SAMANTHA'S POV....
Nakangiti ako sa pagmamaneho ng sasakyan habang pinagmamasdan ang anak na si Ellaina sa likod na naglalaro ng kanyang barbie. Sinusulit ko ang araw nang bakasyon para makasama ang bata. Kaya naman halos araw-araw ay ipinapasyal ko sya. Minsan kasama si Eli kaya lang busy ngayon ang asawa kaya kami lang dalawa ni Ellaina ang nagpicnic. ..
"Ellaina wag kang masyadong malikot dyan anak, baka mauntog ka" saway ko sa bata na ginawa na yatang darna ang manika sa pagpapalipad non.
"Mom sabi mo ibibili mo ako ng dollhouse na malaki. You promised that" nakasimangot na sabi nito.
Naalala ko na nangako nga pala ako dito nung isang araw.
"Oo nga pala, sige bukas may doll house kana na bago" ngiti ko.
"Yehey.. I love you mommy" aniya.
"Oh umayos kana dyan at magpapagasulina lang ako" ngiti ko sa bata.
Natigilan ako nang mapadaan kami sa bungad na yon ng La Vista. May alaalang nagbalik sa akin sa lugar na yon. Binagalan ko ng konte ang sasakyan at nilingon ang lugar. Doon ang daan papunta sa bahay bakasyunan nila Julio, sa la vista kung saan kami nagsama ni Agustin. Nakadama ako ng paninikip ng dibdib. Para akong maiiyak ng mga sandaling yon. Naalala ko ang panganay kong anak. Saka ko sinulyapan si Ellaina.
Kung sana ay kay Agustin sya lumaki baka hindi ganito ka spoild ang bata. Though wala naman kaso sakin ang pagpapalaki ni Eli dito na kahit anong gustuhin ay ibinibigay agad. Pero iba pa rin kung si Agustin ang nakilala nyang ama. Minsan may sandaling parang gusto kong sabihin sa bata na iba ang daddy nya. Pero alam kong maguguluhan ito. Masyadong malilito ang anak ko kaya diko na tinangka pa yon. Saka nalang kung sakaling umayon sa amin ni Agustin ang panahon. Dahil sa puso ko.. Naroon pa rin ang pagasa na balang araw mabubuo kaming apat.
Mabilis akong tumikhim dahil tila nagbara ang lalamunan ko sa pinipigil na luha. Buti nalang may suot akong sunglass. Dahil sa katitingin ko sa daan ng la vista ay muntik konang mahagip ang isang bata na nakabisikleta sa daan. Mabilis kong inayos ang pagmamaneho.
Shit!!.. Kinabahan ako don ah. Tiningnan ko ang bata sa salamin ng sasakyan. Naka uniporme ito na puti at may panyo na nakatali sa noo. Napailing ako... Wala itong kamalay-malay na muntik na syang mahagip ng kotse.
Nang makakita ng gasolinahan ay itinabi ko don ang sasakyan. Yun lang yata ang nagiisang gasolinahan doon. Wala naman masyadong nagpapagasulina. Ibinaba ko ang salamin ng kotse at iniabot sa boy ang cash.
Maya-maya ay nakita kong pumarada din sa tapat ng kotse ko ang bisikleta ng batang nakita ko kanina. Napailing ako. Bata pa ito at para sa akin ay di dapat hinahayaan ng magulang na nagbibisikleta sa daan. Napatingin ako kay Ellaina na tahimik na sa likod.
"Full tank nga!!"
Napatingin akong muli sa batang lalaki. Full tank? Magpapagasolina ba ito eh bisikleta ang dala? Natawa ako ng bahagya. Bumaba pa ang batang lalaki at isinandal sa tabi ang bisikleta nya.
"Andyan na naman ang mayabang .. Anong full tank? Nangangarap kana naman na may sasakyan ka ha" sabi dito ng isang gasoline boy.
"Biboy kapag nagka kotse ako dito ako magpapagasulina lagi para naman makita mo" anang bata.
Ewan ko pero nakakatuwa ang kayabangan nito kaya nakinig ako sa kanila. Iniabot nito sa lalaki ang dalang galon ng mineral water. Inalis ko ang salamin sa mata at tiningnan sya.
Nang lumingon sya sa gawi ko at titigan ang sasakyan ko ay ganon nalang kalakas ang pintig ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Si Agustin agad ang naalala ko sa mukha ng bata. Ang kilay at mata, maging ang ilong nito ay katulad ng kay Agustin. Naiba lang ang labi na nakangisi lagi.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
