Samantha's POV...
Sa malungkot kong buhay ay napakadaming kulang. Bukod sa pagmamahal ng magulang ay wala nang kasiyahang natira sa akin, hindi kayang punan ng pera ng pamilya Suarez ang kahungkagan sa puso ko. Hinanap ko ang kaligayahang yon sa piling ng pamilya at kaibigan but i still feel empty. Paano ba sasaya ang isang dalagita na katulad ko na bata palang ay palaso na ang hawak? Na hindi manlang nakaranas ng paglalaro. Mula ng dalhin ako sa europa ni Vicente ay wala na akong ginawa kundi magsanay para ihanda ang sarili na maging ganap na assassin. Dinadalaw naman akong lagi ng lolo ko pero ng magkaedad na ito ay dumalang yon, buti nalang ng mamatay ang mommy ko two years ago ay hinayaan na ako ng tiyuhin na manirahan sa bansa kasama ni lolo Alfonso.
At ang una kong ginawa ay hanapin ang aking kaligayahan. Noon si mommy ang ipinahahanap ko, pero ngayong wala na sya, isang tao ang lumitaw sa aking gunita. My future husband since i saw him.
Siguro naman pag nakita ko sya mawawala na ang lungkot sa puso ko. Tulad noon. I was so lonely that time dahil tinataguan ako ng sarili kong ina pero ng makita ko ang lalaking yon ay may kung anong pumitlag sa batang puso ko. Nawala ang sakit at parang nagkaroon ng sigla ang pakiramdam ko. He is my only hope to escape from this endless lonelines.
"Lady Samantha, narito po si Mentilla"
Napalingon ako mula sa ginagawang pagpipinta sa canvas at nakita ang personal bodyguard ko na si Rex kasama ang detective na lihim kong inutusan.
"Leave us" sabi ko kay Rex na sinunod nya. Pinaupo ko ang bagong dating.
"may lead na po kung nasaan ang lalaking pinapahanap nyo!"
Nakadama ako ng tuwa sa sinabi nya. One year ko ng hinihintay na magkaroon ng resulta ang paghahanap nya sa kinaroroonan ng future husband ko. Nanabik akong malaman yon.
"S-saan?" I ask na kunwari ay wala lang ang itinatanong.
"Ten years ago kinupkop sya ng isang Juanito Evañez "
"Evañez?" Kumunot ang noo ko sa narinig.
"Opo, isa sa mga founder ng MECS. At doon po nya dinala ang lalaking sinasabi nyo. Agustin Quinto, 21 years old at syang nangungunang magaaral sa kampo"
Natigilan ako sa narinig. Nang iabot nya sakin ang envelop at agad ko syang pinaalis.
"Keep it as a confidential, makakaasa ba ako?" Tanong ko sa lalaki.
Tumango ito saka ko sya binigyan ng pera at pinaalis na roon. Then excitted akong umakyat sa kwarto ko at saka binuksan ang laman ng envelop. I saw a picture of a handsome man na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Sa stolen shot na yon ay nakangiti ang lalaki na tila may tinatawanang kung ano. Sa ikalawang larawan ay may mga kasama na itong mga kaibigan.
Wait for me my future husband! Your future wife are now ready to claim you.
Napangiti ako at saka sumulyap sa palaso ko na nasa silid na yon. Labing dalawa dapat ang arrow non pero kulang yon ng isa dahil na kay Agustin yon.
Panahon na para kompletuhin ang aking palaso.
Agustin's POV...
Naba- bad trip na ako kay Julio. Sinabi ko ng iwan ang nasiraan nyang sasakyan sa tabi ng daan at ipakuha nalang yon sa utusan nya hindi yung idadamay nya ako sa init ng panahong yon. Katatapos lang naming mag ensayo ng paggamit ng palaso sa mansyon nila at ng pabalik na kami ng camp ay saka naman nasira ang gulong nito.
"Julio mauna na kaya ako sayo? Sobrang init dito, " reklamo ko. Ang panahon pa naman ngayon ay iinit -uulan kaya para akong sisipunin sa singaw ng kalye. Pero itong si Julio ay ayaw iwan ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
