CHAPTER XVII: THE START OF REAL BATTLE

12 3 0
                                    

BELLE'S POV

Umiiyak sa gilid si Poeny samantalang tulog sina Clark at Tristan. Ako nalang ang natitira dito. Lumapit ako kay Poeny.

"Poeny, okay ka lang? Poeny makinig ka may kalaban pa tayo! " sigaw ko pero di siya umaayos at umiiyak pa rin siya.

"Walang kwenta yang ginagawa mo. Nasa ilalim siya ngayon ng isang Ilusyon" paliwanag ng Rook.

"Ilusyon?" nahima kong sabi.

"Kung ganun sina Clark at Tristan ay nananaginip na nakakulong sila sa isang labyrinth?" tanong ko.

"Yup" sagot ng Rook. "Wag ka nang magalit pati naman ikaw ay mapapasa-ilalim sa isa ring ilusyon " natatawang dugtong pa nito.

Anong gagawin ko? Hindi naman ako magaling makipag-laban ni hindi pa nga kami nakakapag-practice eh kaya anong magagawa ko sa laban na to.

Sumugod ang Rook sa direksyon ko. Sinubukan kong umilag pero ang bilis niya di ko namalayan na nasa harap ko na siya.

Sinipa niya ako napatalsik ako. Dahil sa ingay nang pagtalsik ko madaming tao ang nagsipag-punta para tingnan kung ano ang nangyayare.

Tinaas ng Rook ang kamay niya at may ilaw na lumabas doon.

"Now its only you and me" sabi ng Rook.

Pagtigin ko lahat na nang tao ay nagsisipag-iyak.

"Binigyan ko sila ng ilusyon ng pinaka-masakit na alala sa buhay nila" ngiting sabi ng Rook.

Sumugod na ulit ang Rook. Sinusubukan kong umilag pero di ako maka-ilag ang bilis niya masyadong gumalaw.

"Boring naman ng laban na to mukhang kailangan ko na itong tapusin" sabi ng Rook.

Nilabas niya ang kutsilyo niya. Mukhang hanggang dito nalang ako. Sasaksakin niya na ako at napapikit na lang ako.

Biglang may narinig akong ingay pagmulat ng mata ko ay nasa gilid na siya, pagtingin ko sino ang nagligtas sa akin nakita ko bigla si Tristan na hinihingal.

"Natagalan ba kami? Sorry at ngayon lang kami nakarating" sabi ni nito.

"Pano ka nagising?" tanong ko.

Tinulungan niya akong tumayo. Nakita ko si Clark na nanghihina sa gilid at pumunta kay Poeny.

"Anong nangyare? " tanong ko. "Pinatigil ko ang oras" hingal na sabi ni Tristan.

"Pano kayo nagising ni Clark? " tanong ko ulit.

"Nahanap namin ang gitna ng Labyrinth at sa gitna nito ay may bola na may liwanag sinira ko yun at bigla na kaming nagising" sagot naman ni Tristan.

"Hindi ko inaasahan na magigising pa kayo ng kaibigan mo" natatawang sabi ng Rook.

"Shall we start? The Real Battle, I mean" matapang na sabi ni Tristan.

CLARK'S POV

Nagising na kami ni Tristan.

Nagulat kami ng nakita namin na sasaksakin na ng babae si Belle. Hindi ko alam kung anong nangyare basta bigla nalang tumalsik yung babae at andun na si Tristan. Mukhang pinatigil niya ang oras.

Nakita ko ang kwintas ng babae na may Chess Piece na Rook at kulay puti to.

Sa isang gilid naman nakita ko si Poeny na umiiyak. Nilapitan ko siya pero hindi niya ako naririnig mukhang kailangan ko nanamang gumamit ng Telepathy.

"Tristan, magtetelepathy ako ulit kayo na muna bahala sa akin kapag makatulog ulit ako" sigaw ko.

"Sige" sagot naman ni Tristan na nakatingin sa White Rook. Ginamit ko na nga ang ability ko.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon