CHAPTER XXXVIII: THE PROPHECY

12 3 0
                                    

BELLE'S POV

Binasa na nga ni Claire ang nakasulat. Tungkol lang sa Darkness ang libro kung gano ito kalakas, kung pano ito nakulong.

Sabi sa libro ilan daang taon ang nakalipas may grupo nang may mga ability na nagbabalance ng mundo.

Air, Water, Fire, Earth ang apat na ability na nagbabalance sa mundo. Isang araw may mag-asawa ang naghangad din ng kapangyarihan at sumamba sa Kadiliman sa kadahilanang gusto nila magkaroon ng anak.

Pumayag ang Darkness sa gusto ng mag-asawa at binigyan sila ng supling kapalit nun ay ang katawan ng haligi ng pamilya. Sinaniban ito ng Darkness at naging vessel niya ang katawan nito. Samantala binigyan niya rin ng ability ang asawa ng lalaki.

Nalaman ng apat na may ability ang nangyare at sinugod nila ang pamilya. Pero bago pa man nila nasugod iyun ay nanganak na ang nanay.

Alam ng Darkness na matatalo siya ng apat na may ability kaya pinadala niya sa future ang anak niya. Samantalang pinatakas niya ang asawa niya at inutusan na hanapin ang anak nila at muli siyang pakawalan.

Naglaban na nga ang Darkness at ang apat na may ability. Hindi nila mapatay ang Darkness pero nakulong nila ito. Pero kapalit nun ay ang pagkamatay nila at ang pagkalat ng ability nila. Iyun rin ang dahilan bakit may ibat-ibang ability ngayon.

Bago niya patakasin ang asawa niya ay binigyan niya ito ng kapangyarihan na magprepreserve sa katawan sa pagtanda at sa mga susunod na alagad nila.

May extrang page sa dulo ang libro.

"Sa lumang sambahan, isang kabaong ang nakahimlay sa isang walang katapusan na imahe. Isang babae na makapangyarihan ang ihahanda. Sa oras na ang liwanag at dilim ay mag-isa, tutulo ang umaagos na susing magpapalaya sa kadiliman. Isang babae ang tatangkilikin ng kadiliman. Isang kaluluwa ang mawawala. Sa oras na sila'y maging isa walang sinuman ang makakahigit pa sa kanila. Muling babangon ang kadiliman" basa ni Claire.

"Ano daw? " sabi ni Poeny.

"Di ko rin alam eh" sabi ni Claire.

"Lumang simbahan" nag-iisip na sabi ni James.

"Hahanapin ba natin yung simbahan? " tanong ni Aqua.

"Oo, kailangan natin maalis dun yung kabaong lalo na't malaki ang chance na alam ng Chess kung saan ito nakatago" sagot ni Tristan.

"Sa ngayon alam na natin na babae ang Chosen One at anak ito ng Darkness" sabi ni James.

"So malaki ang chance na isa sa inyong apat na babae sa grupo natin ang Chosen One" sigaw ni Mark.

"So kung pupunta tayo dun kailangan tayong lalaki lang para makasigurado tayo na hindi mabubuksan ang kabaong" sabi ni Tristan.

"Yeah" sagot ni Rei.

"So kailan tayo pupunta dun?" tanong ni Mark.

"Hindi pa natin alam saan yung simbahan" sabi ni Tristan.

"May alam akong lumang simbahan sa Samar" sabi ni James. "May picture ako ng loob nun" dagdag pa nito habang hinahanap ang cellphone niya.

"Eto oh" sabi niya at pinakita ang isang picture. "Kaya mo naman magteleport papunta dito diba?" tanong nito kay Mark.

"Yeah" sagot ni Mark.

"Bukas tayo pupunta diyan sa ngayon magpahinga na kayo at may pasok pa tayo bukas" sabi ni Tristan.

Pabalik na ako ng Dorm nun nang bigla akong hinawakan ni James. May sasabihin daw siya sa akin.
Sumama naman ako at pumunta kaming park.

"Belle, Im willing to give up everything for you but please say that you love me and you will stay by my side" seryosong sabi niya.

"Nagbibiro ka lang diba?" naguguluhan kong tanong.

Ilang minuto na ang lumipas pero di siya nagsalita at seryoso lang ang mukha niya.

"Sorry James" sagot ko.

"Handa akong mag-antay hanggang matalo ang Chess just say you love me and you will stay by my side. Wag kang mag-alala ako ang bahala sayo handa kitang paglingkuran" sabi nito.

"Wala pa akong plano tungkol diyan James at wala akong plano na pumasok sa ganyan atsaka bat ka nagmamadali? " tanong ko nalang.

Ngumiti lang ito pero di na sumagot.

Hinatid niya naman ako papuntang dorm ko pero di kami nag-usap sa daan.

Nakarating na ako sa dorm ko at di ko na kwinento kay Aqua ang nangyare kanina.

"Mga lalaki lang ang makaka-alis bukas gusto ko pa naman sumama" sabi ko kay Aqua.

"Hayaan mo na atsaka mas delikado kung pupunta tayong mga babae dun, pano kung isa sa atin ang Chosen One edi baka makalaya ang Darkness" sabi ni Aqua.

"Sabagay" sagot ko nalang at natulog na ako.

Kinabukasan ay pumasok na kami. Malapit na mag-sembreak kaya madami na rin kaming gawain. Kinahapunan pumunta na kami sa apartment ni Tristan.

Nagsama-sama na silang apat na lalaki.

"Mag-iingat kayo dun" sabi ko.

"Yup" nakangiting sabi ni James.

At nagteleport na nga sila papunta sa simbahan.

TRISTAN'S POV

Nasa labas na kami ng simbahan.

"Mukhang eto nga yung simabahan" seryosong sabi ni Mark.

"Bakit naman?" tanong ni Rei.

"Hindi ko pa naman tong nakitang lugar na to eh ang pinakita sa akin ni James na picture ay yung sa loob. Pero may malakas na kapangyarihan na humarang sa akin papasok kaya andito tayo kagaya nung pumunta tayo sa kuta ng Chess" sagot ni Mark.

"So may chance na may Chess Piece na andito" sabi ni James.

"Pano mo pala nalaman tong lugar na to James?" tanong ni Rei.

"Nagbabakasyon kasi kami dito ng pamilya ko at nagkataon na nakita ko to dati na amaze ako sa nakita ko dito " sagot ni James.

"Pumasok na tayo, hanggat maari wag tayo mag-ingay sa loob" sabi ko at naglakad na kami papasok.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon