CHAPTER LVIII: JAMES?

12 2 0
                                    

BELLE'S POV

"Why!?" sigaw ni James.

Napatingin kaming lahat kay James.

"Belle, you love me right? Come on, its a prank right?" naiiyak na sabi nito.

"Bro, totoo ang sinasabi nila" awat ni Rei.

"Shut-up" sigaw ni James at biglang tumalsik si Rei sa gilid.

"Rei!" sigaw nila Poeny.

Biglang nagbago ang aura ni James kagaya na to ng nakalaban niya dati si Rei nung training.

"Come on, Belle it's not true right?"

"Harold tumigil ka na! Totoo ang sinasabi nila!" sigaw ni Aqua.

"I said shut the fuck up!" sigaw ni James at biglang natumba sa lupa si Aqua.

"Harold tama na!" sigaw ni Erra at naghagis ng mga lupa kay James.

Bago pa makarating ang mga bato kay James ay nahulog ito sa lupa.

"James, totoo ang sinasabi namin" awat ko.

"Why? Why I can't have you again Amanda?" naiiyak niyang tanong.

"Amanda?" nagtataka kong tanong.

"Nababaliw na ata yan eh" sabi ni Claire.

Biglang may elepante na sumugod papunta kay James. Pero bago pa to makapunta ay bigla itong lumutang at tumalsik sa pinanggalingan nitong direksyon.

"Rei!"

Lumutang bigla si James.

"I will wait for you" sabi nito bago lumipad papunta sa teritoryo ng King.

Nakatayo na ulit si Aqua. Pinuntahan naman ni Poeny si Rei at pinagaling.

"Anong nangyare dun, never ko pang nakita si Harold na ganun" sabi ni Claire.

"Di ko rin alam siguro may ginawa ang Chess sa kanya last two years" sagot ni Poeny.

"Fuck that Damn Chess" galit na sabi ni Mark.

Makalipas ang isang oras ay napagaling na ni Poeny sila Rei at Aqua.

"Sumugod na tayo dun may kagrupo pa tayo na kukunin" seryosong sabi ni Tristan.

Humawak na kaming lahat kay Mark at nagtelelport na kami. Pagkateleport namin ay pumasok na kami sa kastilyo.

"Wala man lang bantay mukhang inaantay talaga nila tayo" seyosong sabi ni Rei.

Biglang may humila sa amin sa kanya-kanyang direksyon at napunta kami sa ibat-ibang portal.

TRISTAN'S POV

Bago kami sumugod sinabi ko na kay Aqua ang huling sinabi ni Clark sa akin nang mamatay siya. Naiyak naman si Aqua sa narinig niya ito.

Sumugod na kami pero walang mga sundalo. "Wala man lang bantay mukhang inaantay talaga nila tayo" seryosong na sabi ni Rei.

Biglang may humila sa amin sa kanya-kanyang direksyon at napunta kami sa ibat-ibang portal.

"Shit, napaghiwa-hiwalay nila kami, kailangan ko silang makita ulit"

Naglalakad lang ako at nagbabasakaling mahanap ang iba naming kasama. Bigla nalang may mga Pawn na sumugod sa akin pero kaagad ko naman itong natalo. 

Maya-maya pa ay may mga feathers na umatake sa akin na sinabayan ng mga karayom naka-ilag naman ako at pagtingin ko sa likod ko nakita ko ang dalawang Chess Piece

"Rooks"

MARK'S POV

Nagteleport ako pabalik sa lugar na pinaghiwalayan namin pero pagbalik ko wala na sila doon kaya naglakad ako at sinubukang hanapin sila. Biglang may portal na bumukas at naglabas ng mga espada. Mabuti na lamang at naka-ilag naman ako dito tumakbo ako para hanapin sila habang umiilag sa mga portal.

AQUA'S POV

Bigla nalang ako nahila papasok sa isang portal may tubig na nakapaligid sa akin in case na may sumugod sa akin. Biglang may ahas na kemikal na lumabas sa isang pinto. Nakagawa naman ako ng shield kaya hindi ako natamaan.

"So ikaw ang kalaban ko mabuti naman kung ganun ikaw at ang Dark Knight ang pinaka-gusto kong patayin sa Chess"

Nginitian lang ako ng Dark Bishop.

ERRA'S POV

Hindi ko na alam saan akong lugar napunta naglalakad ako at tinatawag ang mga pangalan nila nagbabaka-sakali na meron pang ibang andito.

"Tayong dalawa lang ang andito"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang White Knight.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon