CHAPTER XLVII: ROOKS

11 3 0
                                    

BELLE'S POV

Dalawang araw na simula nang pumunta kami dito pero hindi pa rin lumalabas ang mga Chess.

Nakikitira muna kami kay Lola kami na rin ang gumagawa ng gawaing bahay dito. Hindi namin pwede ilabas ang ability namin dahil baka maka-abot ito sa Chess at papuntahin pa ibang Chess Piece.

"Kailan kaya sila kukuha ng alay?" nababagot na sabi ni Claire.

"Mga bata wag niyo ng ituloy ang plano niyo mapapahamak lang kayo sa gusto niyong mangyare" nag-aalalang sabi ng matanda.

"Maraming salamat po sa pag-alala pero kaya naman po namin yung dalawang yun" nakangiting sabi ni Rei.

Biglang tumunog ang bell.

"Poeny at Claire!" sigaw ni Tristan.

Lumabas naman silang dalawa at kunwari na naghahanap ng tataguan.

Nagtatago kami sa bahay ni lola.

Habang tumatakbo sila Claire at Poeny ay may tumalsik na mga feathers sa direksyon nila Poeny pero nailagan naman nila.

"Tama yan wag na kayong tumakbo at sumama na kayo sa amin" sabi ng White Rook.

"No way" nakangiting sagot ni Claire.

Naglabas si Claire ng mga sinulid na naghugis kutsilyo at inihagis sa White Rook. Nagulat ito at biglang lumipad.

"May mga ability din kayo?" nagtatakang tanong nito.

Biglang may namuo na karayom na lumabas sa paligid ng Dark Rook at umatake kina Poeny. Naharangan naman ito ni Poeny gamit ang malalaking puno.

May mga ice spikes na sumugod papunta sa Dark Rook.

Sinira naman ito ng mga matutulis na feathers ng White Rook. Lumabas na kami sa pagkakatago at nagpakita sa kanila.

Nagpalipad ng mga matutulis na dahon si Poeny sa direksyon ng White Rook. Mabilis naman na naka-ilag ang White Rook.

Mga mga karayom na umatake kina Poeny. Naka-ilag naman ito. Biglang may mga sundalo na pumunta sa lugar namin.

"Kami na ni Rei ang bahala sa kanila" sabi ni Tristan. Naging lima si Rei ang dalawang Rei ay naging espada

"Kaming tatlo na dito sa Dark Bishop" sabi ni Aqua.

Kinopya ko na ang aura ng White Bishop at may lumabas sa akin na pakpak. Halata ang pagkagulat sa mukha nila Mark at ng White Bishop.

Lumipad ako para mas makalaban sa White Bishop. Inatake ko rin siya ng mga feathers.

"Bat kaparehas kita ng ability?" nagtatakang tanong ng White Bishop.

Hindi ko naman sinagot ang tanong niya at nagpatuloy sa pag-atake. Nagteleport naman si Mark sa likod niya para saksakin ito. Naka-ilag naman ang White Bishop pero nadaplisan siya.

Biglang sumigaw ang White Bishop dahilan para makabuo ng napakalakas na Sound Waves. Napahawak kaming lahat sa mga tenga namin.

"Ano yun? Ang sakit sa tenga" sabi ni Aqua. Kahit sila ay naaapektuhan ng ability ng White Bishop.

Tumakbo palayo ang Dark Rook at mukhang tatakas ito. Di pa naman siya nakakalayo ng biglang may mga ugat na humarang sa daan niya. Pero may mga lumabas na karayom at sinira ito.

"Mark!" sigaw ko.

Nagteleport si Mark papunta sa direksyon ng Dark Rook sasalubungin niya sana ito ng biglang may mga tumubo na matutulis na bagay sa katawan ng Dark Rook at nagpa-ulan ito ng karayom kay Mark dahilan para umilag si Mark.

Pinagaspas ng White Rook ang kanyang pakpak ng malakas na hangin na nabuo dahilan para nabalutan ng malakas na hangin ang daanan. Nawala na ang boses ng White Rook at wala na rin sila.

"Tinakasan na nila tayo" sabi ni Rei.

Naglabasan ang mga tao sa kanilang bahay at nagsigawan dahil malaya na sila sa mga Chess.

"Hindi ko alam na may ability rin kayo kagaya nila" sabi ng matanda.

"Pasensya na po lola kung hindi namin pinaalam" sagot ko nalang.

Dumiretso kami sa palasyo at pinakawalan ang mga bihag. Naiiyak ang matanda ng makita niya ang kanyang apo na babae.

"Maraming salamat sa tulong ninyo, ano ba ang pwede naming gawin para gantihan kayo" sagot ng isang lalaki na mukhang kapitan ng bayan.

"May gusto lang po akong itanong" singit ni Tristan. "Rei, ang mapa" dagdag pa nito.

May lumabas na isang clone si Rei at naging libro at binuksan ang dulong pahina nito.

"Alam niyo po saan itong lugar na ito at kung ano ang makikita namin dito?" tanong ni Tristan sa lalaki.

"Hindi ko alam saan ang dulo ng mapa na ito pero isa lang ang alam ko. Sa sunod niyong dadaan ay may isang bayan rin na pinamumunuan ng isang may ability rin pero iba ang itsura ng flag nila. Kulay puti ito at mukhang Bishop sa Chess hindi kagaya nang amin na Rook" sagot naman nito kay Rei.

"Maraming salamat po" sagot ni Tristan.

Humarap sa amin si Tristan.

"Bukas din ay aalis na tayo, guys. Magpakasaya na muna kayo ngayon at kung may mapansin kayo na kakaiba sabihin niyo agad" paalala nito.

Nagpahinga na muna kami samantala pinapagaling naman ni Poeny ang mga sugatan na mga babae na nakakulong sa kulungan.

"Maraming salamat sa pagligtas niyo sa amin at sa pagbantay sa lola ko habang wala pa ako" napatalikod kami at nakita si lola at ang apo niyang dalaga.

"Walang anuman salamat din kay lola at may natuluyan kami dito" sagot ko.

"Kung ayos lang sana sa inyo gusto kong sumama sa paglalakbay niyo at lumaban sa mga kagaya nung dalawang sumakop sa amin"

Nagulat ako sa narinig ko sa sinabi ng apo ni lola.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Name: Bella Esperanza Rivera
Age: 18 (after two years)
Ability: Aura Manipulation

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon