CHAPTER VII: THE QUEEN

14 5 0
                                    

BELLE'S POV

Lunes na at may pasok nanaman.

Pagpasok ko sa room ay andoon na sila James at Tristan pati na rin si Clark.

Kung titingnan mo silang tatlo pwede mong pagkamalan na kaklase namin si Clark lagi ba namang andito kapag walang klase at kapag andito silang tatlo laht ng babae ay nakatingin sa lugar namin. Pano ba naman isa lang sa kanila kayang-kaya nang magpalingon ng babae dahil sa kagwapuhan.

"Yow" sabi ni Clark "Himala ang aga mo naman" dagdag pa nito.

"Yeah,  syempre lumipat na ako eh" pagmamalaki ko sa kanila.

Natawa lang naman silang tatlo.

Maya-maya lang ay umalis na si Clark dahil mag-uumpisa na ang klase. Kagaya ng mga nakaraang araw ay sama-sama kaming nag-lunch pagtapos naming kumain ay bumalik na kami sa room namin. Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng biglang napatigil si Sir sa pagtuturo at napatayo bigla ang mga kaklase namin. Nagulat kaming tatlo sa nangyayare.

"Anong nangyayare?" gulat na tanong ni James.

"Hindi ko alam" mahinahong sagot ni Tristan.

Biglang dumating si Clark.

"Okay lang kayo? " tanong niya.

"Okay lang kami" sagot ko naman.

Naguguluhan na rin ako sa nangyayare nang biglang may naramdaman ako ng kakaiba at mas malakas ito kaysa sa nararamdaman ko sa kanilang tatlo. Dali-dali akong lumabas pero nahawakan ako ni Clark.

"San ka pupunta?" tanong ni Clark.

"May nararamdaman akong kakaiba" sagot ko.

"Ano?" tanong ni James.

"Bitawan mo siya Clark baka alam niya saan nanggagaling ang nararamdaman niya" sagot ni Tristan.
"Sundan nalang natin siya"  ni dagdag pa nito.

Lumabas kami ngunit ng nasa labas na kami biglang nagsipagtakbuhan ang mga estudyante.

Nagkahiwa-hiwalay kami sa daan.

"Shit, Belle!" sigaw ni Tristan.

Nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa mga estudyante na nagtakbuhan. Ang tanging kasama ko lang ay si James dahil yakap-yakap niya ako nung nagsipagpunta ang mga estudyante. Pero di namin alam nasaan sila Clark at Tristan.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni James.

"Okay lang ako" sagot ko naman.

"Kailangan natin silang mahanap" sabi ni James.

"Alam ko, pero may kakaiba akong mararamdaman sa stadium".

"Gusto mong puntahan natin yun, tama ba Belle? ".

"Yeah" ganti ko sa tanong niya.

"Sige ikaw ang bahala, hindi ko hahayaan na may mangyari sayo na masama".

"Samalat" sagot ko nalang.

Hindi ko alam asan ang mga tao mukhang naka-alis sila dahil wala nang gaanong tao dito.

Ang lawak nitong paaralan hindi ko alam saan sila Clark at Tristan makikita. Siguro naman makakapuntsa sila sa stadium at doon kami magkikita-kita.

Dumiretso na kami sa court ni James. Nagulat kami nang makita ang isang babae na mahaba ang buhok na nasa stadium merom itong collar sa leeg.

"Ano yun?" mahina kong tanong sa sarili.

"Chess piece na Queen?" naguguluhan kong tanong.

"Andito na pala kayo? " sabi niya habang nakangiti.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganto. Biglang may sumulpot sa gilid niya na lalaki may hawak ito na dalawang kutsilyo. Makikita naman sa tenga nito ang Chess Piece na Pawn. Nagulat ako ng nawala ito bigla.

"Anong nangyare?" gulat kong tanong.

"May mga ability rin sila" sagot ni James.

"Ability?" naguguluhan kong tanong.

Magtatanong pa sana ako ng nararamdaman ko na papalapit ang lalaki na may Pawn na hikaw.

"Bat ganun nararamdaman ko siya" sabi ko kay James.

"Ano?" gulat na tanong ni James.

"Nararamdaman ko yung lalaki tumatakbo palapit sa atin sa kanan" natataranta kong sabi.

Nagulat ako nang kinarga ako ni James at tumalon siya paatras.

Napahawak ako sa kanya ng mahigpit dahil ang taas ng talon niya paglapag namin sa lupa ay tinanong ko agad siya..

"Paano mo yun nagawa? " nalilitong tanong ko.

Ngayon ko lang napansin kakaiba ang naramdaman ko nung tumalon siya.

"Belle?  Nararamdaman mo asan yung lalaki diba?" tanong ni James.

"Oo nararamdaman ko siya, bakit?" sagot ko.

"Nice" sagot niya.

Tumakbo siya na buhat-buhat ako binaba niya ako nang nasa dulo kami ng court.

"Belle, sabihin mo kung asan ang kalaban ako na ang bahalang lumaban hindi ko hahayaan na mapano ka" sabi niya.

"Pero pano yung babae sa harap?".

"Wag kang mag-alala sa kanya sa tingin ko naman ay hindi ka niya gagalawin".

"Magtiwala ka lang Belle kaya natin to. Papakitaan natin sila ano kaya nating gawin" dagdag pa nito.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon