BELLE'S POV
Habang naglalakad kami nang sama-sama papunta sa aming room nadaanan namin ang ibat-ibang faculty dito sa paaralan pati na ang garden at ang mga lab dito.
"Wag kayo humiwalay sa pila ha" sabi ng adviser namin.
Mukha namang mabait si sir. Nakarating na nga kami sa building ng mga Senior High. Hingal kaming umakyat papunta sa 4th floor. Nasa gitna ng tatlong room sa 4th floor ang aming room. Tanaw na tanaw dito ang loob ng school.
"Ang lawak naman dito" mahina kong sabi sa aking sarili.
"Tingnan mo oh may swimming pool dun" sabi ng isang babae sa kasama niyang babae.
Mukhang matagal na silang magkakilala dahil halatang close sila. Lumingon rin ako sa tinuturo ng babae.
"Wow, ang laki ng pool" namamangha kong sabi.
"Mas maganda sa bandang dun" bulong ng isang lalaki napalingon naman ako sa tinuturo ng lalaki. "Ang lalaki ng puno no" dagdag niya pa.
"Oo nga eh at ang ganda rin ng mga bulaklak" sagot ko naman.
Napatingin ako kung sino ang kausap ko. Nagulat ako nung makita ko ang itsura niya.
"Ikaw?" sinagutan niya lang ako ng naka-ngiting mukha. "Ikaw yung nag-speech diba?" tanong ko.
"Yup, Anyway, Im James Harold just call me James. What's your name? " tanong niya.
" Ahh I'm Bella Esperanza just call me Belle" sagot ko naman. Natawa lang siya at nagsabing "Nice name".
Anong nakakatawa sa name ko? Gusto ko sanang itanong iyon ngunit nahiya ako dahil di naman kami magkakilala.
"Mga bata pumasok na kayo sa room niyo" sabi ng aming adviser. Agad naman kaming sumunod sakanya.
"Do you mind if I seat beside you?" sabi ni James.
"It's fine, wala naman akong kilala na iba dito eh" sagot ko naman.
Inaantay namin ang adviser namin na magsimula na. Di naman kami nag-uusap ni James. Pero bat ganun may nararamdaman ako na kakaiba.
"Okay class, lets start by introducing yourself in front of the class pero bago yun ako muna ang magpapakilala". Sabi ng adviser namin na nasa harap ng klase.
" Im Sir Nicholas just call me Sir Nick, so kayo naman umpisahan natin sa pinakadulo. Yes Miss".
"Ako una sir?" nagulat kong sabi sa adviser ko. Natawa nang mahina si James pero sapat na para marinig ko. Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin.
"Ahh My name is Bella Esperanza Rivera you can call me Belle. Im 16 years old. Pinanganak noong July 19. Sana maging close ko kayong lahat." umupo na ako at ningitian ako ni Sir. Sunod namang nagpakilala si James.
" Hello, my name is James Harold Rivera. Just call me Harold".
Napatingin ako nang sinabi niya na Harold sa pagkaka-alala ko sabi niya James ang palayaw niya kaya yun gamit ko sa kanya pero sabagay pangalan niya naman yan tawagin ko nalang siyang Harold.
"Im 17 years old. As you can see Im the top 1 from the entrance exam. Please take care of me" Nakangiti niyang sabi.
Kitang-kita sa likod kung pano tumingin ang mga babae sa kanya at pano sila kiligin.
Isa-isa na nga silang nagpakilala. Hindi pa rin kami nag-uusap ni James gusto ko kasi makilala mga kaklase ko kaya nakatingin ako sa mga nagpapakilala. Pero feeling ko nakatingin si James sa akin nakaka-ilang tuloy ako.
Di nagtagal ay tinamad na ako makinig, gusto kong matulog lalo nat four am na ako natulog kakapuyat kagabi. Bigla akong kinabahan nang magpakilala ang isang lalaki sa harap. Bat pakiramdam ko nakita ko na siya?
"Hello my name is Tristan Silva. Im 17 years old" sabi nito.
"What the-" natawa ako ng mahina dahil sa attitude nung lalaki sa harap.
"Bat ka natawa?" tanong ni James. "Ahh wala lang Ja- Harold" naalala ko na gusto niya nga pala Harold itawag sa kanya.
"Sabi ko sayo just call me James diba?" nagtatakang tanong niya.
"Pero sabi mo kanina Harold ang itawag namin sayo" sagot ko.
"Itawag nila sa akin for correction atsaka mas gusto ko na tawagin mo ko na James" sabi niya habang nakangiti.
"Ahh okie sabi mo eh" sagot ko naman.
"Anyway bat ka natawa? " dugtong niya.
"Wala lang wag mo na intindihin" sagot ko naman.
Ayoko na masabihan na maingay ako sa unang klase ng adviser namin kaya ayoko muna kuma-usap sa kanya kung maaari.
Binigay na ni Sir ang schedule namin para ngayong Sem. Lumabas na rin ako para maglunch. Sumama naman sa akin si James. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit parang pamilyar yung lalaki sa harap ko.
Natapos na ang lunchbreak at bumalik na ako sa klase. Natapos na ang araw at pauwi na ako. Nagmadali ako sa pag-uwi dahil alas-singko na kami natapos ngayon at bibiyahe pa ako at panigurado may traffic na.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.