CHAPTER XXX: SEVEN + TWO

12 3 0
                                    

WHITE BISHOP'S POV

"Napatay na nila ang dalawang Rook" sabi ng Queen.

"Hindi naman na nakakagulat kung mapapatay nila ang dalawang yun" mahinahong sagot ng Dark Knight.

Sa tagal ko ng White Bishop hindi ko pa nakikita ano ang itsura ng Dark Knight kapag wala siyang maskara.

"Masyado kasi nilang minaliit yung mga yun" seryosong sabi ng White Knight.

"Madali lang naman humanap ng kapalit nila sa mga Pawn pero ang pinaka-malakas na Pawn ay napatay na rin ng isa sa kanila" sabi ng Queen.

"Hindi naman importante na makahanap agad tayo ng kapalit sa dalawang Rook na yun, hangga't andito pa kaming mga Bishop at mga Knight ay wala dapat kayong ipag-alala mahal na Reyna. Kami ang papatay sa mga batang yun" singit ng Dark Bishop.

"Masyado mo naman silang minamaliit" sagot ng Dark Knight.

"Mukhang natatakot ang Dark Knight sa mga estudyanteng yun" pang-aasar ng Dark Bishop.

"Hindi ako natatakot sa kanila. Sinasabi ko lang na wag mo silang maliitin. Afterall Bishop ang kasunod ng Rook" ganti naman ng Dark Knight.

"Whatever" sabi na lang ng Dark Bishop.

"Ngayon ay siyam na sila sa grupo" naiinis na sabi ng Queen.

"Let me handle those kids" sabi ng Dark Bishop.

BELLE'S POV

Nasa apartment na kami nila Mark. Nasa kwarto sila Poeny, Tristan at Rei. Gustong bantayan ni Rei si Poeny kaya hinayaan na namin siya pero bago yun inayos na muna ang sugat niya. Nakabenda ang ilang parte ng katawan namin.

"Gaya nga ng sinabi ko kanina, magkapatid kami ni Mark. Gusto naming talunin lahat ng Chess Piece dahil pinatay nila ang mga kamag-anak namin. Sa kadahilanan na hindi sumunod sa kanila ang pamilya namin. Gusto nilang pakawalan sa pinagkukulungan ang kanilang King. Kaya humingi sila ng tulong na hanapin ang The Chosen One at kumuha ng dugo nito dahil iyun ang isa sa mga susi para mabuhay ang King nila. Pero hindi pumayag ang pamilya namin kaya pinatay sila ng mga Chess." kwento ni Claire.

"Anyway I'm 18 years old Grade 12 student at siya naman ang kapatid ko na si Mark 16 years old. Parehas kami ng pinapasukan ng paaralan ni Aqua. Maaga nakapag-aral si Mark kaya medyo bata pa siya para sa grade niya" sabi ni Claire.

"Gusto sana namin na makipagtulungan sa inyo para matalo ang Chess" alok ni Mark.

"Ano ba ang ability ng King" tanong ko.

"Walang may alam kung ano ang ability niya. Pero sabi nila walang laban ang lahat ng Chess Piece kapag lumaban sa kanya" paliwanag ni Claire "Kaya andito kami para makipag-tulungan sa inyo" dagdag pa nito.

"Kung ganun kayong dalawa ang naramdaman ko kanina" sabi ko.

"Naramdaman?" tanong ni Claire.

"Nakakaramdam ako kung may ability ang isang tao o wala. Naka-dipende ang lakas ng nararamdaman ko sa distansya at kung gano kalakas ang pinapakiramdaman ko" pagpapaliwanag ko.

"Baka nga kami yun" nakangiting sabi ni Claire.

"Naghiwalay ba kayo kanina? " mahinahong tanong ko.

"Hindi kami naghiwalay ng kapatid ko kanina" sagot ni Claire.

"Talaga?  Kahit nung sa Auction?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi talaga nasa gawing kanan lang kami buong celebration sa stadium, bakit may problema ba?" tanong ni Claire.

"Wala, wag mo nalang isipin" natatawa kong sabi.

That's weird, sigurado akong may naramdaman pa kanina sa bandang kaliwa, so meron pang ibang tao dun na may ability?

Biglang bumukas ang kwarto at lumabas doon si Tristan.

"Gising na siya" sabi ni Mark.

Pinaliwanag na namin kay Tristan ang nangyare sa labanan. Sabi niya nawalan siya ng malay dahil sa paggamit niya ng trumpcard ng ability niya.

Maya-maya pa'y lumabas na rin si Poeny at Rei. Pinagaling na rin kami ni Poeny kaya tinanggal na namin ang mga benda namin sa katawan. Nag-usap-usap naman kami at nakasama na nga namin sila Claire at Mark sa grupo.

"So, walong tao tayo sa grupo" masayang sabi ni Claire.

"Totally siyam talaga tayo pero may naka-bili kanina kay James kanina sa Auction at bago pa tayo lumaban ay sinama siya nun kaya hindi siya nakalaban" sagot ko.

"Nice, so siyan pala talaga tayo" natutuwang sagot ni Claire.

Nag-anunsyo ang school namin na wala daw munang pasok ngayong Thursday at Friday dahil magpapa-spray sila sa Academy dahil sa mga insekto na nagtipon-tipon dun kanina. Kaya napagdesisyunan namin na umalis bukas at mag-training ulit bukas sa bahay ni Tristan.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon