CHAPTER XLIII: BELLE

11 3 0
                                    

AQUA'S POV

Sa isang kweba kami nagtatago.

Pinuntahan namin lahat ng lugar na pwede naming taguan pero bago pa kami makapunta sa mga lugar na pwede naming puntahan ay sira na ito. Napaka-gulo na ng mundo.

Sinusubukan na pumunta nila Tristan at Mark sa kuta ng Chess pero wala na sila dun. Hindi na namin nakita pa si Harold. Samantalang wala pa ring malay si Belle.

Kami ni Poeny at Claire ang nag-papalit ng damit niya. Si Poeny naman ang nagbibigay ng sustansiya sa katawan niya kahit wala siyang malay.

Kapag bumabalik sina Tristan lagi lang siyang nakatabi kay Belle at umiiyak. Nagsosorry siya dahil wala siyang nagawa kay James, Princess at sa nanay ni Belle.

BELLE'S POV

Nagising na ako pero nasa ibang lugar ako. Nakita ko ulit ang sarili ko.

"Mabuti naman at gising ka na" sabi nito.

"Asan ako?" tanong ko.

"Ikaw ay nasa kaloob-looban mo, natatandaan mo pa ba ang sinabi sa iyo dati ni James nang tinuruan ka niya?" tanong nito.

"Tinuro?" napa-isip ako bigla at naalala ko ang sinabi dati ni James tungkol sa State of Nothingness.

"Do you mean nasa State of Nothingness ako?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang ito at tumalikod.

"Kailangan ko nang makabalik dun" sabi ko.

"Bago ka bumalik ay may itatanong muna ako sayo" sabi nito at siya'y naglakad palayo.

Tumayo naman ako at sinundan siya kahit naguguluhan na ako sa mga nangyayare.

"Alam mo ba kung ano ang ability mo?" tanong nito habang naglalakad.

"Sa tingin ko ang ability ko ay maka-detect kung may ability ang isang tao" naguguluhan kong sagot.

"Isa lamang yun sa kaya mong gawin" sabi nito at humarap sa akin.

"Gusto mo bang malaman ano ang ability mo at kung ano ang kaya nitong gawin ngunit magtatagal ka dito hanggang di mo pa nalalaman ang ability mo, gusto mo bang malaman?" tanong nito.

Kailangan ko nang bumalik pero kung babalik ako baka hindi ko na ulit makita ang sarili ko at alam kong mas makatutulong na malaman ko ang ability ko pagbalik ko.

"Pumapayag ako"

Ngumiti ito at nagsabing "Kung ganun sundan mo ko".

Naglakad na ulit siya at sumunod naman ako.

"Andito na tayo" nakangiting sabi nito.

Biglang may mga ugat na umatake sa akin.

"Anong ibigsabihin nito?" tanong ko.

"Makakabalik ka lang kung malalaman mo ano ang ability mo" sabi nito.

Umiilag lang ako dahil sa mga ugat na humahabol sa akin.

Pano ko siya matatalo kung wala akong sandata.

Kailangan kong makalapit sa kanya para maka-atake. Tumatakbo ako palapit sa kanya habang umiilag sa mga ugat. Nang makalapit na ako sa kanya akmang sisipain ko na siya nang bigla siyang nawala.

"Huh!?" nagulat ako sa pagkawala niya at bigla akong nahampas ng ugat kaya napatalsik ako.

"Aray!" sabi ko at bumangon ako.

Nakita ko siya na nasa kabila na at nakatingin sa akin. Biglang umatake nanaman ang mga ugat. Kaya umilag ako, pano ko siya masusugatan kung nawawala siya?

Tumakbo nanaman ako at umilag palayo. Pero wala pa rin kwenta bigla nalang kasi may mga yelo na umaatake o kaya bumbagal ang oras pero mabilis pa rin ang atake niya.

"Hindi mo pa rin ba alam ano ang ability mo? " tanong nito habang pinapagalaw ang mga sinulid na umaatake sa akin.

Hindi ko alam masyadong madami ang nilalabas niya.

Sugatan na rin ako dahil sa mga dahon, ugat, yelo at mga sinulid na umaatake sa akin.

"Hindi ka makaka-alis hanggat hindi mo pa narerealize ang ability mo" sabi niya sa akin.

Sa pagkakaalala ko sabi ni James dati sa oras na makapasok ka sa State of Nothingness mo makikita mo ang sarili mo at malalaman mo ang ability mo. Pero ang gulo ng ability ko ba't kaparehas ng ability nang mga kagrupo ko Water and Ice, Plants, Time, Clone, Thread lahat yun ability nila sa grupo. Pero bakit ginagamit niya yun laban sa akin.

Mimicry? Di kaya mimicry ang ability ko? Pero kung mimicry ang ability ko bakit nakakadetect ako? Kahit saan ko tingnan walang connect yung mimicy at pagdedetect ko. Pero wala rin namang mawawala kung susubukan kong sabihin.

"Mimicry? My ability is Mimicry!" sigaw ko habang umiilag sa mga atake niya.

"Nope" sagot niya.

Patuloy pa rin ako sa pag-iwas hindi ko na alam gano ako katagal dito. Kailangan ko nang makabalik sa madaling panahon.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon