SAMANTHA'S POV....
Sobra akong nasaktan sa pakikipaghiwalay na yon ni Agustin sa akin. Magdamag akong umiyak sa silid ko sa dorm. Magisa pa naman ako don dahil dina napasok sila Lori at Kenzo. Bigla ko tuloy na-miss ang dalawa. Gumayak ako pauwi kahit may training kami. Ayokong makita muna si Agustin dahil baka umiyak na naman ako. Naka sunglass ako nang lumabas para di mahalata ang pamumugto ng mga mata ko. Pero tila nananadya naman ang langit paglabas ko sa bungad ng kalyeng patungo sa dorm ay sila Agustin at Julio agad ang nakita ko. Kasama din pala nila Sila Eli at Miguel.
Natigilan si Agustin pagkakita sa akin. Si Julio ay pasimpleng tumingin lang samantalang tila walang alam ang dalawa pa. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin. Babatiin koba sila? Naiiyak na naman tuloy ako ng makita ang nobyo. I mean ex..
"S-samantha uuwi ka?" Takang tanong ni Eli. Lumapit pa ito sa akin pero tumango lang ako at nagmamadaling umalis. Kaya lang nagsalita ang bwisit na si Miguel.
"Bakit ka uuwi paano yung training natin?" Tanong nya.
"B-balik din ako" may bikig sa lalamunan na sagot ko saka nagmamadaling lumayo sa kanila.
Im not ready to face the man who broke my heart last night. Pero kahit sinaktan nya ako ay sya parin ang mahal ko at naniniwala ako sa pagibig na yon. Sabi nga sa kanta. IT'S THE LOVER NOT THE LOVE WHO BROKE YOUR HEART LAST NIGHT. shit napapakanta pa ako eh ang sakit-sakit na nga.
Paglabas ko sa gate ay naroon na si Pablito dala ang kotse. Mabuti at nakatawag ako sa telepono sa opisina kaninang umaga. Tahimik lang ako sa byahe at patuloy na nagiisip kung paano ko mapapaamong muli si Agustin. Kasabay ng inis na sumapuso sa akin para kay uncle Vicente. Tiyak na sya ang nagsabi kay Agustin. Tskk..
Pagkadating sa bahay ay sumiklab lalo ang galit ko ng makita si uncle Vicente. Bakit ito nasa hacienda? May sarili naman itong bahay hmmp.
"Samantha, bakit napauwi ka?" Salubong nya sakin. Lihim akong napaismid.
Kahit galit ako ay diko naman sya pwedeng kwestyunin dahil may takot at respeto parin ako dito.
"U-uncle galing ka pala sa kampo kahapon?" Yon lang ang nasabi ko. Tumaas ang kilay nya saka kibit-balikat na tumango.
"Kinausap ko si Agustin para layuan ka, gaya ng sabi ko Sam, hindi sya nababagay sayo"
Pinigil ko ang magdabog sa harap ng tiyuhin. Sobra na ang ginagawa nito sa buhay ko. Huminga ako ng malalim at pilit nagpakahinahon.
"Uncle mahal kopo sya." Naiiyak na sabi ko.
Natigilan syang saglit pero wala paring reaksyon ang mukha nya.
"Samantha alam mo kung ano ka sa pamilyang ito. At ang Agustin na yan ay alaga ng mga Evañez. Paano ka nakasisiguro na tapat syang nagmamahal sayo? Pera at kapangyarihan, yun ang habol nya. Listen to me Samantha. Masyado kapang bata at baguhan palang sa pagibig na yan. Makakalimutan mo rin sya."
Tuluyan na akong napaiyak sa harap ng lalaki. Bakit ko nga ba kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang lahat? Bato sya at manhid. Kinalakhan ko syang walang ekspresyon, malamig pa sya sa yelo at lahat ay ilag dito. Kagaya sya ni Miguel Cabrera. Mga taong nakakakilabot ang mga ibinabadya ng mukha. At ayoko ng mga ganitong klase ng tao sa buhay ko.
Hindi na ako muling nagsalita at umakyat na sa kwarto ko. Umiyak na naman ako. Nakatulugan ko na yata ang pagiyak. Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Diko alam na nai-locked ko pala yon kanina.
"Y-yaya?"
"Nasa baba si kenzo at Lori, gusto ka yatang makausap, sabi ko ay masama ang pakiramdam mo eh" sabi ng tagapag-alaga.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
Storie d'amoreAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
