Samantha's POV...
"M-miss Samantha wag mo nang saktan si Kenzo.. Please patawarin mo na sya"
Napatingin lang ako kay Lori ng magmakaawa sya sakin para di saktan ang gagong boyfriend nya.
Matapos akong lokohin ng lalaki at sabihing endearment ang meaning ng LINTIK..? Si Kenzo De villa palang ang nakagawa sakin ng ganon. Wala talaga itong kadala-dala. Halos patayin kona ito noong i-bully nya ako tapos ngayon ay may lakas ng loob syang lokohin ako?
Kaya pala na- turn off sakin si Agustin.
"Kung di dahil sa lintik na yan baka syota kona si Agustin ngayon, alam moba yon Kenzo?" Galit kong sabi.
"Gmhjmmdgkmsmd"
Yon ang lumabas sa bibig nyang may busal. Itinali ko lang naman ang kamay at paa nya saka binusalan ang bunganga para di makapagingay sa room namin. Hawak ko ang palaso ko at balak syang pag practisan. Tamang-tama naman dahil kahoy lang ang dingding ng mga silid sa dorm. Napangisi ako.
"Ms. Sam tama na" naiiyak nang sabi ni Lori.
Nakakainis.. Bakit kase nagustuhan ni Lori ang walang kwentang lalaking ito? Oo nga at gwapo ang lalaki pero madaldal ito at may nakakasurang pagmumukha.
Labag man sa loob ko ay inalis ko ang busal sa bibig nya.
"M-master Sam patawarin mo na ako, hindi ko naman alam na gagamitin mo yon sa kanya eh" naglulumuhod na wika ng binata.
"Bastard, dahil sayo na turn off sakin si Agustin, gusto mong sayo ko unang gamitin ang palaso ko?" Tanong ko sa kanya na ikinatakot ng lalaki.
"Master babawi ako. Wag ka ng magalit."
"Oo nga Ms. Sam, maawa ka sa kanya, " segunda pa ni Lori.
Well.. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga lover?
"Siguraduhin mo lang kenzo na babawi ka ha" i said then i sighed ..
Nakahinga sila ng maluwag at saka nilapitan ni Lori ang nobyo at tinulungan itong kalagin ang tali. Pinanood ko lang ang dalawa saka naupo sa kama ko.
Alas syete ng gabi na. Maaga pa masyado, gusto ko pa sanang makasama si Agustin kaya lang baka nasa dorm lang ito.
"Master wag kang magalala, aalamin ko ang tambayan nila Agustin, sasabihin ko sayo kung san sya napunta pag ganitong oras."
Napataas ang kilay ko kay Kenzo. Hmmm may silbi rin naman ito kahit papano kaya tinanguan ko sya.
"Simulan mo na at naiinip ako dito. Ang aga-aga pa.. Gusto ko makasama sya" sabi ko.
Tumango si Kenzo at umalis na rin. Nang mawala ito ay minasdan ko ang palasong hawak. Iniisip ko kung na kay Agustin pa kaya ang isa sa mga arrow non?
Georgia's POV....
Nilalamok na ako kahihintay sa labas ng banyong liguan ng mga babae. Paano ba naman ay lampas nang 30 minutes pero wala paring nalabas sa isa sa mga yon. Nagrereklamo na ang ibang mga kasunod ko dahil sa tagal ng naroon. Ang liguan kase ng MECS ay lima lang na shower room kaya nga may nagsasabay -sabay para tipid sa oras.
Naiinis na ako at ang nais ko ay makapaligo ng maaga dahil may usapan kami ni Eli na magre-review sa library. Kaya lang ay maling shower room ang napilahan ko.
"Ano ba naman yan, ang tagal, nakailang balik na ako dito sarado parin yan" naiinis na reaksyon Sussaine. Kaklase din namin sa section Alpha na ultimate fan ni Agustin.
"Isumbong kaya natin yan sa opisina, alam namang may oras ang ligo eh" sabi naman ni Amanda. Bestfriend nito.
"Tama, ilang araw nang me ganyan. Sino ba ang nasa loob?" Tanong ni Sussaine. Hawak nito sa kamay ang toiletries nya at isang roba saka hair towel.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
