Aurelio's POV.....
Ipinalibing namin si Eli nang sekreto ni Miguel. At agad nagplano ng mga dapat gawin. Isang organisasyon ang bubuksan naming dalawa at doon magpapalakas ng pwersa. Bilang bagong Eleazar Mondejar ay pinilit kong gayahin ang kilos at pananalita nya. Inalam ang lahat ng tungkol sa formula at sinimulan kong ipunin ang mga natitira non sa basement ng hacienda.
Sa aking pagiimbistiga ay halos naiintindihan kona ang lahat. Bilang Eli ay makakaganti din ako kay Julio balang araw. Sa ginawa nito sa papa ko at sa pag-agaw niya kay Georgia.
"D-daddy my doll--"
Napalingon ako sa batang si Ellaina. Umiiyak ito ng lumapit sa akin. Ano na naman kayang problema ng spoild brat na to? Mula ng maging si Eli ako ay pinakibagayan kona ang ugali ng bata. Kahit alam kong di sya anak ni Eli ay inihabilin naman to sakin ng kapatid at ni Samantha. Hindi naman ako ganong kasama na pati ang bata ay idadamay ko.
Pero ang kaalamang may device sa makulit na ito ang pinaka nag triggered sa akin. Knowing that she is Samantha's daughter. Alam kong magagamit ko sya in the future para sa katuparan ng paghihiganti ko so i need to be a good father to Ellaina.
"Anak may ginagawa ako, kay yaya Meding ka muna pwede?" Sabi ko.
"Daddy no, my doll..nalulunod sya sa pool" hikbi ng bata na ikinairita ko.
"Ellaina wala namang buhay yon paanong malulunod?"
Sa inis ko ay diko alam na napalakas na pala tinig ko na ikinabigla ni Ellaina at ikinatingin ng mga kawani ng hacienda.
"I hate you dad. Hindi na tayo bati"
"Ellaina!!"
Naipikit ko nalang ng mariin ang mga mata at sinundan ng tingin ang papaakyat na bata sa taas. Busy ako sa ginagawa. Hindi biro ang mga iniwan ni Eli. Tapos ganito pa kaarte ang anak nya. Pinuntahan ko nalang ang pool kung saan sinasabi nyang nalunod ang manika. Pero saan ba yon?
"Anong hinahanap mo Eli?"
Tanong ni yaya Meding ng makasalubong ko.
"Ah yaya sabi kase ni Ellaina nalunod daw yung manika nya sa pool kaya hinanap ko." Sabi ko.
"Hinahanap mo yung swimming pool ?" May pagtataka sa mga mata ng matanda kaya nagalangan akong tumango.
"O-opo--"
Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.
"Walang swimming pool sa hacienda Eli, ano bang nangyayari sayo?"
Bigla akong kinabahan. Shit talagang bata yon.. Ipinapahamak ako.
"Ah oo nga pala yaya sobrang stressed kase ako sa kompanya kaya di kona alam ang ilang bagay-bagay" mabilis kong pagdadahilan.
"Naiintindihan kita Eli. Alam kong isinusobsob mo ang sarili sa trabaho para makalimutan ang alaga ko. Sa kabila ng mga nangyari ay nagpapasalamat parin ako sayo dahil minahal mo si Samantha lalo na ang anak nya."
Nailang tuloy akong lalo sa sinabi ng matanda. Kailangan kong magingat dito. Hindi lang basta katiwala ang babae sa mansyon. Malapit ito sa pamilya Suarez na parang di iba. Baka magkabukingan pa pag may nalaman ito.
"Mahal kopo si Ellaina, na-guilty po ako sa pagtaas ng boses sa kanya kanina" kunwari ay sabi ko.
Bumuntong hininga ang babae.
"Ikaw kase ang nagpalaki dyan kaya ganyan yan. Pero Eli napapansin ko na masyadong malulungkutin ang bata. Noon madaldal yan pero ngayon madalas nang magkulong sa kwarto nya at dina nakikipagusap masyado sa akin. Kausapin mo nga at baka may dinadamdam sya"
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
