Agustin's POV....
Pinilit kong alisin ang pagkakapulupot na yon sakin ni Samantha pero ang higpit ng kunyapit nya kaya wala akong nagawa kundi buhatin sya. Pinigilan ko nalang ang init na bigla kong naramdaman. Ang mukha nya ay sumubsob sa aking balikat kaya nanuot sa ilong ko ang amoy ng kanyang mabangong buhok. Shit... Natu- turn on ako sa dalagitang buhat . Mabilis kong pinatay ang gasera saka lumabas sa kubo tangay ang babae. Ang isang kamay ko ay hawak ang tsinelas nya at ang isa ay alalay ang hita nya para di sya dumulas sa ibaba. Dahil kung mangyayari yon ay tiyak na mararamdaman nya kung gaano ako kahandang angkinin sya. Hinuhugot ko lang ang natitirang katinuan para di sya ibalik sa kubo at doon pakialaman..
Naglakad ako papunta sa dorm nya habang buhat sya . Ang problema lang ay diko nga pala alam kung saan ang silid ni Samantha don. Naku naman.. Parang nananadya ang langit. Sinong kakatukin ko don? Ni silid ni Georgia ay diko alam.
"S-samantha, ituro mo sakin kung saan ang silid mo?" Pinilit kong gisingin si Sam sa bisig ko. Bahagya ko syang niyugyog.
"Hmmm"
"Saan ang room mo Samantha?" Tanong ko ulit.
"Upstairs, turn left-- there's a figurine in ---"
"Anong upstairs? Nasa kampo ka hoy!" Gigil ko ng sabi. Yumakap lang sya ng mahigpit pero dina nagsalita. Anak ng tipaklong. Kanina lang ay matino pa itong kausap. Pero ngayon ay plakda narin sya.
No choice, kahit ayoko ay sa silid namin ni Julio sya dinala. Maingat ko syang inilapag sa katre ko sa kabila ng pagtutol nya. Gusto ko ng itali to para di maglikot. Si Julio ay ganon parin ang ayos.
Sa sahig ang tulog ko nito. Di naman kami kasya ni Julio sa kama nya at pareho kaming malaki, mas lalong di ako pwedeng tumabi kay Samantha. Kaya naglatag nalang ako ng kumot sa sahig. Pero ng mahihiga na ako ay hinablot ni Samantha ang braso ko. Kaya napaupo ako sa tabi ng higaan.
"S-sam--"
"Agustin love mo naba ako?"
What? Anong tanong yon? Napasulyap tuloy ako sa tulog na si Julio.
"Samantha lasing ka, matulog kana lang dyan ha," pabulong na asik ko sa dalagita.
"Kiss mo muna ako" namumungay ang matang sabi niya. Antok na ito eh makulit lang.
"Sira kaba?"
Inalis ko ang kamay nya sa braso ko pero bigla nya akong hinila at tumayo sya saka sinalubong ng halik ang labi ko. Shit! Malakas ko syang itinulak kaya napahiga syang muli.
"A-agustin--"
"Samantha umayos ka, nakaka bwisit kana!"
Galit akong lumabas ng silid at don kinalma ang sarili sa terasa ng dorm. Grabeng babae.. Kung hindi ko nakontrol ang sarili ay baka nagantihan ko ang halik nya ng lumapat ang malambot nyang labi sa akin.
Ilang sandali ang pinalipas ko bago pumasok muli sa silid. Nakahinga ako ng maluwag ng tulog na si Samantha. Prente na akong nahiga sa sahig. Pero ng gabing yon ay hindi ako nakatulog. Dahil sa pagkabalisa ko. Ang init ng katawan na lumukob sa akin dahil sa dalagita ay sobrang lakas na di ko maalis sa sistema ko. Damn lady.
Samantha's POV....
Masakit ang ulo ko ng maalimpungatan dahil sa lamig. Pilit kong inalala ang nangyari at nabigla ako ng makitang wala ako sa sariling silid sa dorm. At muntik na akong mapasigaw ng mamataan ko sa kabilang kama si Julio na nakahubad habang tulog. Ha? Asan ako?
Saka ko nasulyapan si Agustin sa lapag na tulog at nakatakip ang isang braso sa mata. Then a smile formed my lips. Madilim pang tiyak sa labas. At nakahiga ako sa kama ni Agustin. Ayiii kinilig ako. Niyakap ko ang kumot nya na nasa katawan ko at inamoy ang unan ng binata. Matagal ako sa ganong ayos. Saka ako bumaling muli sa tulog na lalaki. Naka damit at short parin ito. Type na type ko talaga sya. Ang mamasel nyang katawan at kayumangging kulay ay nakakaakit sa akin. Well pare-pareho lang naman sila nila Julio na gwapo at macho pero na kay Agustin lang ang atensyon ko. Gusto ko na talaga itong maging boyfriend. Para magpapakasal na kami pagkatapos nya dito sa MECS.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
