" mahina kong sabi.
"Umalis ka na Tristan at puntahan mo si Clark kailangan ni Clark ng tulong, ako na ang bahala dito" sabi ni Claire.
Sinunod ko naman siya at umalis na ako. Hindi ko alam saang parte ng mall ako maghahanap hindi ko naman pwede patigilin ang oras kahit na lumakas na ako isang beses ko lang kayang gamitin ang trump card ko kada isang araw kaya kailangan gamitin ko ito kapag makita ko na ang Dark Bishop.
Hindi ko rin naman pwedeng pabagalin ang oras dahil wala ring mangyayare dahil may distance lang ang ability ko at hindi ko alam kung abot siya sa distance na yun o hindi at pano kung si Clark lang ang mapabagal ko hindi ang kalaban. Kaya no choice ako kundi hanapin muna si Clark.
Tumakbo lang ako hanggang sa makapunta ako sa Fourth Floor habang tumatakbo ako ay nakita ko si Clark na nasa lapag at punong-puno na ng kemikal at unti-unting natutunaw ang damit. Nahuli na ang dating ko.
Hahawakan ko sana siya pero pinigilan niya ako.
"Wag mo kong hawakan bro masyadong malakas tong lason na to" sabi niya habang nagsusuka ng dugo.
Biglang akong napa-iyak ng makita ko ang kaibigan. Ang nag-iisang kaibigan ko na kasama ko lagi simula ng bata ako. Napasigaw nalang ako habang umiiyak.
"Ang panget mong umiyak Bro, itigil mo nga yan" sabi niya habang nakangiti.
Pinahid ko ang mga luha ko.
"Mabubuhay ka pa bro, papunta na si Poeny papagaling ka nun" sabi ko habang pinapahid ang luha ko.
Ngumiti ito sa akin.
"Sa tagal-tagal nating magka-ibigan ngayon mo lang ako tinawag ng ganyan. Masaya ako na nakilala kita bro" bigla siyang umubo ng mag dugo.
"Kasalanan ko to eh dapat sumama ako sayo eh dapat di ko na muna inuna yung mga gawain ko eh" naiiyak kong sabi.
"Wala kang kasalanan bro, hindi mo naman ginusto ang mga nangyare"
"Wag ka nang magsalita bro, wag kang pipikit papunta na sila for sure mapapagaling ka ni Poeny" sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Promise ang panget mong umiyak bro itigil mo na" sabi niya ng nakangiti pero lumuluha na ang mga mata niya ang mga luha.
Nag-uusok na ang katawan niya at unti-unti ng nasusunog ang balat niya.
"Bro, ipingako mo sa akin na igaganti niyo ko sa Chess, pasabi na rin kay Aqua na I like her at sorry kung di ko na nasabi I thought na mas maganda na umamin ako kapag maayos na ang lahat at wala ng Chess hindi ko naisip na pwede rin pala akong mamatay, ang bobo ko no?" naiiyak niyang sabi.
Unti-unti nang pumipikit ang mata niya.
"Bro" hinawakan ko na ang mukha niya. "Wag kang pipikit bro malapit na silang dumating" sabi ko.
Biglang pumikit na ang mata niya at bumagsak na rin ang ulo niya.
Umiyak lang ako ng umiyak at sinisigaw ang pangalan ng kaibigan ko.
Dumating na rin sila Belle napatigil sila ng nakita nila kami. Napaluhod si Belle at umiyak. Si Rei at James naman ay gulat na gulat sa nakita at biglang may luha na tumulo sa mukha ni Rei samantalang umalis naman si James. Si Aqua ay napatakbo palapit sa amin.
"Clark? Clark? Gumising ka na andito na kami" naiiyak na sabi ni Aqua.
Binasa ni Aqua si Clark ng tubig kumulo naman ang mga kemikal at unti-unting nawala. Niyakap niya ang katawan ni Clark habang umiiyak. Maya maya pa'y dumating na rin sila Claire, Mark at Poeny. Agad naman lumapit si Poeny at sinubukang pagaling si Clark pero di niya nagawa.
"Patay na si Clark" naiiyak niyang sabi.
"Igaganti kita Clark sa gumawa sayo nito. Sinusumpa ko ako mismo ang papatay sa may gawa sayo nito" galit na sabi ni Aqua.
Lumapit sa amin si Mark at nagteleport na kami sa apartment ko.
JAMES POV
Umalis ako ng nakita ko sila na umiiyak dahil sa pagmakatay ni Clark. Pano kaya kapag ako ang mamatay matutuwa ba sila o malulungkot din.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi,
Salamat sa patuloy niyong pagbasa. Enjoy reading. 😁
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.