BELLE'S POV
Nagpapahinga kami sa sala ng biglang may kumatok.
"Ako na" sabi ni Rei.
Biglang may isang Rei na lumabas at binuksan ang pinto.
"Yow" sabi ni James.
Nagulat kami dahil nakadating pa siya akala kasi namin di na siya makakasama.
"Buti naman dumating ka" sabi ni Clark.
Nginitian naman siya ni James.
"Maya-maya lang ay magtraitrain na tayo" sabi ni Clark.
"Belle, ako na ang lalaban sayo hindi na si Tristan" dagdag pa nito.
Nagulat kami ni Tristan sa sinabi Clark.
"Hindi mo kayang talunin si Tristan kaya mas maganda kung ang makakalaban mo muna ay ako" paliwanag ni Clark.
Sabagay tama naman na wala akong pag-asa na manalo kay Tristan kahit anong gawin ko.
Nang mag-alas-otso na ay pumunta na kami sa basement para simulan ang laban.
Unang lumaban sina Poeny at Aqua. Ganun ulit may walong balde na nakapalibot ganun pa rin ang rule ng training. Nag-umpisa na ang laban.
Gumalaw agad ang mga tubig sa walong balde at may mga higanteng galamay ang pumalibot kay Aqua at may tubig rin na nasa mga kamay niya na naging galamay. Maraming ice spikes ang inatake ni Aqua kay Poeny. May mga ugat naman na pumalibot kay Poenyat naging mistulang shield.
Nagulat kami ng biglang may halaman na lumabas at nangangain ito. Mukha itong venus fly trap at isa isang umatake kay Aqua.
Pero ginagawa ni Aqua na matulis ang mga galamay niya at pinuputol nito ang halaman. Muntik nang matamaan si Aqua buti nalang ay pinalibot niya ang tubig at naging yelo. Maraming halaman ang umatake sa yelo niya at may mga spikes na nabuo sa mga yelo. Biglang naging umiikot na tubig ang yelo na para bang gulong na pinapaandar sa bilis.
Kada galaw ni Aqua ay may mga spikes na lumalabas. May ugat na humila kay Poeny para maka-ilag siya. Biglang nagbago ang tubig ni Aqua at naging whirlpool sa taas ng whirlpool ay andoon si Aqua. May mga galamay na tubig ang umatake kay Poeny.
Naka-ilag naman ito hindi namalayan ni Aqua na may ugat sa likod niya at bigla siyang sinaksak nito sa tiyan.
Nagulat kami sa nangyare biglang nasira ang tubig ni Aqua at bago pa siya mahulog ay mga mga ugat na sumalo sa kanya. Pinagaling naman agad siya ni Poeny kaya umayos rin ang sugat niya. Nawalan lang ng malay si Aqua.
Sunod naman na lumaban si Rei at James. Nag-alala ako kay James dahil hindi naman siya nagtraitraining. Alam kong malakas si James pero halatang lumakas na rin si Rei. Nag-umpisa na nga ang laban nila.
Sumugod si Rei at habang papalapit siya kay James ay naging tatlo siya ang dalawang nasa gilid na Rei ay naging leon samantalang tao pa rin ang nasa gitna.
Sumugod na rin si James. Bigla niyang sinugod ang isang leon at binalian ng leeg. Umatake naman ang isa pang leon, tumalon lang si James at biglang bumilis ang pagbaba niya.
Sinipa niya pababa ang leon kitang-kita sa ang sakit ng impact na nagawa ni James. Biglang nagsuka ng dugo ang natitirang Rei. Aatakihin na sana siya ni James nang humarang bigla si Tristan.
"Panalo ka na" sabi ni Tristan.
Tumingin si James sa akin at nginitian ako lumapit din siya sa akin. Pinagaling ni Poeny si Rei.
Kami naman ni Clark ang maglalaban.
"Goodluck" mahinang sabi ni James.
"Thank you" sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasíaYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.