Chapter - 45

819 122 107
                                        

AGUSTIN'S POV...

"Azzerdon diba sinabi ko sayo umuwi ka ng maaga at walang gaas? San kana naman dumaan ha?"

Tanong ko sa anak ng dumating ito ng papadilim na .

"Relax lang tay, may tinulungan lang akong babae. " nakangising sabi na ikinakunot ng noo ko.

"Babae na naman? Kakapalo ko lang sayo ah"

Habol ko ng tingin ang bata na dire-diretso sa loob ng bahay namin.

"Nagpasama po kase sakin sa restaurant at inilibre pa ako. Sarap pala talaga ng sea foods don" masayang kwento ni Azzer. Lalong kumunot ang noo ko sa anak.

"Inuna mo pa yon? Paano kung kidnapper yon edi nakuha kana"

Nilingon ako ng anak at ito naman ang kumunot ang noo.

"Sa ganda non tay talagang magpapakidnap ako"

"Azzerdon!!!" May pagbabanta sa tinig ko.

"Joke lang tay, hindi naman sya mukang ganon, isa pa may kasama syang batang babae. Kaya naawa ako kase gutom na daw yun anak nya, sinamahan ko na at yun inilibre ako ng kain."

Napaisip ako sa narinig. Si Samantha ang unang pumasok sa utak ko pero imposibleng magawi sya sa lugar na to. Pinalis ko ang isiping yon..

"Ano daw pangalan?" Tanong kong tila balewala. Ayokong isipin ni Azzer na curious ako.

"Yun lang diko natanong tay, pero yun bata e Ella yata yun. Ewan koba . Diko matandaan sa sarap ng kinain ko"

Binato ko ng pot holder ang anak. Sayang-saya pa sya porket busog na samantalang ako ay ginabi sa pagluluto dahil sa kahihintay ko sa kanya.

"Nga pala tay, pinapatawag na naman kayo ni maam"

Matalim ko syang sinulyapan habang nagdidikit ng apoy sa lutuan namin.

"Ano namang ginawa mo? Azzerdon itatali na kita sa puno ng hantik kapag may ginawa kana namang kabalbalan" asik ko sa bata.

"Wala akong ginawa tay, basta pinapatawag ka, diko alam kung bakit" mabilis na sagot nito.

"Siguraduhin mo lang"

"Oo nga tay. Nagpakabait na nga ako dyan eh" nakasimangot na sabi pa nito.

"Ayusin mo ang ilawan natin at madilim na."

"Opo"

Kinabukasan ay dumaan muna ako sa paaralan nila Azzer para kausapin ang guro nitong si Ms. Castro.

"Mr. Quinto tungkol po kase sa anak nyo,"

"May ginawa na naman po ba sya?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala naman po, mabait naman ang anak nyo, matulungin at magalang kahit may kalikutan at laging pinagaawayan ng mga kalaro nyang babae"

"Pasensya na po Ms. Castro, kinakastigo ko naman po ang anak ko, bata pa lang talaga"

Tumango ang guro at inayos ang salamin sa mata.

"Pero hindi po yan ang dahilan kaya ko kayo ipinatawag."

Natigilan ako. Baka mas malala pa don ang ginawa ng anak ko ah. Masusuntok kona talaga to .

"Ano po yon?"

"Noon pa po kase namin napapansin na advance ang talino ng anak nyo, aba ay mas magaling pa po sya sa mga teacher dito. Lahat ng aklat na ituturo palang ay alam na agad nya pagkabasa. "

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon