Kenzo's POV...
Nagtaka ako ng maging bisita ng araw na yon si Rex, ang personal bodyguard ni Samantha. Kinabahan ako at ang unang naisip ay may nangyaring masama sa kaibigan namin ni Lori..
Maayos na kase ang buhay namin sa Lugar na yon at malaki ang pasasalamat ko kay Samantha dahil tinupad nito ang pangako na di babaguhin ang rancho namin bagkus ay pinagisa nya ang dalawang lupain. Nakita ko yon dahil naroon ako nung ikasal sya at ng mamatay ang lolo nya. Hindi na nga lang ako lumapit pa sa kanya. Gaya ng gusto nya. Batid ko ang naging kaguluhan sa pamilya nila ng mga mafia kaya mabuti nalang at nakinig ako kay Sam. Nakalayo kami ni Lori sa gulo, ngayon ay may dalawa na kaming anak at tahimik na namumuhay sa malayo. Kasal na rin kami at swerteng umunlad ang toy factory na sinimulan ko. And its all because of My Master Sam.
"R-rex, musta?anong balita, pinapunta kaba dito ni Master Sam?" Tanong ko.
Si Lori ay naghain ng meryenda sa amin. Ang mga bata ay naglalaro sa malayo at ng makita ako ay agad na nagsilapitan sa akin.
"Musta kana Kenzo, tama ka pinapunta ako ni Madame dito."
Sabi ng lalaki.
Nagkatinginan kami ni Lori, pagkuway inakay muna nya ang dalawang bata para umalis don.
"Markus, Erin lets go, may importanteng paguusapan sila daddy" ani Lori sa mga ito. Sumama naman agad ang dalawa.
Nang maiwan ay agad kong inalam ang sadya ng lalaki.
"Anong problema?"
"Hindi ko rin alam, basta ipinahanap ka ni Madame sa akin at nagbilin na kapag natagpuan kita ay sabihin ko daw sayo na kailangan ka nyang makausap."
Kinabahan akong bigla. Ano kaya ang problema? Pero si Sam lang ang makakasagot non kaya nang araw ding yon ay sabay kaming nagbyahe ni Rex. Napuno ng mga isipin ang utak ko. Nagaalala ako kung ano ang problema ni Master Sam.
Ilang oras din ang itinagal ng byahe namin. Habang nagda-drive ay naglalakbay ang diwa ko kay Samantha.
"Ilang araw ng tila aburido si madame, at minsan naman ay naiyak nalang. Tapos yun nga inutusan na nya ako na hanapin ka" kwento ni Rex sa tabi ko.
Napasulyap ako sa katabi. Isa ito sa tapat na tauhan ni Samantha. Mula pagkabata ay personal bodyguard na ito ng babae at alam kong tapat ito sa tungkulin.
Malapit na kami sa Hacienda nila master nang matanaw namin si Samantha na nagmamadaling umalis sakay ng kotse nya.
"Si Master yon diba?" Taka kong tanong sa kasama.
"Oo, kotse nya yan, sundan mo nalang." Utos nito kaya sinunod ko sya.
Nakakapagtaka ang mabilis na pagmamaneho ng babae. Halos maiwan na kami. Saan ba to pupunta? Baka naman tinopak lang ito sa asawa at nais lang may mapaghingahan ng sama ng loob. Knowing her tantrums at isa pa hindi sya kay Agustin ikinasal kaya malamang bored na bored ang buhay nito.
Kumunot ang noo namin ng lumihis ng daan si Sam. Sa masusukal na gubat sya dumaan.
"Pasaan yan? Bakit parang sa probinsya sya pupunta?" Kunot ang noong nasambit ko.
"Yan ang alamin natin. Magulo ang takbo ng utak ni madame ngayon eh" aniya.
Sinubukan kong bumusina sa kanya pero masyadong mabilis ang pagda- drive nito at malayo ang pagitan namin. Napailing nalang ako. Nang bigla kaming magulat ni Rex nang may tatlong sasakyan ang humarang sa babae. Bigla kong naitigil ang kotse sa malayo.
"S-sino ang mga yan?" Nauutal kong tanong na bigla ay kinabahan.
"Itabi mo sa gilid ang kotse, hindi nila tayo dapat makita kenzo, baka kalaban ang mga yan" sabi ni Rex.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
