CHAPTER VIII: PAWN VS. BELLE AND JAMES

16 5 0
                                    

JAMES POV

"Belle, asan siya?" tanong ko.

"Pasugod siya sa harap mo" sagot niya.

Sumugod na rin ako kailangan ko mag-ingat hindi ako pwede mapahamak dito at mas lalong di pwede mapahamak si Belle.

"Lumiko siya sa kanan" sigaw ni Belle.

"Shit, nahihirapan ako makipaglaban sa di ko nakikita" mahinang sabi ko.

"Malapit na siya sayo".

Tumalon ako at sinipa ang hangin mukha akong tanga pero wala akong magagawa dahil di ko rin naman siya nakikita. Kailangan kong patagalin to para maabutan kami nila Tristan at Clark. Di ko alam gaano kalakas yung babae na yun at kung kakayanin ko ba siya kaya mas maganda na patagalin ko ang laban at tapusin na tong invisible na Pawn.

"Ahh" napa-sigaw ako sa sakit dahil naramdaman kong may bumaon sa binti ko na kutsilyo. Tumalon ako paurong.

"Pasugod siya sa James" sigaw ni Belle.

Sumugod na rin ako kahit may dugo sa binti ko sinipa at sinuntok ko lang ang hangin dahil nga hindi ko siya makita.

"Ahhh" nagulat ako ng tumili si Belle.

"What the fuck! Ako kalaban mo!" naiinis kong sigaw.

Alam kong papunta yung lalaki kay Belle. Tumalon ako para mas mabilis. Pagkababa ko sa lupa nahulog ang lalaki. Dahilan para makita ko siya. Malapit na siya kay Belle.

Tumalon akong muli at sinipa siya papunta sa gilid. Tumalsik ang isang kutsilyo na hawak niya tumalon ako para kunin ang kutsilyo.

"Nice one puro nalang ako talon" natatawa kong sabi sa sarili.

Ang sakit pa rin ng binti ko dahil sa hiwa. Nawala nanaman ang lalaki.

"Belle, asan na siya? " tanong ko.

"Andun pa rin siya bumabangon".

Sinugod ko na siya pero nagulat ako wala akong matamaan.

"Tumakbo siya pakaliwa." sigaw ni Belle.

"Shit ang hirap lumaban ng di ko talaga nakikita".

Tumakbo na rin ako pakaliwa at sinunggaban ang kalaban pero wala pa rin akong matamaan.

"Sa likod mo" sigaw ni Belle.

Dumapa ako at dinulas nag kanyang paa dahilan naman para bumagsak siya saka ko siya sinaksak. Nagulat ako nang biglang naging abo ang katawan niya.

"Not bad" sabi ng Queen na nasa harap namin habang napalakpak.

Lumapit sa akin si Belle at may binulong "Parating na sila at may kasama silang isa pa na ngayon ko lang naramdaman.

TRISTAN'S POV

Shit nawala sila. Pano ko sila hahanapin ngayon. Tumatakbo ako para ikutin ang school habang sumisigaw.

"Clark!,  Belle!, Harold! " paulit-ulit lang ako sa pagsigaw.

"Andito ako Tristan" napalingon ko nang marinig ko si Clark.

Pumunta ako sa kanya

"Ano meron dito?" tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo ang mga estudyante at iba pang andito. Patay ang kanilang expressions at maitim ang kanilang mata" sabi ni Clark.

"Susubukan kong basahin ang isip nila" dagdag pa nito.

"Ahh!" sigaw ni Clark.

"Bakit anong nangyare?  Ano nabasa mo? ".

"Di ko mabasa ang nasa utak nila para bang may humaharang dito" sagot naman ni Clark.

"Kailangan nating mahanap yung dalawa na yun. Tara na" sabi ko at umalis na kami.

"Sandali lang Tristan tingnan mo may estudyante dun" sabi ni Clark at sabay turo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chess Piece

Status: Pawn
Ability: Invisibility

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon