BELLE'S POV
Maaga na akong nag-ayos at umalis, nagpaalam na rin ako kay Aqua. Alas-otso ang pasok ni Aqua. Samantalang alas-nwebe naman ang amin, pero alas-syete palang ay lumabas na ako. Balak kasi namin na sundan si Aqua hanggang makapasok siya school.
Kasama ko ngayon si Clark, James, Tristan at Poeny. Nagtatago kami sa taas ng malaking puno na pinalaki ni Poeny. Maya-maya lang ay lumabas na si Aqua.
"Eto ang plano natin. Kailangan natin siyang sundan hanggang makapasok siya. Poeny lalaban ka sa kanya sa lugar na wala gaanong tao. Kailangan natin mapilit na lumabas ang kapangyarihan niya. Hindi kami pwedeng apat dahil kilala niya kami. " sabi ni Clark.
"Sige, ako ang bahala" sagot naman ni Poeny.
AQUA'S POV
Paglabas ko ng dorm ay nakita ko ang malaking puno sa harap.
"Di ko matandaan na may puno na ganto kalaki dito" mahina kong sabi sa sarili ko.
Hinayaan ko nalang to at umaliis na ako. Bat pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kanina pa ako nakakarinig ng ingay. Tumakbo ako para di ako masundan ng sumusunod sa akin kung meron nga bang sumusunod sa akin.
Nagulat ako ng may biglang babae na sumulpot sa harap ko galing sa taas. "Hello" ngiting sabi nito. Nagulat ako ng biglang naging latigo yung maliit na ugat na hawak niya kanina.
Inatake niya ako pero naka-ilag ako.
Shit, ayoko lumaban ngayon lalo na't naka-uniform ako at may pasok pa ako. Tumakbo ako para magtago.
Naka-pasok ako sa isang gilid ng kanto.
"Shit, dead end" naiinis kong sabi sa sarili, bago pa ako naka-balik ay naharangan na ng mga ugat ang daanan ko.
"Shit, so mapapalaban talaga ako" mahina kong sabi sa sarili ko.
Biglang nagpakita sa likod ko ang babae na nakita ko kanina pero wala na siyang latigo na ugat kundi mga dahon.
Nagulat ako ng umatake ito sa akin at naging matulis ito. Nadaplisan ako sa kanang pisngi ko.
"Shit pano ako makakalaban sa kanya?" naiinis kong sabi sa sarili.
"Alam kong may ability ka rin kaya ilabas mo na kung ayaw mong mamatay" sabi ng babae.
May nakita akong gripo sa gilid dali-dali akong tumakbo doon at binuksan ko iyon ng lumabas na ang tubig ay pina-galaw ko ito at pinalibot ko sa kamay ko at naging yelong espada ito.
"Pagbibigyan kita kung gusto mo ng laban" sigaw ko.
Susugod palang ako nang biglang may tumawag sa akin sa likod ko.
Napatingin ako sa likod ko at nagulat dahil wala na ang mga nakaharang na ugat at ang pumasok ay ang dalawang kaibigan ni Belle sila Clark at Tristan.
"Sorry sa ginawa namin pero wala na kaming choice para malaman ang ability mo" sabi ni Clark.
May narinig ako na bumagsak sa harap ko nakita ko si James at buhat si Belle.
"Sorry talaga ayoko nang gulo pero kailangan naming malaman kung meron ka bang ability at kung meron man ano yun" sabi ng babae na inatake ako kanina.
Naguguluhan na ako sa mga nangyayare.
BELLE'S POV
Sinundan namin sila Poeny at Aqua. Sila Clark at Tristan ay tumatakbo samantalang buhat-buhat ako ni James at tumatalon-talon siya sa mga building.
Mataas talaga tumalon si James. Mukhang yun ang ability ni James.
Gumilid si Aqua kaya nagtago kami ni James sa taas ng building. Samantalang sila Clark at Tristan ay nasa harap ng mga ugat na hinarang ni Poeny.
Nanlaki ang mata ko ng biglang gumalaw ang tubig at naging yelo sa kamay ni Aqua.
Tinanggal na ni Poeny ang mga ugat na nakaharang at nagpakita na sila Clark at Tristan.
"Mukhang kailangan na rin natin magpakita, James" sabi ko.
"Yeah, kumapit ka bababa na tayo" sagot ni James. Kumapit nga ako at bumaba na kami.
Halatang naguguluhan si Aqua sa mga nangyayare. Di ko rin naman siya masisisi.
Kina-usap siya ni Clark at humingi na rin ng sorry si Poeny at pinagaling ang pisngi ni Aqua.
"Pumasok ka na muna, mamaya na namin sasabihin ang mga pangyayare dito" sabi ni Clark.
Umalis na si Aqua at pumasok na rin kami sa school.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasíaYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.