Chapter - 03

1K 141 44
                                        

Agustin's POV....

LINTIK Ang ngisi ni Julio pagkakita kay Georgia, kinikilig ang loko habang sinusundan ng tingin ang dalagang naglalakad palabas ng gate. Kung di kopa sinundot ang tenga nya ay di pa aalisin ang habol na tingin sa babae.

"Agustin kahit kelan ka talaga," reklamo nito.

"Para ka kaseng laway dyan!" Sabi ko dito.

"Epal mo, tara na nga umalis, hinihintay na tayo ni Papa" sabi nya pero alam ko naman na kaya sya nagakit na pauwi ay dahil nakasilay na sya sa mahal nya.

"Oo na tara na"

"Una na kami Eli, miguel" paalam nito sa dalawa. Tumango lang sila at may pahabol pang sapak si Julio kay Miguel bago kami lumayo. Naiiling tuloy ako sa pagkaisip bata ng lalaki.

"Dalian mo Agustin at baka maabutan ko pa si Georgia!" Sabi nya sakin habang mabilis ang mga hakbang . Kibit balikat nalang akong sumunod. Wala eh baliw na talaga ito sa babaeng yon.

Ngunit ng makalabas na kami ay nagtaka kami ng may kasamang lalaki si Georgia na isinakay sya sa likod ng kotse. Ipagsasawalang bahala na sana namin pero ng humarap sa amin ang lalaki at makitang nakapanyo ang kalahating bibig nito ay kinabahan kami.

"S-sino yon?" Takang tanong ni Julio.

"Iba ang kutob ko sa taong yon, tara sundan natin at baka mapahamak pa ang future syota mo!" Sabi ko at nagmadali kaming sumakay sa kotse ng kaibigan.

Georgia's POV....

Kinabahan ako ng tumigil sa isang gubatan ang sasakyan ng abductor ko. Pilit kong sinisino ang lalaki pero halatang umiiwas syang makilala ko. Nang buksan nya ang pinto at muli akong tinutukan ng kutsilyo ay wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nainis ako sa sarili dahil wala akong magawa sa sitwasyon na yon. Diba magiging asssassin ako pero bakit simpleng balisong lang ay takot na ako?. Paano ako makakapasa sa MECS kung duwag ako? Naghanap ako ng pagkakataon para makatakas. Hindi ito pwedeng magtagumpay sa anumang balak nya.

Kaya ng kaladkarin nya ako sa braso ko papasok sa isang kubo ay ganon nalang ang takot ko. Shit... Sino ba ang hayop na to at ano ang balak nyang gawin sa akin.

"W-who are you?" I asked him.

"Im your secret Admirer Georgia, pagpasok natin sa kubong yan ay magiging asawa kita sa ayaw at sa gusto mo!"

"A-ano?"

Nagimbal ako sa narinig. So ganon-ganon nalang ang kapalaran ko? Ang pwersahin ng hayop na to. Hindi ako papayag. Kahit sobrang takot ko ng mga sandaling yon ay pinilit kong magisip ng paraan.

Bago pa kami makapasok sa kubo ay sinipa ko sya sa tuhod at sinikmuraan. Ginamit ko ang mga nalalaman sa self depense na itinuro sa amin sa MECS. Saka ako tumakbo palayo sa lalaki.

"Georgia!!"

Hindi ako lumingon at dire- diretso lang na tumakbo para makalayo sa lugar na yon. Alam kong kasunod ko lang ang demonyong lalaki kaya binilisan ko pang lalo sa kabila ng panginginig ng tuhod ko sa takot.

Nang bigla ay huminto sa kalsada ang isang itim na kotse.

"Georgia sakay!"

Nagulat ako ng makita ang mukha ni Agustin na sumilip sa bintana ng sasakyan . Pero saglit lang yon dahil nakita ko ang taong dumukot sa akin na tumatakbo . Mabilis akong sumakay sa likod ng kotse bago pinaharurot yon ng driver na walang iba kundi si Julio Evañez.

Napamaang lang ako sa magkaibigan na magkatabi sa unahan ng sasakyan. Medyo nanginginig pa ako sa takot dahil sa nangyari pero pinilit kong wag panghinaan ng loob. Magiging Assassin ako someday at ang isang assassin ay hindi mahina ang loob. Yon ang unang-unang itinuturo sa amin. Kaya pinigilan kong mapaiyak sa sobrang takot.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon