CHAPTER XLIX: A SUDDEN ATTACK

15 3 0
                                    

BELLE'S POV

Nang makapunta na ako sa batis ay hinubad ko na ang damit ko tanging panty at bra nalang ang suot ko at nagbabad na nga ako sa batis.

"Ahh ang sarap ng tubig"

Lumalangoy ako sa batis ng bigla akong may naramdaman na kakaiba.

"Shit, may nararamdaman akong may ability" mahinang sabi ko sa sarili.

Dali-dali akong umalis sa batis at kinuha ang tuwalya.

"Sinong andiyan? Alam kong may kasama ako dito. Tristan? Aqua? Rei? Claire? Poeny? Mark? Erra? kung kayo man yan magpakita na kayo" sigaw ko.

Madilim na ngayon at madaming puno kaya hindi ko makita ng ayos ang paligid ko. Hindi sila ang nararamdaman ko masyadong malakas ang Aura ng nararamdaman ko at sure akong dalawa sila na naandito.

"Chess Piece?" mahina kong sabi.

Biglang may narinig akong palakpak sa bandang kanan. Napalingon ako at nakita ang isang lalaki na nababalot ng kulay na itim na damit at may maskara ito. Sa gilid ng maskara niya may hikaw na nakasabit pero hindi ko gaanong makita dahil masyadong madilim. Kasama niya rin ang White Bishop.

"Pupunta na ako dun babalik ako dito after ng five minutes" paalala ng White Bishop sa kasama niya.

Hindi naman ito umimik. Umalis na ang White Bishop. Bumaba sa puno ang naka-maskara at dun ko lang nakita ano ang hikaw niya.

"Dark Knight" mahina kong sabi.

Kaya pala hindi ko alam anong Chess Piece siya dahil never ko pang nakita ano ang itsura ng Dark Knight.

Nilabas niya ang kanyang espada.

Kung kailan ko naman naiwan espada ko pero okay lang once na makita ko na ability niya magagaya ko na rin ang aura niya at parehas na kami ng ability. Pero sa tingin ko mas maganda kung tatakas na muna ako.

Pinulot ko na ang bag ko at tumakbo nagulat sa bilis niya at nasa unahan ko na siya.

Biglang may ingay akong narinig. Sa direksyon kung asan sila Tristan.

"So dun pumunta ang White Bishop"

Wala namang imik ang Dark Knight at parang di ako narinig. Bigla nalang utamake ito .Binagsak ko naman ang bag ko kaagad. Ang bilis niyang gumalaw pero nakakailag naman ako sa mga atake niya. Hindi niya ginagamit ang ability niya kaya puro ilag lang ang nagagawa ko. Tumigil ito at umurong.

"Alam ko namang masasama kayong Chess pero di ko inaasahan na bastos kayo sabagay may mga rapist nga kayo na member eh" nang-aasar kong sabi.

Wala pa rin itong imik at biglang sumugod sa akin. Nagulat ako dahil nasa harapan ko agad ito. Huli na nang maka-ilag ako kaya nadaplisan ang kanan kong pisngi ng espada niya.

Napahawak ako sa sugat ko.

"Tskk"

Bigla niyang hinati ang isang puno at gumawa ng arnis. Tinago niya ang espada niya at hinagis sa akin ang ginawa niyang arnis sinalo ko naman ito.

"Yung totoo anong balak mo? Minamaliit mo ata ako"

Wala pa rin siyang imik.

Umatake na ako sa kanya. Ang bilis niya gumalaw at naiilagan niya ang bawat atake ko. Habang nailag siya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kinulong niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. Nagulat ako ng hinawakan niya ang sugat ko. Sinipa ko siya pero agad naman siyang naka-ilag at binitawan ako. Dinilaan niya ang daliri niya na pinangpunas sa sugat ko.

"Pervert" naiinis kong sabi.

Umatake siya bigla at sinipa ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang kahoy sa mga kamay ko.

"Ahh!" sigaw ko habang napahawak sa mga kamay ko.

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya. Pagkatalikod ko kinuha niya agad ang kamay ko at tinulak ako sa isang puno.

"What the fuck, let me go pervert!" naiinis kong sigaw.

Sisipain ko palang sana siya ng bigla niya akong hinalikan.

Kinagat ko ang dila niya.

"Ahh!" sigaw nito bigla-bigla nalang siyang tumawa

"Belle!" napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.

Nakasandal ako sa isang puno at ang dalawang kamay ko ay hawak ng Dark Knight.

"Tristan" sagot ko naman.

"Bitawan mo si Belle" sigaw ni Tristan.

Binatawan ako ng Dark Knight at humarap kay Tristan.

Ngayon na ang pagkakataon ko. Sisipain ko palang sana ang Dark Knight nang biglang nasa harap ko na si Tristan at tumalsik ang Dark Knight.

Anong nangyari? Mukhang pinatigil ni Tristan ang oras. Bumangon naman agad ang Dark Knight. Natatawa lang ito. Masyadong garalgal boses niya.

Hinawakan nito ang espada niya at halatang susugod anumang oras.

"Oras na para bumalik, Kuya" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, pagtingin ko ay nakita ko ang mga Chess Piece simula White Rook hanggang White Knight. Kung ganun madami pala sila na sumugod at ang Dark Knight lang ang kalaban ko kanina, so ang ibang Chess Piece kanina ay nasa kuta namin.

"Tapos na ang mission natin kuya" dagdag pa ng White Knight.

Binitawan na ng Dark Knight ang espada niya at tumalon papunta sa puno.

Biglang may bumukas na portal at pumasok na sila dun pero bago pumasok ang Dark Knight ay nagsalita pa ito.

"Pinapasabi pala ng King namin ang tagal mo naman  daw siyang balikan Belle. Di mo ba daw ba siya namimiss?" sabi nito at biglang pumasok na sa portal.

Nawala na silang lahat bigla namang napaluhod si Tristan.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako nahihilo lang ako" sagot nito.

"Bumalik na tayo sa kanila" sabi ko inalalayan ko si Tristan na tumayo at maglakad.

"Do you know what? I like it." sabi ni Tristan.

Nagulat ako sa sinabi ni Tristan.

"Ha?" tanong ko.

"Hotdog" sagot nito sabay tawa.

"Ewan ko sayo" naiinis kong sabi.

Natawa lang ito

"Joke lang Belle what I mean is I like to see that you're worried for me" seryosong sagot nito.

Nagulat ako sa sinabi niya pero normal lang naman na mag-alala ako sa kanya kasi kaibigan ko siya at kagrupo ko pa siya.

"Of course you're my friend and you are also our leader" sagot ko.

"Yeah, And I hope that I'm more than that" mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Tinitingin-tingin mo?" tanong nito.

"Wala" sagot ko at tumingin na ako sa daanan.

Nakabalik na kami sa mga kagrupo namin. Halatang-halata ang pag-aalala nila ng makita nila kami ni Tristan.


Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon