BELLE'S POV
Naghanda na kami at sinundan ang mapa. Kalahating araw na kaming naglalakad ng may nakita kami na isang bayan.
"Hindi ko inaasahan na may bayan tayo na makikita" sabi ni Mark.
"Guys, tingnan niyo!" sigaw ni Rei.
Napatingin kami sa tinuro niya. Sa direksyon ng tinuro niya ay may flag na nakalagay na Chess Piece na Rook.
"Rook?" mahina kong sabi.
"Kailangan natin pumasok sa bayan na yan at obserbahan ano ang mga nangyayare" seryosong sabi ni Tristan.
Naglakad na kami at pumasok sa bayan. Maraming tao ang andito pero karamihan dito ay lalaki. Kapansin-pansin din ang malaking palasyo sa gitna ng bayan na napapaligiran ng mga sundalo na may hikaw na Chess Piece na Pawn.
"Mukhang nasa loob niyan ang mga Chess" mahinang sabi ni Rei.
Biglang tumunog ng malakas ang bell.
"Ano yun!?" sigaw ni Claire.
Nagtatakbuhan ang nga tao na nagsisipag-pasok sa loob ng kani-kanilang bahay.
"Anong nangyayare?" tanong ni Claire.
May lumapit sa amin na matandang babae.
"Magtago na kayo mga bata" sabi nito.
"Lola, ano po bang nangyayare?" mahinahon kong tanong.
Tumalikod lang ito at hinila ako papasok sa isang bahay. Sumunod naman sila Tristan sa akin.
"Magtago na muna tayo hindi kayo pwede makita lalo na kayo mga ineng" sabi ng matanda.
Pumasok kami sa kwarto ng bahay niya. Saradong-sarado ito walang bintana dito.
"Ano po bang nangyayare?" tanong ko.
"Shh!" sagot nito sa akin habang sumisenyas na wag kaming maingay.
"Ahhh!"
Nagulat kami sa tiling narinig namin na nanggagaling sa labas.
Lalabas na sana ako ng biglang humawak sa akin ang matanda at sumenyas na wag na akong mangi-alam.
Makalipas ang ilang oras ay may malakas nanaman na tunog.Tumayo na ang matanda at lumabas ng kwarto.
"Ano pong nagyare?" tanong ko.
"Lumabas sila" sagot nito.
Sila? Chess Piece?
"Lola mag-isa lang po ba kayo?" tanong ko muli.
"Kasama ko ang apo kong babae pero kinuha nila ang apo ko hindi ko na ulit siya nakita pagkatapos nun kahit man lang ang bangkay niya ay hindi ko pa nakikita" naluluha na sagot ni lola.
"Ano po bang nagyare dito at sino po sila?" tanong ni Tristan.
"Magdadalawang taon na ng dumating sila dito. Mga walo sila ng dumating dito pero dalawa lang sila na naiwan. Yung isa may hikaw na kulay puti na kagaya nung nasa flag sa labas yung isa naman ay nasa dila niya yung hikaw na kulay itim na kaparehas ng itsura ng isa pa" kwento ng babae.
"Chess Piece" mahinahong sabi ni Tristan.
"Simula ng dumating sila dito nagsabi sila na sa oras na may tumunog ay lalabas silang dalawa at dapat ay may iaalay kami na dalawa ring babae. Kapag wala silang makitang alay papasukin nila ang mga bahay at sapilitan na kukunin ang mga babae doon walang may alam kung ano ang ginagawa nila dito pero nakita na namin ang ilang bangkay na kinuha nila at wala rin silang mga saplot" dagdag pa ng matanda.
"Kelan nangyayare ang alay?" tanong ko.
"Nangyayare lang ang alay kung kailan nila gusto".
"Pero kung may alay na bakit pa po kayo nagtatago?" tanong ni Rei.
"Sa oras na may nakita sila na lumabas o nasa labas pinapatay nila iyun atsaka pinapasok ko kayo sa kwarto dahil may mga babae kayo na kasama" sagot nito.
"Maraming salamat po sa pagtago sa amin lola" sabi ko sa matanda habang humawak sa kamay niya. "Hayaan niyo po kami na po ang bahala sa dalawang yun".
"May mga kapangyarihan yung dalawang yun" sabi ng matanda.
"Lola, alam niyo po ba ano ang ability nila?" tanong ni Tristan.
"Yung isa ay may pakpak ng ibon hindi ko na alam ano yung ability ng isa" sagot nito.
"May plano ako, pano natin sila matatalo" sabi ni Tristan.
"Claire at Poeny magiging alay kayo. Sa oras na tumunog ulit ang bell na yun kayong dalawa ang iaalay. Magtatago kami at aantayin na puntahan nila kayo saka kami susugod" sabi ni Tristan.
"Delikado ang gusto niyong mangyare" nag-aalalang sabi ng matanda.
"Wag po kayong mag-alala lola kami na po ang bahala dito magpahinga na po muna kayo lola" sabi ko.
Sinamahan ko na muna ang matanda ba pumunta sa kwarto niya para magpahinga si Poeny na muna ang nagluto ng pagkain.
"Okay ka lang ba Belle?" tanong ni Tristan.
"Naawawa ako kay lola at sa mga tao dito. Hindi man lang nila maprotektahan ang mga mahal nila. Habang nagtatago tayo may ginagawang masama ang Chess sa kanila" sagot ko.
"Wag kang mag-alala igaganti rin natin sila" sagot ni Tristan.
"Luto na ang pagkain, kumain na tayo" sigaw ni Poeny.
Pumasok na kami at kumain.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.